Pinagmamalaki ko ang Pilipinas! PROUD to be a Filipino

Suyang-suya na ako sa panglalait, pang-aasar, pag-huhusga at hindi magandang imahe ng Filipino at Pilipinas. Wala na akong nabasa, narinig o nakitang magandang balita tungkol sa Filipino at Pilipinas (Para sa akin kasi hindi magandang balita ang pagsoli ng taxi driver na Pinoy sa gamit o perang naiwan sa kanyang taxi at umay na umay na ako sa sumisikat na Half-Pinoy, Half-ewan sa labas ng bansa)

Noong bata ako sikat lang sa mga Porener ay ang ating Hagdang-Hagdang-Palayan hindi ko alam kung sino ang gumawa noon dahil wala akong panahon sa history. Ngayon sandamakmak na ang magagandang tanawin at pasyalan sa Pilipinas. Pero ano nga ba ang magandang naidulot sa Pilipinas ng 7th wonder of the world? parang wala naman, hindi ko rin ramdam ang pag-unlad ng Pilipinas dahil marami paring sira-sirang kalye, marami paring nakatambak na basura sa kalsada, marami paring krimen na nagaganap sa bansa at lalong dumadami pa ito.

Sa totoo lang masarap maging Pilipino kasi ito ang nakalakihan kong ugali. OO galit ako sa Gobyerno at Pulitiko sa bansa. Pero alam ko na kahit anong blog, tweet, tumbler, tag, tv news, radio news at kahit murahin mo sila ng harap-harapan wala na tayong magagawa, Ganoon na sila at tanggapin na lang natin ang katotohanang WALANG PAG-ASANG umangat at Pilipinas at bumaba kahit 20 php = 1$. Sa atin ito magsisimula, tayo ang bubuhay sa sarili nating mga pamilya, tayo mismo ang sasagip ng bansa ng hindi nangangailangan ng tulong. Kung marunong lang sana mag-kaisa ang bawat Pilipino, kahit sa simpleng pag tapon ng balat ng kendi sa basurahan o ang pag hiwalay ng nabubulok at di-nabubulok kahit sa kalinisan na lang IPAGMANALAKI MO MULI ANG PILIPINAS.

Proud parin naman ako sa pagiging Pinoy at hindi ko itatangging Pinoy ako sa ibang lahi sa kabila ng mga maling nagawa ng Pinoy, WALANG KASALANAN ANG PILIPINAS kaya PWEDE BA! wag nyo idamay ang Pilipinas sa inyong dahil maganda ang bansang Pilipinas, pumapangit lang ito dahil sa mga taong nakatira dito. Napaka-raming magagandang tanawin sa Pilipinas sa katunayan nga yan marami-rami parin ang mga porener na gustong bumisita sa Pilipinas, hindi ko lang alam kung ilan nga lang sila.

Pinoy ako, kayumanggi, pango, katamtaman lang ang laki at mahilig sa adobo. Maraming magagandang pag uugali tulad ng pag-galang sa nakatatatanda sa akin, mapagbigay sa pakikitungo maging sa ibang nasyon at napakarami pa, kung babanggitin ko lahat baka antukin kapa.

Kaya ikaw, mambabasa ka man o manunulat sa kahit anong paraan, wag mo na sirain ang bansang Pilipininas at kapwa mo Pilipino dahil bandang huli kahit sabihin mong nakatira ka sa ibang bansa o half-ewan ka may dugong Pinoy parin sayo. Itigil mo na ang pagsusulat o pagkwekwento ng masamang imahe ng Pilipino dahil isa karing Pilipino, alam ko kakarampot na lang ang magagandang balita tungkol sa Pilipino pero subukan mo ring ipagmalaki na Pinoy ka at lumaki ka sa Pilipinas kahit sa kakarampot na paraan.

 

9 Comments

  1. 100% agree ako sa article n to! nakakainis ang ibang pinoy n dhil lamang nktpak n s ibang bansa ay gsto nang klimutan ang pilipinas. unang-una s lhat, mhirap atang itanggi ang pgiging pinoy kpg nkhrap k s salamin db? may ibang ngsasabi d n nla ky mbuhay uli s pinas dhil sanay n cla s pmumuhay s kung saan mang bansa cla ndun. e bkit, mlilimutan b un? d n lng cla kumportable, yun yon. hay naku, kung lhat ng pinoy n mangingibang-bansa ay ganyan mag-isip, mhihirapan tlagang mkbangon ang ating mahal n bansa.

    • isa sa pinakamalaking suliranin sa ating bansa ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno. mula sa pinuno hanggang sa pinakamababang empleyado ccorrupt! pro kung iisipin, tyo din nmng mga mamamayan ang kumukunsinti nito. pinipili ntin mgbigay ng ‘padulas’ pr bumilis ang pglkad ng ating mga lisensya at permit. sn d magsawa ung mga programang ng-e-expose ng mga gntong ktiwalian. at s tingin ko, dpat may kaukulang parusa din s mga mhuhuling ngtatangkang mglagay…

  2. hehe tama k din miss mimie,lam nyo mga kababayan ko,try nyo manuod balita araw araw,sobrang lala ng sitwasyon sa bansa ntin ngaun,hindi n kaya ng mga namu2no stn n resolbahin un problema kya kailangan n ng tulong ng bawat isa,kya un my mga kakayanan dyn tumulong sa mga nanga2ilangn ntng kababayan eh magkusa po kau kung tlagang proud kayong mgng pilipino at my malasakit kayo sa ating bansa,kung ako ta2nungin nyo pamilya ko po ang pinaka malapit n pilipinong kpwa ko ang kyang abutin ng aking tulong kya wla po ako ka2yanan tumulong pinansyal o pisikal dhil isa dn ako sa mga ofw d2 sa saudi n nagtya2ga sa mababang pasahod skn pra lang masuportahan ang akng mga mahal sa buhay pero my praan p dn ako pra ma iangat ang dignidad ng lahing pilipino kht sa akng pang arw arw n pgttrbaho sa pma2gitan ng pagbigay ng world class service sa bwat costumer n aking nka2salamuha un lamang po salamat po

  3. hehe tama k din miss mimie,lam nyo mga kababayan ko,try nyo manuod balita araw araw,sobrang lala ng sitwasyon sa bansa ntin ngaun,hindi n kaya ng mga namu2no stn n resolbahin un problema kya kailangan n ng tulong ng bawat isa,kya un my mga kakayanan dyn tumulong sa mga nanga2ilangn ntng kababayan eh magkusa po kau kung tlagang proud kayong mgng pilipino at my malasakit kayo sa ating bansa,kung ako ta2nungin nyo pamilya ko po ang pinaka malapit n pilipinong kpwa ko ang kyang abutin ng aking tulong kya wla po ako ka2yanan tumulong pinansyal o pisikal dhil isa dn ako sa mga ofw d2 sa saudi n nagtya2ga sa mababang pasahod skn pra lang masuportahan ang akng mga mahal sa buhay pero my praan p dn ako pra ma iangat ang dignidad ng lahing pilipino kht sa akng pang arw arw n pgttrbaho sa pma2gitan ng pagbigay ng world class service sa bwat costumer n aking nka2salamuha un lamang po salamat po

Leave a Reply to Richard Reyes ... Cancel reply

Your email address will not be published.