“Potassium”

Potassium, isang napakahalagang mineral na kailangan ng bawat nilalang para mabuhay. Mahalaga ito sa maayos na komunikasyon sa pagitan ng mga cells at mga kalamnan.

Pero sa iba, ito ay isang salita na may maraming kahulugan.

Ako si Doctor Zonked Player at ito ang health prescription ko tungkol sa mga POTASSIUM. Let me explain.

  • Nawiwili ka sa kasimputi ng WHITE BEANS na complexion niya kaya hooked na hooked ka.
  • Para kang KABUTE kung saan-saan sumusulpot pag kailangan ka niya, pag naisipan ka niya itext o tawagan bigla ka nabubuhay walang kuskos balungos, bigla bigla andun ka na agad sa tabi niya.
  • Palaging kasing lapot ng YOGURT ang mga titig mo sa kanya. Nasulyapan ka lang nang kaunti akala mo may ibig sabihin na. Masakit ‘yung tinitingnan pala niya ‘yung nasa likod mo tapos ikaw hype na hype kasi akala mo ikaw.

  • Nangitian ka lang nang kaunti para ka nang KAMATIS sa pula, tapos ‘yung mga tropa mo naman sulsol, gagatong pa, ikaw naman kunwari magde-deny pa pero deep inside kinikilig kilig ka na.
  • Panay papansin ka sa kanya. Lagi mong sinasabi na inspirasyon mo siya, para siyang SPINACH at ikaw naman si Popeye the sailorman, pag may SPINACH biglang ang lakas, bibong-bibo
  • ‘Yung kasing tamis ng SAGING ang pakikitungo mo sa kanya pero para sa kanya wala lang, friendly lang talaga siya kaya wala ‘yun malisya.
  • Nagtext lang sa ‘yo ng “HI” ikaw naman si tanga kinikilig-kilig pa, parang nakakain ng SAMPALOK. Yun pala inuuto ka lang tuwang tuwa ka pa.

Sa madaling salita, maganda ang POTASSIUM para sa katawan basta huwag lang sosobra. Pag nasobrahan ka dito magkakaron ka ng HYPERKALEMIA, isang nakamamatay na sakit. Kaya payo ni Doc, ‘wag POTASSIUM, pota na asyumero pa!

Image via Pixabay

About Zonked Player

Sometimes you never realize the value of a moment until it becomes a memory