Pinoy Versus Pinoy

Photo credit: http://designkultur.files.wordpress.com/
Photo credit: http://designkultur.files.wordpress.com/

Noong bata pa lang ako, wala sa hinagap ko na magaabroad ako.Pero pagkatapos ko ng Kolehiyo, nagtrabaho ako ng anim na buwan sa Libis Q.C. at doon ko aking napagtanto na parang gusto ko makapagtrabaho abroad. Hindi dahil sa laki ng sweldo kung di para makilala ko ang aking sarili at maranansan kong tumira o magboard ng bahay na mag-isa.

Disyembre 2010 ako nagapply at pinalad na makalipad ng Pebrero 2011. Unang buwan ko ay kakaiba dahil wala akong naramdamang kalungkutan o homesick sa pamilya, sinasabi kong malakas nga ko! Ang ikalawa at ikatlong buwan ko ay masaya subalit noong ikaapat na buwan ko, muntik na akong mapauwi sa Pinas dahil sa pangdadamay ng isa kong kasama sa bahay. Nangdaya kasi siya ng Medical Certificate nya at ako ang tinuro na nagsulat nun. Sa kabutihang palad, hindi ako pinatawag sa HR at hindi din ako napauwi ng Pinas. Grabe naman Pinoy pa talaga ang nanglalaglag. Utak talangka.

Ikalimang buwan ko dito hanggang ikasyam ay nakaya ko naman. Dumating ang ikasampung buwan at isa na namang pahamak na Pilipino ang aking nakatagpo. Meron akong kasama sa bahay, kapwa ko Pilipino na hindi namin kasundo. Dahil hindi nagpapansinan sa iisang bahay, lumalim ang sama ng loob niya sa amin. Akalain nyo bang hamunin ako ng 1 on 1? Ano ba ibig sabihin nun pag hinamon ka ng 1 on 1? Hindi ba para magsalpukan kayo, magsuntukan at magsabunutan?

Hindi dahil nakatapos ako ng pagaaral kaya hindi ako papatol sa kanila, pero kasi, ano bang mangyayari kung papatulan ko sila? Pwede naman magbingibingihan na lang di ba?

Dumating ang ika-labingisang buwan ko dito at panibago na namang karanasan sa Pinoy ang nagpaahon ng himagsik sa aking damdamin.

Kakagaling ko lang ng trabaho, nasa kusina ang dalawang babae na hindi ko kasundo, akmang papasok ako ng kwarto, narinig ko na naman na sinabing mag 1 on 1 na kami, at sumagot pa yung isa na sya ang magiging referee. Pagpasok ko ng kwarto nakapagpigil pa ako salamat sa Diyos. Ano bang mangyayari kung papatol ako sa kanila? Grabe na talaga ang mga Pilipino.

At ang panghuling nangyari ay ang eksena sa kusina. Nang banggain ako ng babaeng yun na hindi namin kasundo. Nakapagtimpi pa ako. Hindi ako lumaban, Ang ginawa ko, tumawag ako sa landlady ko at sinabi ko ang nangyari. Chinese ang Landlady ko at sabi nya lang, wag na wag daw akong reresbak pag ginawan pa ulit ako ng masama. Tama ba yon? Ang huling alas kong hahawakan ay ang pulisya. Magpapablotter ako sa Pulisya dito, kung bukas mamatay man ako, at least sa hustisya mananalo ako dahil sa pagpapablotter ko sa kanila.

Nakakalungkot isipin, ang akala kong magpapahirap sa akin dito sa ibang bansa ay mga ibang lahi, yun pala kapwa Pilipino ko pa.

Kung ano man ang maging kalabasan ng pagpapablotter ko sa kanila, sige na lang. Kung mapauwi man ako ng Pilipinas kasama nila, tatanggapin ko sa loob ko, basta ang mahalaga, alam ko sa sarili ko na wala akong ginawang masama sa kanila.

Mapipilit mo ba ako kung hindi ko talaga gusto ang tao at magagalit ka ba saken dahil sa hindi kita gusto?

Hindi ko maintindihan kung crab mentality matatawag ang nangyari sa akin dito sa Abroad, wala naman kumpetisyon dito sa bahay, wala ding promotion. Hay nakakaloka lang talaga!

6 Comments

  1. hindi ka nag-iisa. dto din sa dubai ang inaasahan mo na tutulong sayo ay kabayan mo pero hindi pala… sa 8 months ko dto sa dubai ang dami ko na naranasan na kabastusan sa mga kapwa pinoy… mapa trabaho mapabahay… pero hinahayaan ko lang kasi wala din namn magagwa eh… power trip yata ang tawag dun kesyo kasi sila ang nauna sa trabaho at nasa mataas na posisyon sila pag mas may alam ka sa kanila ibubully ka. hay talaga nman… kaya nga pag uwi ko mag aaral ako ng pangkukulam eh kukulamin ko lahat ng mga to joke hehehehe… pero sa totoo lang nakakalungkot na nakakainis at nakakasuka sila. pero maliit lang nman ang pilipinas eh magkikita kita din nman kami sa finals… hayaan ko na lang sila…

  2. JC- maging dito sa Singapore ganyan na din ang mga kababaihan- un iba pa nga mga kabit kasi may mga asawa sa Pinas. grabe na talaga.

  3. Kaya nga Mario e, nagmukang duwag ako sa hindi ko pagpatol sa kanila at sila nagfeeling matapang. Maraming nagsabin inggit nga sila saken, pero kasi saan bagay> hindi ko sila kawork, hindi naman ako palashopping at walang bago palagi. sige maniniwala ako sa sabi mo na yan, “lahat ng may pagtitimpi ay binibiyayaan. salama!

  4. kabayan, nangyare sa akin but not the point na hahamunin ako o magksagutan kami. PArinig lang. usong uso yan sa mga PILIPINO. pero inunwa ko kase tumatnda na siya hanggang sa nagdecide n lng ako’ng umlis ng bahy.

  5. huwag ka nang magtaka kaibigan, dahil ang sumisira daw sa bakal ay ang sariling kalawang. Sa kaso mo, ang kalawang mo ay ang sariling kababayan. hindi lang iyan dyan sa yo nangyayari. Nangyayari din yan sa lahat ng lugar na may Filipino OFW. Hindi ko nga ba maarok kung bakit ganyan tayong mga pinoy. meron at merong lalabas na BULLY sa kanyang kapwa. dahil sa hindi mo sya nilalabanan akala nya matapang na sya.

    pero sisiguruhin ko sa yo na inggit lang yang taong yan sa iyo. maaring mas maganda ang trato sa yo ng pinapasukan mo o mas maganda ang kita mo kesa sa kanya.

    deadma mo lang siya at babalik din sa kanya ang lahat. lahat daw ng may pagtitimpi ay binibiyayaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.