Pumayag naman si Girl, bakit may kaso pa rin ako?

 

consensual

Consensual”, “boyfriend – girl friend”, “game naman siya”, “nagmamahalan kami”; ito ang mga madalas na depensa ng akusado kung sila ay kinakasuhan sa krimen na nagbibigay parusa sa pakikipagtalik / sexual intercourse / carnal knowledge.

Madalas, kapag napatunayan na bukal naman sa loob ng babae ang pakikipagtalik, ay nababasura ang kaso laban sa akusado.

 NGUNIT, hindi sa lahat ng panahon, ang depensang ”Consensual” ay katanggap–tanggap sa korte. May mga krimen na kahit na babae pa mismo ang siyang nagyaya o gumawa ng ”the moves”, eh kalaboso pa rin ang lalaki.

Ito ang mga sumusunod:

  1. Statutory Rape – Ito ay isang kasong rape na ang babaeng katalik ay nasa dose (12) anyos pababa ang edad o mayroong
    kapansanan sa pag-iisip. At kahit na babae pa mismo ang nagpakita ng motibo, nagyaya, nang-akit, naghubo’t hubad sa harapan ng lalaki, kalaboso pa rin sa kasong rape ang lalaki dahil ayon sa batas, basta 12 years old o pababa ang edad ng babae o may kapansanan sa pag-iisip, ipinagbabawal na makipag-talik dito.
  2. Qualified Seduction – ito ay isang kaso na bukal naman sa kalooban ng babae na makipagtalik at baka nga siya pa ang nagyaya, PERO [1] noong nakipagtalik ang babae, ay isa pa siyang birhen / virgin, ang kanyang edad ay nasa 13 to 17 years old, at ang nakipagtalik sa kanya ay mayroon public authority, o isang taong pinagkakatiwaalaan para sa pangangalaga niya, kagaya ng: kanyang amo, pari / pastor, guro, guardian, o kahit na sino na nagagalaga sa bata sa bata OR [2] ang isang babae, kahit hindi na virgin at kahit na nasa wastong edad, ay nakipagtalik sa kanyang kapatid o magulang o lolo.
  3. Sa simple seduction naman ay ang pakikipagtalik ng isang babae na nasa edad 13 to 17 years old, hindi na mahalaga kung virgin pa o hindi, ang importante ay maganda naman ang reputasyon ng babae, at kaya lang siya pumayag dahil sa panloloko /matinding pambobola ng lalaki, kagaya ng pakakasalan siya kapag pumayag siya makipag-talik sa babae.
  4. Acts of Lascviousness with Consent – ito ay kahalintulad ng seduction, pero wala lang pagtatalik na nagawa, kung baga, no
    hitting below the belt, tsansing lang na payag naman ang babae. Ayun lang; nagkataon navirgin pa, 13-17 years old, at merong authority o abuse of confidence.
  5. Consented Abduction – ito naman ay ang pagsama ng isang lalaki sa virgin na babae na makipag-date o gumimik, lumabas, at isa sa plano ay gumawa ng kahalayan, puwedeng sexual intercourse or lascivious act lang, at ang babae papayag din siya sa gagawin, nagkataon lang na 13 – 17 years old ang kanyang edad.

Uulitin ko, sa mga kasong nabanggit, kahit na babae pa mismo ang nagbigay ng motibo o nagyaya sa lalaki, hindi ito maaaring maging depensa.

At pahabol na kaalaman; sa kasong rape, hindi mahalaga kung ilang minuto lang ang lumipas o kung nakaraos ang salarin, ang importante, pinilit ang babae, at kahit na nagkadikit lang ang dalawang ”ari” kahit na hindi nakapasok, at parang kumatok lang sa pintuan, kasong rape pa rin ang haharapin ni boy.

Kung nais n’yo pa ng ibang legal tidbits discussion, maaaring bisitahin ang aking Facebook Page, Mga Payong Legal ni TiagoMontiero.

Maraming Salamat sa pagbabasa.