Problema sa ‘Traffic’

 JL-interchange__2FGKaramihan sa atin na nakapaglakbay na sa ibang bansa, kapansin-pansin at mapupuna natin ang kaibahan at napakalalawak na mga kalsada o ‘highway’ at napakaraming ‘alternative route’ ng mga motorista sa mga bansang ating napupuntahan.

Sa KSA halimbawa, napakahusay ng mga traffic sa mga kalsada nito, kapuna-puna ang magandang pagkaka-plano sa mga highway at maski sa mga ‘routes’ ng traffic,napakaluluwang ng kalsada maski sa mga bayan-bayan lang, malulula ka sa luluwang ng mga highway at kalsada ng mga ito.

Sa ating Bansa naman kapuna-puna ang kawalan ng plano noon pa man sa napakaliliit na kalsada, maski ‘national highway’ (mga highway papuntang probinsiya) ay halos 2-way 1-lane lang. Lalo na kung ang bibigyang pansin ay ang problema ng trapiko sa Metro Manila. Wala na nga ba solusyon ang problema ng trapiko lalo na ng EDSA.

Isa sa maaaring gawin ng gobyerno at marahil tanging paraan na magbibigay kalutasan sa grabeng trapiko sa kalakhang Maynila– ay walang iba kundi lakihan ng husto ang ating mga kalsada o highway, e-demolish ang mga gusali na nasa mga tabing kalsada at lawakan ng husto ang mga pangunahing kalsada at dagdagan ang mga ‘alternate routes’.

Ang EDSA ay dapat paluwangan nang husto at maging ‘express talaga na tuloy-tuloy na tatakbo ang sasakyan magmula Pasay hanggang Monumento sa Caloocan ‘vice-versa’ at maglagay ng mga ‘U-TURN slots na lubhang maluwang din kagaya dito sa ibang bansa na maski nga mga Trailer Truck ay may kakayahan na mag u-turn sa luwang(ng u-turn slot) ng kalsada. at marahil karagdagang service road sa magkabilang shoulder’ ng EDSA (na kung saan wala dapat hihinto sa main road na kailangan lalabas sa service road kung hihinto gaya ng mga taxi at alisin na rin ang ang mga traffic lights o stop light para tuloy-tuloy talaga ang daloy ng traffic sa kahabaan ng EDSA), ngunit pinakamahalaga ang tapyasin ang mga estraktura at mga gusali na nasa tabi ng EDSA at iba pang mga pangunahing kalsada ng Metro Manila. Pinakamahusay ang pagpapaluwang ng mga kalsada kumpara sa anupamang paghihigpit sa mga motorista at mga sasakyan na gumagamit sa ating mga kalye kalsada highways sa buong kalakhang Maynila.

At marahil mas maganda din bawasan ang mga Traffic enforcers o tuluyan ng alisin ang mga traffic enforcers sa EDSA at sa iba pang mga pangunahing kalsada, maglagay na lamang ng mga ‘high-tech traffic cameras’. Ang mga traffic enforcers magkaminsan ang isa rin sa mga sanhi sa traffic dahil sa panghuhuli nila sa mga motorista na pahihintuin sa mga kalsada na nagdudulot din ng karagdagang abala sa ibang motorista na nagiging sanhi ng pagsisikip ng trapiko. Ang kagandahan sa mga ‘traffic cameras’ ay pweding hulihin o bigyang ‘notice or ticket violation’ ang traffic violator after 3days or 1 week, na maaaring puntahan na lamang ng traffic bureau staff sa kompanya o kung saan naka address o nakarehistro ang sasakyan ng sa ganun hindi ito nagiging abala sa traffic kung aktuwal na huhulihin ito sa mismong pangyayari ng ‘violation’ nito.

800px-Atlanta_75.85

NGAYON, huwag na naman ikatwiran ang kawalan ng pondo ng gobyerno upang isagawa ang proyektong pagpapalawak sa mga kalsada at mga pangunahing highway ng bansa. DAHIL kapag totoong independente ang isang bansa, may kakayahan ito na bumuo ng sariling kapital(sabagay may kapital naman talaga–bilyonbilyon nga ang naibubulsa lang ng mga mapagsamantalang opisyal ng pamahalaan).

Marahil ang mga ‘Buses ay pag-aralan din kung maaaring magkaroon na lamang ng ‘fix’ na ruta. Halimbawa, ang manggaling ng Baclaran na Bus may fix na ruta na hanggang Ayala, hanggang crossing(Shaw Blvd.), Ortigas, Cubao, etc., at may deretso sa Caloocan vice-versa. Ibig sabihin kung saan ang ruta doon ka lang hihinto magbababa magsasakay ng pasahero, hindi kana pwedi huminto maliban doon sa ‘designated stop & go’ na ruta ng Bus. Magiging mas mabilis(smooth at tuloy-tuloy) ang takbo ng mga ito dahil hindi na magbababa at mag-pipick-up ng pasahero–fix na ang biyahe. Nasa kompanya na rin ng Bus ang pag skedyul sa kanilang mga Buses & drivers kung saan i-ruruta sila. DAHIL ang mga buses ay isa rin sa labis na nakapagpapasikip sa traffic lalong-lalo na sa EDSA sa paghinto-hinto nito sa mga Bus stops.

At lubhang napapanahon na na kumilos hindi lamang ang ating mga pamunuan ng gobyerno kundi lalo higit ang ating mamamayan, sa mga Pinoy na may malikot na imahinasyon kakayahan karunungan na gumawa na ng mga pambihirang hakbang upang malunasan mga suliraning bumabalot sa ating bansa. Lubos na kailangan ang pagkakaisa at HAWAK KAMAY na pagtutulungan sa pagsulong ng bansang ating minamahal.

2 Comments

  1. sa tokyo Japan ba maluwang ang mga kalsada? kung hindi bakit walang heavy traffic? cge isipin mo muna kung bakit, bago ka magbigay ng solusyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.