Pilipino, Taas Noo Ka Pa Ba Kahit Kanino?

ako ay pilipino

Ako ay Pilipino ang dugo’y maharlika

Likas sa aking puso adhikaing kay ganda

Ako ay Pilipino, taas noo kahit kanino

Ang Pilipino ay ako.

 

Naaalala n’yo pa ba ang kantang to?

Ito ang palaging pumapasok sa isip ko sa tuwing nakikisalamuha ako sa mga banyaga maging dito man sa ating bansa o sa mga bansang napuntahan ko na. Dito ako humuhugot ng lakas ng loob sa pakikiharap at pakikipag usap sa kanila. Palagi kong itinatanim sa isip ko, “Pilipino ako. Matatag. Matapang. Mautak. Taas noo kong maipagmayabang sa mundo ang lahing aking pinagmulan.”

Pero habang tumatagal, unti-unti akong namulat sa isang katotohanan.

Ang layo na pala ng narating ng Pilipino ngayon. At kasabay ng pag unlad ng ating kabihasnan, kasabay ng pag angat ng teknolohiya ay ang unti-unti nating paglimot sa mga kaugalian na dati ay likas sa ating mga Pilipino. Ang kaugalian at karunungang ipinagmalaki ng ating mga ninuno at naging dahilan kung bakit tayong mga Pilipino ay namayagpag at naging kilala saan mang sulok ng mundo.

Ika nga eh, The Filipino Pride!

Pero sa nakikita ko ngayon, unti-unti ng namamatay ang “The Filipino Pride”. Ito ay napalitan na ng pagiging “ma-pride”.

Imbes na ipagmayabang natin ang kagandahang-asal at likas na intelehente na kaakibat ng pagiging Pilipino, naging mayabang tayo. Karamihan pa dyan, kahit wala na sa katwiran, igigiit pa rin ang maling kaugalian. Kahit na nagiging pilosopo-tasyo na tayo, pilit pa rin nating dinidepensa ang “Filipino sense of humor” at “freedom of speech” o malayang pamamayahag.

Pero mali eh. Ang malayang pamamahayag ay hindi dapat inaabuso. Ang “sense of humor” ay nilalagay sa tamang lugar, oras at sitwasyon. Pero sa nangyayari ngayon, ang Pilipino ay nagiging arogante, mapanghusga at nagiging mapagmata sa kapwa.

Masakit pakinggan di ba?

Ganung-ganun ang nararamdaman ko sa tuwing nakakarinig ako ng mga negatibong komento sa mga banyaga patungkol sa mga Pilipino. Minsan, gusto kong magwala. Gusto kong sumigaw at ipamukha sa kanila na hindi ganyan ang lahing pinagmulan ko. Hindi ganyan ang mga Pilipino. Gusto kong magprotesta at sabihing, “hindi lahat ng mga Pilipino ay ganyan”.

Pero, sa tuwing nakikita ko ang pagiging irasyunal ng mga Pilipino sa paligid ko, para akong sinasampal ng paulit-ulit. Dahil talagang sampal sa mukha ang katotohanan.

Tayo man ay nasasaktan sa tuwing nilalait at nilalahat ang mga Pilipino dahil lang sa pagkakamali ng iba. Pero, ang hindi ko maintindihan ay kung bakit tayo mismo ay kinokondena at inaalipusta ang karamihan dahil sa pagkakamali ng isa. Halimbawa na lang dito ay ang sitwasyong kinakaharap natin ngayon sa reklamasyong ginagawa ng bansang Tsina at sa gulong nagaganap sa Mindanao.

Ang pagkakamali ng pumunuan ng Tsina ay ginawa nating dahilan para alipustain at kondenahin ang lahing Intsik. Ang pagkakamali ng mga rebeldeng Muslim ay ginawa nating dahilan para kapootan ang lahat ng mga Muslim partikular na ang mga kapatirang Muslim sa Mindanao. Ang pagkakamali ng ating Presidente ay ginawa nating dahilan para kutyain ang lahat ng kanyang kamag-anakan, kabilang na doon ang mga walang-malay sa usaping-pampulitika ng bayan kagaya ng menor de edad na anak ni Kris Aquino. Ang iba pa dyan ay hindi nag-aalinlangang sabihin na “mamatay na silang lahat, sana masabugan sila lahat ng bomba, at kung anu-ano pa”.

Ito ba ang tatak ng pagiging matalino at marangal ng isang Pilipino? Ang hilingin ang kamatayan at trahedya ng iba dahil sa kasalanang hindi naman nila ginawa? Sa tuwing magbabasa ako ng mga komentaryo sa Definitely Filipino at sa ibang pahayagan sa internet, ganito ang mga nababasa ko mula sa mga Pilipino. Bibihira na ang matinong diskusyon.

