Prank Call

https://www.facebook.com/OfficialDearAteCharo/
6:02:17 PM | 4/8/2013 | Monday
https://www.facebook.com/OfficialDearAteCharo/
https://www.facebook.com/OfficialDearAteCharo/

Isang video ang kumalat kamakailanlang sa internet – ang nagngangalang DearAteCharo sa YouTube ay gumawa ng serye ng mga prank call at inupload ito sa kanyang channel.

Tumatawag siya sa iba’t ibang kompanya na tulad ng LBC, Pizza Hut, BDO, SM at iba pa, para makipag-usap ukol sa mga serbisyo nila na may halong pagbibiro ng naturang caller.

Sa isang Facebook page naipost ulit ang video na ito. Mula dito ay kumalat at umani ng limpak-limapk na negatibong rekasyon laban sa naturang prankcaller. To the extent na ang pagputakte sa kanya ay isa na namang panibagong kaso ng tinatawag na cyber-bullying.

Na naman? Oo, na naman. Pero sa kabilang banda kasi, deserving naman kasi na kutyain siya ng tao kung hindi naman talaga nakatatawa ang kanyang biro. Patay tayo d’yan!

(Video URL: https://www.facebook.com/photo.php?v=119259128268120)

May natutuwa man sa kanyang ginawa, marami naman ang hindi. Well, kung ako ang tatanungin, mayroon namang nakatatawang linya, pero karamihan kasi sa kanyang mga pranks, mas malala pa sa pagiging corny. Yung tipong nakaiinis lang. Maituturing ding nakaiinit ng ulo. Kung mapanonood n’yo ang video, malalaman n’yo kung bakit ganyan ang aking opinyon.

Hindi s’ya nakatatawa in a sense na obviously ay out of this world na ang mga linyang binibitawan n’ya. And come to think of this – hindi lahat ng pamimilosopong linya ay epektibo bilang mga comedy bars. Oo, hindi sa lahat ng oras ay nakatatawa ang pamimilosopo sa kapwa.

Malamang, aalma dito ang mga call center agent sa ginawa n’ya. Given. Naiintindihan ko dahil ako mismo naranasan ko din ng mag-calls at marinig ang sandamukal na katarantaduhan ng mga tao sa kabilang linya. At hindi kaya biro ang ikaw ang mapagbalingan ng kalokohan nila, lalo na kung sa inbound ka nadestino. Kumusta naman, ‘di ba?

Pero bago pa man uminit anng husto ang ulo at monitor ng kada Facebook users, e nag-labas si DearAteCharo ng dalawang video: pareho itong naglalarawan ng kanyang paghingi ng tawad sa kumpanyang naagrabyado n’ya at sa mga nagreact sa kanyang ginawa mismo.

Yun naman pala e. Kaso damage has been done, ika nga. At sad to say, kahit maraming mga mababaaw at bobong nilalang sa mga social networking sites ngayon, hindi rin nito mapipigilan na mapareact ng ayon sa nakikita nila.

(YouTube channel: http://www.youtube.com/user/DearAteCharo?feature=watch)

Naiintindihan ko ang punto n’ya. Gusto n’ya magpatawa? Given. Gusto niyang pagtawanan ang sarili n’ya? Given. Responsible siya sa kanyang ginagawa? Given.  Kaso hindi ganun ang dating e. Kasi nga naman, sa sobrang lakas ng trip, hindi na ito nakatutuwa. Nakaiinis na, nakapang-iinit ng dugo ba. Kaya matuto rin dapat siya maging responsable sa  reaksyon ng nakararami lalo na’t for public ang post na ‘yun.

Kaya ano ang magagawa natin? Alam natin na hindi n’ya tayo mapi-please. Well, ganun talaga. Kung nasasaktan siya sa mga komento sa naturang video, hindi lang dahil sa sikat siya. Oo, sikat nga s’ya. Yun nga lang, sa katarantaduhan. Kung napaiyak man siya sa init ng ulo ng ilang tao towards sa kanya, yan ay nagpapatunay na tao pa rin siya kahit one-time YouTube sensation siya sa pamamagitan ng video na ‘yun. Nasasaktan pa rin. Kaso ulit, ano magagawa natin kung brutal ang mga salitang ginamit laban sa kanya (kahit sa totoo lang e nakikiuso at nakkireact lang yan kahit hindi naman lahat sa kanila ay napanood ang video na yan)?

Isa lang siguro masasabi ko, kahit umiyak pa siya d’yan. Lilipas din yan, tulad ng mga nangyari kila Amalayer at Robert Carabuena.

Original post: http://theslickmastersfiles.blogspot.com/2013/04/prank-call.html
Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.