PRAKTIKAL

luxurious car
Photo Credit :luxurystuff.org

MAS MAINAM NA ‘YUNG GUMAMIT AKO NG LUMANG SASAKYAN kung sa palengke lamang umiikot ang mundo ko at iwas pansin pa sa mga mata ng masasamang loob…..kesa gumamit ako ng luxurious na sasakyan, takaw pansin pa sa mga kidnaper……eh kayabangan lang naman at kaluhuan lang ito.

Ito ay isang salitang praktikal na ginagamit ng isang ayaw sa maluhong pamumuhay.

At itong salitang praktikal na ito’y may kaugnayan sa isang ginang na kamamatay lang ng kanyang asawa at sa darating naman ang kanyang biyenan buhat sa malayong probinsiya.

Sa pagdating ng biyenang babae ay napagmasdan nito ang ATAUL O KABAONG sa burol ng anak .

LAKING GULAT NITO

“H A ! NAKU PO DIYOS KO….EH BAKIT MUMURAHING ATAUL LAMANG ANG PINILI MO SA IYONG ASAWA….huhuhu KAWAWA NAMAN ANG ANAK KO……eh ‘di ba me naipon naman kayong MALAKING PERA at malaki pa ang nakuha niya sa kompanya?”ang galit na galit na sabi ng biyenan sa kanyang manugang na babae pagkakita sa burol ng anak pagdating niya buhat sa malayong probinsiya.

Ang sagot ng manugang, “EH INAY PRAKTIKAL PO AKO …..kasi kung bibili po ako ng mamahaling ataul eh napakarami po naming anak na papag-aralin at pakakainin at mahaba pa ang panahon na aking gugugulin at wala naman po akong hanapbuhay”.

“EH BAKEEET”….ang mariin at pasigaw ng nanggagalaiting biyenan.

“EH SA ANAK KO NAMAN LAHAT GALING ANG PERANG IYAN….EH BAKIT MO SIYA TINIPID , EH HULING HANTUNGAN NA NIYA YAN” HUHUHU.

“EH kasi nga po ay naging praktikal nga ako dahil maliliit pa ang mga bata at malaki ang magagastos ko at madali lang pong mauubos ang naipon namin at mga nakuha pa niya sa kompanya”.

Maya-maya ay may napansin na naman ito at saka muling nagpalahaw at naghehesterikal uli

“NAKU PO ! ANG WALANGHIYA KONG MANUGANG…HINDI NA NAKONSIYENSA SA KAWAWA KONG ANAK HUHUHU …HULING HANTUNGAN NA LANG TALAGANG TINIPID PA…EH BAKIT ANG SUOT NIYANG SAPATOS AY NAPAKALUMA NA AT ITO ANG NATANDAAN KONG SUOT NIYA SA KAUNA-UNAHAN NIYANG MAG-ANAK SA BINYAG NOONG BINATA PA SIYA”.

Eh Inay, sayang naman po kong ipasusuot ko pa sa kanya ‘yung mamahaling sapatos niya eh mabubulok lang kasama niya……eh puwede pang manahin ng panganay namin.

“HAA ! TALAGANG NAPAKAWANGHIYA MONG ASAWA…..PAG-AARING-PAG-AARI NG ASAWA MO IPINAGKAIT MO PA SA KANYA” HUHUHU

Makalipas ang isang oras…

Nang kumalmante ang biyenan ay lihim na bumulong-bulong, “Huu parang hindi ko alam … at parang nakikini-kinita kong hindi pa natatapos ang babang-luksa nito ay mag-aasawa agad ang walanghiya kong manugang at ang lahat ng mga ipinundar at pinagpaguran ng aking anak ay sa kanyang magiging asawa at siya lamang ang magpapasasa, hmp”.