Nakakapanlumo dahil kung susuriin natin, ang mga artikulong pinagtitiyagaang isulat at isapubliko ng mga manunulat at pahayagan ay sadyang inilahad sa atin para kapulutan ng aral. Bilang isang manunulat, nakakataba ng puso kapag nakikita ko na nagkakaroon ng matinong diskusyon ang publiko batay sa artikulong aking isinulat. Nailalahad nila ang kanilang saloobin tungkol sa mga usaping taglay ng isang artikulo sa paraang hindi nakakasakit sa damdamin at nakakababa ng moral ng ibang tao. Nagsisilbi itong inspirasyon sa akin para patuloy na magsulat ng mga bagay na pwedeng kapulutan ng aral ng kapwa ko Pilipino.

Pero sa tuwing nakikita ko ang mga matitinding salitang binibitawan ng ibang komentarista, nakakapanlumo. Nawawalan ng saysay ang isang artikulo dahil nauwi na sa walang habas na murahan at insultuhan ang diskusyong nagaganap.

Sa tuwing nakakarinig tayo ng masasamang salita galing sa mga banyaga, nasasaktan tayo. Dahil alam natin na iilan lang ang nagkakamali pero buong lahing Pilipino ay dinamay na. Pero kahit alam nating hindi makatarungan, ginagawa pa rin natin sa iba. Imbes na magsilbi itong aral sa atin, para tayong mga asong-ulol na nagwawala at nagagalit kapag ipinamukha sa atin ang ating pagkakamali.

Nasaan na ang “Filipino Pride” na dati ay ipinagmamayabang natin sa iba? Ito ba ay nasusukat sa tagumpay ng ating mga kababayan sa larangan ng sining, agham, palakasan at kung anu-ano pa?

Hindi.

Dahil ang tatak ng pagiging marangal ng isang Pilipino ay nasusukat sa kaugalian, katatagan, at pagiging intelektwal na kanyang ipinapamalas sa lahat ng oras, sa alinmang sitwasyon.

Masyado nang nalugmok ang Pilipinas ngayon. Masyado na tayong naging aba at mababaw sa paningin ng mga banyaga. Patunayang naman natin sa kanila na hindi tayo ganun. Kahit talamak ang kahirapan at korupsyon sa ating bansa, hindi ito dahilan para kalimutan natin ang pagiging marangal, mapagpakumbaba, at katalinuhang taglay ng isang Pilipino. Dito tayo kinilala, dito tayo kumukuha ng lakas ng loob para taas noo nating harapin lahat ng dagok sa ating buhay. Dito tayo kakapit para makabangon muli. Baon man tayo sa utang at pag-aalipusta ng iba, pero meron tayong likas na yaman na kahit kelan ay hindi-hindi mananakaw sa atin.

Karangalan.

Karangalan na pwede nating ipagmalaki kahit saan. Huwag naman sana natin hayaang tuluyan itong maglaho.

Gaya nga ng kanta ni Gary Granada,

Ang maging tunay na Pilipino
Sa isip, salita at sa gawa
Siyang nakaukit sa aking puso
Dahil Maylalang ang may akda
Sa tuwina’y iingatan ko ang iyong dangal
Kay dakila ng pangalan mo, bayan kong mahal.

At gaya din ng kantang, Ako ay Pilipino, bumangon tayo. Taas noo nating ilaban ang karangalan ng lahing Pilipino. Tanggalin ang pagiging ma-pride at ibangon ang “Filipino Pride”. Hindi kabilang sa “Filipino Pride” ang pagiging mapaghusga, mapagmataas at kayabangan ng isang Pilipino. Panahon na para patunayan natin na hindi tayo ganun.

Ang hakbang patungo sa pagbabago ay hindi nagsisimula sa itaas kundi sa ibaba. Sa ating mga sarili. Sa pagtanggap ng ating mga kamalian at kakulangan, at sa pagsisikap na maitama ang ating mga pagkakamali nang sa ganun ay taas-noo nating maipagmalaki kahit saan, kahit kanino na tayo ay Pilipino. Matatag, marangal, mapagpakumbaba, mahinahon, matalino.

Yun ang Pilipino.

10 Comments

  1. Howdy are using WordPress for your site platform?

    I’m new to the blog world but I’m trying to get started and set up my own. Do you need any html coding expertise to make your own blog?
    Any help would be greatly appreciated!

  2. That is very fascinating, You’re a very skilled blogger.
    I’ve joined your feed and look forward to searching for more
    of your magnificent post. Also, I have shared your site in my social networks

  3. Thanks for another excellent article. The place else may anyone get
    that kind of info in such an ideal manner of writing? I’ve a presentation subsequent week, and I am at the
    look for such info.

  4. certainly like your web-site but you need
    to take a look at the spelling on several of your posts. A number of them are rife with spelling issues and I
    find it very bothersome to inform the truth then again I will
    definitely come back again.

Leave a Reply

Your email address will not be published.