Public ‘punching bag’, nauuso ngayon sa New York para pantanggal stress

Image from persnicketyfox via Instagram

Kadalasan, may mga pagkakataon at pangyayari sa buhay natin na nagpapainit sa ating mga ulo at nagpapakulo ng dugo.

Minsan ay hindi natin maiwasang mapasigaw o ‘di kaya naman ay magdabog, o kung sobrang lala ng pagkainis ay bigla na lang magbabato ng bagay na mahawakan.

Image from persnicketyfox via Instagram (click image to watch the video)

Ang mga ganitong eksena ang nais masolusyonan ng US Design Studio kaya naman naisipan nilang maglagay ng mga “public punching bags” sa palibot ng Manhattan streets.

Layunin ng mga punching bags na ito ang mabigyan ng pagkakataon ang mga New Yorkers na mailabas ang kanilang mga stress, galit, at kung ano pang ikinaiinit ng kanilang ulo.

Ayon sa grupong donttakethisthewrongway na nakaisip ng proyektong ito, naging inspirasyon nila ang boxing training sa paggamit ng mga punching bags bilang kanilang kontribusyon sa New York City Design Week 2019.

Ayon pa sa grupo, ang konsepto nito ay nakadisenyo hango sa mga pangkaraniwang nararamdaman ng tao kapag sila ay nagagalit o naiinis.

The public punching bag offers an outlet for these emotions as a means to maybe develop a healthier way to address personal and collective issues in a public setting.”

Nais nilang maging daan ang mga punching bags na ito upang mailabas ng mga tao ang normal na emosyon na nararamdaman kapag galit o nai-stress na.

Image from persnicketyfox via Instagram

Ayon sa Medical News Today, nararamdaman umano ang stress halos araw-araw. Kalimitan sa nagiging dahilan ng stress ay pera, trabaho, relasyon, o iba pang sitwasyon na minsan ay hindi natin naiiwasan.

Parte umano ng buhay natin ang stress dahil nagsisilbi itong “motivator” upang tayo ay lumaban sa buhay at manatiling matatag.

Nagiging delikado lang sa ating mental at physical health ang masyadong maraming nararamdaman na stress. Kaya naman kailangan din natin itong ilabas sa kahit anong posibleng paraan na hindi makakasakit sa iba.

Sa tingin mo ba, kailangan na rin nating mga Filipino ang pampublikong punching bags? O hindi na kailangan pagkat likas na sa atin ang pagiging masayahin at madaling makabangon sa bawat pagsubok?