Nang matapos mailibing ang anak ay akma nang uuwi ang biyenan nang may nasulyapan ito…

“AH EH TATLO-TATLO NAMAN PALA ANG LAPTOP NINYO….eh akin na ang isa at nang me magamit naman ang bunso mong bayaw….TUTAL SA ANAK KO NAMANG LAHAT GALING YAN”.

“HO! eh kasi, nanay, eh nagkakagalit-galit ang mga bata at nag-aagawan sa iisang computer kapag may ini-re-research sa assignment nila sa eskwela”.

“HU eh me dalawa pa namang natira…. hamo na silang maghiraman.”

Hindi na inisip kung may importanteng documents itong nai-save at basta na lang kinuha ito…tutal naman daw ay kanyang anak ang bumili nito.

MAKALIPAS ANG ILANG BUWAN ay bumisita muli ang kanyang biyenan sa kanyang mga apo at may napansin ito.

“HA ! BAKIT WALA NA ANG LUXURIOUS NA SASAKYAN NG ASAWA MO?”

“EH inay, naging praktikal na rin po ako kasi mabubulok lang iyan at wala namang gagamit niyan dahil ang mga bata ay maliliit pa eh ako naman po ay hindi naman marunong magdrive at wala naman akong pupuntahang mga sosyalan liban sa palengke, eh ipinagbili ko na po at ipinagpatayo ko ng maliit na sari-sari store at iyong iba ay gagamitin karagdagan sa pag-aaral ng mga apo ninyo at para sa karagdagang kakainin namin sa darating na panahon”.

“HA! IKAW TALAGA, NAPAKAWALANGHIYA MONG ASAWA….pinagpaguran ng asawa mo at may sentimental value yan…. hindi mo man lang pinangalagaan at pinahalagahan at ginawa man lang sanang alaala ng mga anak mo”.

At nang uuwi na ito…

“NAKU, ANAK, BAGO KO MALIMUTAN ay pahiramin mo nga muna ako ng 10,000 thousand pesos at idadagdag ko lamang sa magagastos sa darating na debut party ng apo ko”.

Nanghihinayang man ang manugang dahil luho lamang ng biyenan ito ay nagbigay na rin siya at masakit sa kalooban niya na nabawasan pa ang kanilang naipon. Itinuring na lang niyang parang nawalan siya ng sampung libo kasi alam niya HINDI HIRAM YON kundi HINGI at kailan daw ba nagsoli ng hiram ang biyenan niya?…..NEVER and FOREVER, ‘ika niya.

At kung hindi naman niya pahihiramin ay tiyak sasabihin nitong…EH PERA NAMAN NG ANAK KO HINIHIRAM KO AH!

LUMIPAS ANG ISANG TAON at muling dumalaw ang kanyang biyenan at gulat na gulat ito nang makitang iba na ang nakatira sa magara at malaking bahay na ipinundar ng kanyang anak at sa maliit na bahay na lamang nakatira ang kanyang manugang at kawawang mga apo.

“Eh kasi, Inay, talagang naging PRAKTIKAL AKO…puwede naman kaming tumira sa simpleng bahay lamang kasi naman sa laki nga niyan ay nakikita ko namang marami ng re-repair-rin o maraming aayusin pa at malaki rin ang gagastusin, at kesa magiba iyan at habang buo pa at maganda pang tingnan ay ipinagbili ko na para mas mahal pa”.

“HAA! NAKU PO, EH TALAGANG NAPAKAWALANGHIYA MO….DUGO AT PAWIS NG ASAWA MO ANG GINUGOL DIYAN…..tapos hindi mo man lang pinahalagahan ang mga naiwan sa mga anak mo”.

At muling nagpalahaw at naghisterikal

“NAKU PO ANG MAGARANG MALAKING BAHAY AT MAGAGARANG KASANGKAPANG IPINUNDAR NG ANAK KO…… NAWALA NA LANG NA PARANG BULA” HUHUHU

Matapos ma-kumusta ang mga apo at uuwi na lang ito ay may nakita na naman.

