Prosti si Snowman (A Semi-true Story)

‘Prosti si snowman, was a jolly happy soul…’

September pa lang dagsa na ng Christmascarol ang mga kabahayan ng mga Pinoy.  Naghahanda na ang mga Caroling Gangs ng bansa. Nangunguna sa listahan ang mga nangangaroling na Badiaosa kahabaan ng mga Kalye sa buong bansa, ito yung mga umaakyat sa dyip na kumakanta at may dala pang tambol,   Mayroon din yung mga ginagamit pa ang salita ng Diyos at namumudmod ng sobre, ang mga Carolers na Septyembre pa lang ay andiyan na sila sa harap ng bahay n’yo.

Nakatatawa ang mga kumakanta, basta ka-tono kahit iba ang liriko basta parehas tunog, sige, banat lang. Ang sarap panoorin at pakinggan ang mga ito, pero kapag inaaraw-araw ka na e mag-isip ka na at baka maubos na barya mo ay hindi pa dumarating ang Pasko.

Hanep talaga Pinoy, andyan na ang parolhindi pa natatapos ang All Saint’s Day.  Nakalabas na ang mga Christmas Tree na apat na taon nang ginagamit, mga gawa sa sangang kahoy na nabalutan ng Perla soap (mayroon kami nito), mga gawa sa pinagpatung-patong na lata ng pintura, Chicken wire, at kung anu-ano pa. Hanep sa diskarte, mairaos lang. Naalala ko pa ang mga parol na gawa sa diyaryo, Belen na gawa sa dayami at mga kendi na palamuti ng Christmas Tree.

Noong elemantarya hanggang hayskul, ito ang mga pinagkakaabalahan namin ang (1) Caroling (2) Projects sa pagdedesign ng Christmas Tree, rason ni Teacher para daw matuto tayosa buhay at pahalagahan ang pagsilang kay Hesus. Thumbs up, Teacher! Lusot ka sa kaso sa DECS. Ang Christmas party na kulang na lang magpa-cater ang seksiyon n’yo, sa ‘yo ang Pancit at akin ang puto diskarte ulit ni teacher.

Jologs naman kasi kung hindi ka sasabay sa mga trip ng Pinoy, hindi masaya Pasko mo kung sa bahay ka lang at maglaro ng sungka, este PSPna pala. Dapat hindi ka magdidinner sa isang Five star Hotel, dapat sa bakuran n’yo kasama lahat ng kapitbahay at may videoke pa.

Christmas lights, hindi nawawala sa mga bahay-bahay kahit pa sub standard basta maliwag ang bahayk ahit ma-triple ang bayad sa kuryente.

Ito yung mga araw na hindi mahagilap ang Ninong at Ninang, panahon na uso ang taguan.

Hindi masaya ang Pasko nang hindi nakabibili ng bagong gamit.

Bakit hindi na lang araw-araw Pasko para masaya lahat.

 

 

 

 

 

Enhanced by Zemanta

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.