Primetime TV: Television’s Darkest Hour

7/24/2013 3:08:38 PM
www.thewrap.com

Literally speaking, nasa darkest hour nga tayo ng ating kasalukuyang panahon, kung telebisyon ang usapan.

Bakit ko nasabi ito? Hindi ba naman kasi obvious na ganito na lang palagi ang mga nakikita natin sa telebisyon pagsapit ng gabi.

Ang dating alas-6 ng gabi na newscast, nagiging 6:30 na. Maliban sa isa sa tatlong higanteng network, ang 6 p.m. timeslot na udyok ng pagsisimula ng kanilang “primetime” block ay telenovela na ang umeere.

Oo, 6:30 na nga ang newscast. Kaso mas binabandera pa ng mga ‘to ang mga crime news as if na para kang nagbabasa ng isang piyesa ng literature. Ang mga salitang tulad ng “naliligo sa sariling dugo…” at ang mga kagatang pabor na pabor pa sa mga perpetrator ng krimen, tulad ng “malas nga lang ng suspek at kinuyog siya ng taumbayan” “swerte namang may rumorondang pulis sa naturang lugar at nadakip ang…” Naku, sisihin ang ounyetang Tabloidization.

Minsan nga, ganito pa ang eksena sa mga newscast na ‘yan. Ang mga showbiz na item na pagkaliit at pagkababaw ng nilalaman, nagiging enws item pa. Kung malalim kang tumingin, ang maasambit mo na lang ay “Ano bang pakin ng tuambayan kung mag-away si (artist 1) at (artist 2)?” Taliwas nga lang sa mga mababaw na nilalang dahil pag politics naman ang iuulat, “Yayaman ba kami pag nalaman namin ang balitang ‘to?”

Ang dating 30-miute na newscast, nagiging 1 oras (yung isa pa nga d’yan, umaabot ng 90 minuto e). Siguro dahil ito sa mga ganitong klaseng kadahilanan:

  • Una, mas hindi pagtuunan ng pansin ng tao ang mga nangyayari sa kanilang kapaligiran.
  • Pangalawa, sobrang dami lang ng pangyayari sa lipunan. Kahit maliit, ibino-boradcast.
  • Pangatlo, dahil kumikita na rin sa tulong ng mga advertisers.

Pagakatapos ng mga newscast, ayan na, mga telenovela na. paborito ng karamihan. Pero kinaiinisan ng iilan. Bakit ka nga naman di maiinis kung mapapansin mo na:

Pare-pareho lang naman ang istilo at istruktura ng mga plot nila. Sobrang tipikal lang. Tignan mo na lang ang artikulo ni Akoposijayson na “Teleche Novela, Soap Cholera” at andun ang mahigit 35 sa mga generic plotline na palagian mong nakikita sa panunood ng mga telenovela.

Click here to read the entire article.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

1 Comment

  1. idagdag mo pa yung mga mali-maling grammar ng Pilipino: “kapulisan”, “kasundaluhan”, “pagdidinig” at marami pang iba na maririnig mo sa mga nagbabalita. Tapos napakaraming commercial, nakakabuwisit!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.