“NAKU ANG GANDA NAMANG RUBBER SHOES IYAN….eh ibigay mo na nga sa bayaw mo at nang may magamit siyang magara-gara naman at maipagmalaki pa sa kanyang mga kaibigan”.

“HO! eh Iyan lamang, Inay, ang tanging magandang alaalang naiwan ng anak ninyo at ang sabi ng apo ninyo ay ayos na ayos sa kanyang paa at kapag pagmamasdan ko ay tila parang buhay na buhay ang anino ng kanilang namayapang ama sa kaanyuan ng bata.

“HUU eh napakarami namang naipundar ang anak ko sa inyo….eh para ito lang ipinagdadamot mo pa. Pero kinuha rin.

MAKALIPAS ANG ILANG BUWAN ay nabalitaan ng biyenan na ang kanyang manugang ay humina ang pandinig at parang lumalabo ang mga mata.

‘IKA PA NITO….eh siguro ay sa sobrang pagiging PRAKTIKAL me makakain naman ay sumobra sa pagtitipid at nagtitiis magutom.

At nang bumisita na siya at nag-uusap na sila ng manugang, “HA! ANO KAMO, INAY, ANG SINASABI MO…PAKILAKAS NGA NINYO ANG BOSES NINYO”

At itinodo nga ang lakas ng boses…

“O HAYAN TULOY ANG NANGYARI SA ‘YO SA SOBRANG PRAKTIKAL AT SOBRANG PAGTITIPID AT AYAW MONG BUMILI NG MASARAP NA PAGKAIN AT ‘DI KA GAANONG MAKALASA AY HINDI KA TULOY MAKAKAIN AY HUMINA ANG PANDINIG MO AT NAKAAPEKTO TULOY SA PANINGIN MO”.

At sa lakas nga ng boses ng biyenan ay nagkaintindihan.

“Hindi, Inay…. sabi po ng doctor ay may isang bagay na nagka-damage sa loob ng tenga ko at humina lang ang pandinig ko at makakarinig lang akong tuluyan kung gagamit ako ng Hearing Aid at saka ‘yun sa mata ay talagang normal lang sa isang tumatanda na ang lumalabo ang mata”.

“O BAKIT AYAW MONG BUMILI NG HEARING AID O SALAMIN SA MATA PARA MAKADINIG KA AT MALINAW KANG MAKAKITA…NAGTITIIS KA DIYANG KINAKAUSAP KA NG MGA ANAK MO AY HINDI MO NAMAN MAINTINDIHAN AT ‘DI MO NAKIKITA ANG KUMAKAUSAP SA YO ”.

“EH praktikal po talaga ako, inay….eh tutal matanda na naman ako …..kasi mahal din po pala ang HEARING AID at balita ko ay ilang buwan lang ay kailangang papalitan mo at iyong salamin sa mata ay taon -taon din ay nagbabago raw ang grado at kailangan ding bumili ng bago taon-taon at kesa ibili ko ng hearing aid ang tenga ko at salamin sa mata ko ay ibili ko na lang ng mapapakinabangan ng mga apo ninyo at sayang din naman po ang perang gagastusin ko diyan” .

“EH TALAGA PALANG WALANGHIYA KANG INA NG MGA ANAK MO…. NANGHIHINAYANG KANG GUMASTOS EH ME PERA KA NAMANG GALING SA ANAK KO….NATITIIS MONG ‘DI MAKITA AT ‘DI MADINIG ANG MGA SINASABI NG MGA APO KO ”.

“Eh nagkakaintindihan naman po kami sa mga senyasan …..eh ANG AYAW KO LANG PONG MADINIG AY ANG MGA SINASABI NINYO AT AYAW KO NA RIN PONG MAKITA ANG MGA BAGAY NA PINAGKUKUHA NINYO”.

“ HA ! DI-DIYOS KO”

….Wakas…

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.