Post ni Manny Pacquiao sa social media, hinangaan at nag-viral

Images from Manny Pacquiao via Instagram

Hindi lamang sa loob ng boxing ring kilala si Manny Pacquiao bilang Pambansang Kamao, bagkus ngayon ay kilala rin siyang tagapagpalaganap ng mga salita ng Diyos at tumutulong sa mga kapus-palad.

Isang video ni Pacquiao sa kaniyang Instagram account ang umani ng paghanga mula sa iba’t ibang tao sa buong mundo na nakikiisa sa kaniyang adbokasiya.

Sa post na ito, ikinuwento ni Pacquiao ang kaniyang naranasang paghihirap noong hindi pa siya tinaguriang Pambansang Kamao.

“I remember what it was like to have nothing, to wonder when my next meal would be.”

Image from Manny Pacquiao via Instagram

Inihayag din niya ang adbokasiya nila ng kaniyang asawa na si Jinkee na tumulong sa mga kapus-palad, hindi lamang dito sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa.

“Jinkee and I have always felt like it was our duty and have done our best to give back. But we want to do even more. We want to build more homes, build hospitals, provide scholarships and expand our efforts into other countries.”

Sa huling bahagi ng video ay hinihikayat ni Pacquiao ang mga tao na magbigay ng tulong at suporta sa Pacquiao Foundation, isang non-profit organization na si Pacquiao mismo ang nagtaguyod.

“That is why we are recruiting you to come alongside and change lives one investment at a time.”

 

Umani ng magagandang papuri ang viral post na ito na sa ngayon ay mayroon nang mahigit 4000,000 views.

True champions’ champion.

You have a very big heart.

Manny, you are the definition of a Warrior. A free individual who created his own reality and has a strength to share it. RESPECT

You are one of the greatest champions and human beings boxing has ever had

I-click ang imahe upang mapanood ang video via Instagram