Pitong hugot mula sa karagatan

Nitong nakaraang Biyernes Santo ay napagpasyahan ng aming pamilya na magtungo sa dagat ng Real, Quezon. Salamat sa Ocean Row Beach Resort for the accommodation and beach experience.

Sa aking pananatili sa resort ay may ilang aral akong natutunan. Nais kong ibahagi ang Pitong aral ni Santy, mga hugot mula sa karagatan.

  1. Huwag kang magpasindak sa alon, kailangan mo itong harapin.

Natakot ako sa malalaking alon na animo’y nagkakarera sa kalawakan ng karagatan. Sabi ng mga kapatid ko, kapag may alon, tumalon ka lang at huwag kang magpapadala. Sa buhay natin, maraming alon ang dumarating; may malalaki, may maliliit. Mga pagsubok na hindi dapat takbuhan at katakutan. Talunan mo lang.! Manatili kang may pagnanais na abutin ang tagumpay kahit gaano pa kahirap ang buhay. Tanda mo pa ba si Super Mario? Sa kanyang pagtalon-talon sa mga pagsubok ay naabot din niya si Koopa at nailigtas ang prinsesa!

Huwag kang magpasindak sa alon, kailangan mo itong harapin.

 

  1. Maging tulad ng “estuary”

Ano ba ang estuary? Ang sabi sa dictionary, “An estuary is where a river meets the sea. There, saltwater mixes with freshwater. The river becomes wider and wider and flows slowly to the ocean. “Estuaries are especially important since they act as nurseries for many different types of young fish and other animals before they head out toward the open ocean.”

First time kong makakita ng estuary sa may Real. Nakakamangha talaga ang estuary, dito nagtatagpo ang tubig tabang at alat. May puntong nagkakahalo pero hindi nagsasapawan.

May pagkakataon sa buhay na feeling natin matabang ang lahat dahil sa mga problema. May times naman na maalat, puno ng lasa! Normal ang ganitong pakiramdam pero huwag mong hayaan panay ka-bitteran ang manaig sa iyo dahil hindi ka nilikhang isang ampalaya! May halaga ka at may purpose katulad ng estuary. Chill lang, YOLO ika nga.

Maging tulad ng “estuary”
  1. Hayan na ang alon! Huwag mong hayaang dalhin ka niya kung saan-saan dahil baka masaktan ka lang.

Hugot ito ng aking pamangkin nang matapos siyang dalhin ng alon sa batuhan. May mga taong katulad ng alon. Makikilala mo sila, hihilahin ka kung saan-saan  at kung hindi ka wise sa bandang huli ikaw ay sasaktan. Ito ang mga taong mabilis maka-impluwensiya kaya kung hindi ka matalino sa pagdesisyon kung ano ang tama at mali baka sa bandang huli ay ikaw din ang kawawa. Mag-ingat lang!

 

Hayan na ang alon! Huwag mong hayaang dalhin ka niya kung saan-saan dahil baka masaktan ka lang.

 

 

  1. Sa dinami-dami ng buhangin, may isang sisingit sa iyong kuko na hindi mo napansin.

Matapos magbanlaw, akala ko’y wala na ang mga dumikit na buhangin pero mali ako dahil may natira pa sa aking kuko na hindi ko napansin.

Simple lang ang itinuro nito sa akin na may kinalaman sa usapang pag-ibig. Sa dinadami ng tao sa mundo, may isang tao na nakatalaga sa iyo. May times kasi na hindi mo napapansin dahil kung kani-kanino ka nakatingin.

Sa dinami-dami ng buhangin, may isang sisingit sa iyong kuko na hindi mo napansin.

 

 

  1. May mga ala-ala na mabilis mabura, parang iyong isinulat mo sa buhangin na maabot lang ng alon ay nawawala na.

Tanggapin man natin o hindi, may mga ala-ala na sadyang ala-ala na lamang. Kahit itatak mo ito sa puso mo, kahit gaano pa kahalaga ito, ala-ala na lang na mabilis nakalimutan ng ibang tao.

May mga ala-ala na mabilis mabura, parang iyong isinulat mo sa buhangin na maabot lang ng alon ay nawawala na.

 

  1. Ang karagatan ay magpapaalala na dapat kang maglaan ng oras sa pamilya.

Mas pinili kong sumama sa lakad ng pamilya kaysa sa lakad ng barkada. Madalas kasi ngayon sa mga kabataan ay bet ang tropa kaysa makasama ang pamilya sa lakaran. Tandaan mo sa pamilya mo pa rin ikaw unang lalapit lalo na pag nagigipit.

Ang karagatan ay magpapaalala na dapat kang maglaan ng oras sa pamilya.

 

7. Sa lahat ng alon sa buhay, ituon natin ang paningin sa ating Diyos at huwag tayong matakot.

Ito ay pinapaalala sa atin ng Matthew 14:22-33 nang ang Panginoong Jesus ay lumakad sa tubig at ng Matthew 8:26-27.

Matthew 8:26-27 New Living Translation (NLT)

26 Jesus responded, “Why are you afraid? You have so little faith!” Then he got up and rebuked the wind and waves, and suddenly there was a great calm.

27 The disciples were amazed. “Who is this man?” they asked. “Even the winds and waves obey him!”

Pananampalataya at pagtitiwala sa Diyos ang kailangan natin at maniwala na walang imposible sa Kanya. LET US FIX OUR EYES ON HIM.

“Who is this man?” they asked. “Even the winds and waves obey him!”

 

 

 

Gusto mo pa ng isa? Magmensahe lang kay Santy sa http://biyahenisanty03.blogspot.com/

Ocean Row Beach Resort can be contacted through their Facebook Page https://www.facebook.com/oceanrow/ or at 0915 362 6364.

About santy03

Santy: Agriculturist by profession but now a full time scholar student; sometimes loner, adventure lover, frustrated photographer and writer but continuously seeking her passion in writing. Writing helps her to express emotions. She loves to travel and explore new things in different places. She loves nature and everything under the sun. She loves to be connected in the indigenous people and reach the marginalized countrymen. Follow my blogs and wait for my exciting adventures. It's more fun in the Philippines! follow me on twitter #isanggatang03 or my Facebook page: https://www.facebook.com/biyahenisanty03 You can also visit my blogs at: duantheexplorer.blogspot.com biyahenisanty03.blogspot.com