POLITIKA VS. GIYERA? Anong say mo??

1003428_10151753226511974_1061329292_n POLITIKA VS. GIYERA na nga ba? Anong say mo??

 Kahit saang social networking ako mapadako…. trending ngayon ang isyung ito…sa Pilipinas….Scandal ng ilang naglalakihang imahe sa mundo ng showbiz sa kasagsagan ng bagyo at ang bumabatikang Pork barrel Isyu! … Ngayon Trending ang Zamboanga!  Giyera na naman ba ang magpapawalang-bisa sa sala ng isang Madam Napoles sa isyung Pork barrel? ang gulo, ‘di ba? Only in the Philippines nga daw ang sabi!!!!

 Abot hanggang dito sa kinaroroonan ko ang isyung ZAMBOANGA crisis na kinasasangkutan ng ating mga kapatid na muslim…… wherein dito sa kinaroroonan ko ay 97%   muslim ….. At dahil maagang -maaga pa naman , at bukas ang internet ng isang pc sa opisinang ito, nagbabasa ako ng news at eksaktong nakiusyuso ang isang katrabaho ko na isang addict din sa anime na tulad ko….

“Oh! Miracle! You’re not watching anime! You miss your country? You’re reading the news! Wait !You’re living in Zamboanga sah (sah means yeah?)? How’s your family there?  I love Philippines you know….but My God, people there are killing each other for no valid reason; both christian and muslim! Muslim in Philippines especially in Mindanao ! Shuhada (What is this) my friend! Too much Abu Sayyaff  there,” iyon ang sabi ng aking katabi…. Ewan kung nagtatanong o nagcomentaryo ang isang ito…. Purong local ito sa bansang kinaroroonan ko.

Nagkibit-balikat lang ako at tuloy-tuloy na nagbabasa sa balitang Pinas, at nakibasa na rin siya!

“Politics Vs. War, isn’t it? Hay naku, ano ba yan.. ( In slang) But Your country is better than other…”  si commentaryo ulit….

Tumango lang ako kasi pag nasisimulan kong sagutin ang tanong niya, ‘di kami matatapos; baka madatnan pa kami ng guwapito naming visor,  warning letter na naman ang maipasa kong sulat….

Habang paupo na siya sa puwesto niya ay napapaisip akong bigla sa nangyayari sa ating Inang bayan…..

Ano na nga ba ang development sa Sona na nagaganap kamakailan lang??? Lagi na lang bang ganito???

Giyera na naman ba ang katumbas ng walang katapusang paglilitis sa nakaraang isyu??? Ilang civilian at militar pa kaya ang mawawalan ng buhay?   Ilang tao kaya ang nasa likod ng crisis sa Zamboanga?? At ilang Pulitiko na naman ang nasa likod nito? Inuutusan na naman kaya nila si Misuari para guluhin ang nanahimik na ZAmboanga para matikom ang katayan  sa isyung babuyan?  ayy este sa pork barrel na iyan???

Ala eh! Ano na ga kaya ang aksyon na gagawin ng ating mahal na Gobyerno…..!   Sa pagkakaalam ko, matayog si Mayor Lobregat sa lugar kung saan may crisis.

POLITIC VS. WAR na nga ba ang laro na sikat sa ating bansa?  Kawawa ang mga sibilyan sa lugar kung saan nagaganap ang hostage crisis at ang giyera….

Ikaw, kabayan, may pakialam ka ba sa nagaganap na isyu sa ating inang bayan??/

Anong say mo sa trending na kumakalat na ito???

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.