Puwedeng mapahamak si Duterte sa mga ipakikita niyang puwedeng gawin

Image credit: Al Jazeera video

Kapag naupo na si Duterte ay napakarami niyang gagawin na “Puwede pala” pero hindi ginawa ng mga nagdaang Pangulo.

At ‘yung makita ng buong bayan ang mga “Puwede pala” na iyan ang pipigilan ng mga kalaban upang manatili sa isipan ng mga Pilipino na “Hindi puwede” kaya nga hindi nila nagawa.

Magiging kahiya-hiya sila kapag hindi napigilan ang pag-upo ni Duterte.

Bakit kamo?

Puwede palang takutin ang mga Drug Lords sa pamamagitan ng pagbibigay ng malaking pabuya para sa kanila Dead or Alive.

Puwede palang itaas ang SSS Pensiyon.

Puwede palang ipareho ang sahod ng mga taga Probinsya sa Maynila.

Puwede palang itaas ang sahod ng mga guro at mga police.

Puwede palang gamitin sa health benefits ang kita ng Pagcor.

Puwede palang patinuin ang mga bias at abusadong Media.

Puwede palang utusan ang mga may Public Funds na ubusin ito sa kung saan ito nakalaan.

Puwede palang pagkasunduin ang mga makakaliwa at makipagtulungan sa Gobyerno.

Puwede palang ilibing na si Marcos sa Libingan ng mga Bayani at nang matahimik na ang lahat.

Puwede palang maglagay ng curfew hours para walang gagala-galang menor de edad nang sa ganun ay hindi mapahamak sa masasamang tao.

Puwede palang magtayo ng solo o isang ahensya lang na siyang direktang mangangasiwa sa pangangailangan ng mga OFW.

Puwede palang makipag-usap nang maayos sa China at resolbahin ang pinag-aawayang pulo.

Puwede palang sermunan ang mga paring Katoliko na nakikisali sa Pulitika kung kaya lalo lang nagkakagulo ang mga tao.

Puwede palang patinuin ang NAIA.

Puwede palang ayusin ang Custom.

Puwede palang puwersahang iutos na ibaba ang presyo ng bigas abah!

Puwede pala talagang magbago na ang Bansa.

Marami palang puwedeng gawin at gagawin daw iyan ni Duterte.

Dahil diyan ay ito ang mga malinaw na puwede:

Puwede siyang pagtulung-tulungang patalsikin sa puwesto sapagkat ang lahat ng puwedeng iyan ay sisira sa reputasyon ng mga nagdaang Pinuno kapag iyan ay nagawa niyang lahat.

At hindi ba’t tila inuumpisahan na ang paghanap ng butas hindi pa man nauupo gamit ang malalaking Media?

Puwedeng siya pa ang lagyan ng kaso at puwedeng sa huli ay siya pa ang kaawa-awang nakakulong.

Maliban lang….

kung ang buong bayan o ang lahat ng mga Pilipino ay sisigaw ng:

“HINDI PUWEDEEEEEEEEE YANNNNN!”

Patnubayan ka Nawa ng Maykapal, Pangulong Duterte.

About mr clown

Hindi po ako writer. Trying hard lang po. Naglilibang lang at baka sakaling sa paglilibang ko ay malibang din kayo. Oh, e di everybody happy. Hek! Hek! ~ mr clown c")