Pokémon-themed na kasal nauuso ngayon sa Japan

Image from The Pokémon Company

Unang lumabas ang Pokémon noong 1996 bilang isang video game na pagmamay-ari ng Nintendo. Tungkol ito sa fictional creatures na hinuhuli, kinokolekta at ineensayo ng mga tao, o Pokémon trainers, upang ipanglaban sa ibang Pokémon .

Hanggang sa nagtagal at umani na nga ng iba’t ibang media franchise ang Pokémon na pinagkaguluhan ng napakaraming tao, matanda man o bata, sa buong mundo.

Image from The Pokémon Company via POP Inquirer

Ang video game series ng Pokémon ay naging second best-selling video game franchise kasunod ng Mario. Ito rin ay naging highest-grossing media franchise of all time na mayroong $90 billion franchise revenue.

Bukod sa video game series, nagkaroon din ang Pokémon ng anime television series, video game adaptation, anime movie series,  live-action film, books, manga comics, music, merchandise, at theme park.

Dahil sa hindi nalalaos at naging labis ang kasikatan ng Pokémon, kinikilala na rin ito bilang isang wedding theme.

Sa Japan unang idinaos ang Pokémon-inspired theme na kasal sa pangunguna na rin ng Bridal Fair, brand ng isang Japanese bridal company na Escrit Inc.

Nakipagtulungan ang  Escrit Inc. sa The Pokémon Company upang bigyang buhay ang wedding services batay sa sikat na video game at animation series.


Image from The Pokémon Company via POP Inquirer

Sa Pokémon wedding na ito, ang bride at groom, kasama ang dalawang higanteng Pikachu, ay pipirma sa isang official wedding certificate na nadisenyuhan ng mga Pokémon.

Ang wedding reception naman ay dinisenyuhan at napaliligiran din ng mga kilalang Pokémon characters tulad ni Pikachu.


Image from The Pokémon Company via POP Inquirer

Bukod pa sa mga Pokémon designs, ang pagkain din ay hindi nagpahuli sa pagsunod sa tema. Hugis Pokémon ang mga pagkain na tiyak na mae-enjoy ng mga bisita.

At para sa isa sa mga highlights ng kasal, ang wedding cake ay may mga dekorasyon ng mga Pokémon characters at Pokéballs; sandatang gamit sa panghuli ng mga Pokémon.


Image from The Pokémon Company via POP Inquirer

Tunay ngang nakatutuwa at “breath of fresh air” ang ganitong klase ng tema sa kasal. Siguradong relate na relate ang mga magkasintahan na parehong paborito ang Pokémon.

Sino nga ba ang hindi?