PILIPINO Ang Pinaka-wise at Pinaka-Mataktikang Tao Sa Buong Mundo

(Photo Credit: wais-pinoy.blogspot.com)
(Photo Credit: wais-pinoy.blogspot.com)
(Photo Credit: wais-pinoy.blogspot.com)

Napag-alamang ang mga Pilipino raw ang PINAKA-WISE at PINAKA-MATAKTIKANG TAO sa buong mundo at ito’y ayon sa masusing pag-aaral at ginawang survey sa mga matatalinong tao sa buong daigdig..

Sa lahat ng bagay ay di matatawaran ang mga abilidad o kakayahan natin ng kahit sino mang tao sa ibang bansa …at ako bilang Pilipino ay taas noo at ipinagmamalaki kong akoy naging Pilipino.

Tunghayan po ninyo kung bakit napatunayang ang Pilipino nga ang PINAKA-WISE at PINAKA-MATAKTIKANG TAO sa balat ng lupa.

Isang matalinong DR.VETERINARY ang ipinadala ng Pilipinas sa bansang Africa upang makipag-ugnayan sa kanilang gobyerno upang makapamili tayo ng mga aalagaan na mga malalaking Buffalo o kalabaw na gagawing palahian at gagawing gamit sa pagsasaka dahil babalik na tayo sa makalumang pamamaraan ng pagsasaka.

Ang dahilan ay napakamamahal na ngayon ng mga handtractors at ginagamit na krudo at gasolina at makakatipid pa raw ang ating mga magsasaka dahil isuga mo lang maghapon sa bukid ang kalabaw at pakainin ng kaunting darak at pulot ay ayos na.

Ang gusto raw niya ay siya na mismo ang pipili doon ng mga ipapadalang mga kalabaw dito sa Pilipinas.

Humingi siya ng pahintulot sa gobyerno ng Africa na pwede daw bang siya na mismo ang maghanap sa mga bundok at kagubatan na siyang pinaninirahan ng mga wild na kalabaw na ipapadala sa Pilipinas at ito ay pinaaamo lamang .

Pumayag naman ang bansang Africa….pero may batas ang kanilang gobyerno na ang sinumang banyagang nais pumunta sa loob ng kanilang kabundukan at maging sa kagubatan ay magbabayad ng particular at mahal ang kanyang ibabayad , dahil hindi raw ito kasama sa napag-usapan at napagkasunduan ng dalawang bansa .

PERO BINALAAN SIYA ng gobyerno ng Africa na pakakaingat siya dahil marami na ang mga naging visitors o mga turista nila ang di na nakauwi ng buhay at di na naiuwi ang kanilang bangkay dahil kinain ng mga mababangis na hayop doon .

Ganonpaman ay wag daw siyang mag-aalala kung talagang gusto niya kahit sa kabila ng babala nila ay di siya natatakot ay bibigyan naman siya ng protection. Ihahanap siya ng mga magiging aalalay na mga katutubong mga eksperto at sanay sa kagubatan…kaya lang daw ay babayaran din niya ng particular ang mga katutubo at medyo me kamahalan din ang ibabayad niya .

IKA KASI NG GOBYERNO NILA…. sayang din naman ang kikitain nila kung pakakawalan pa nila ang banyagang ito …karagdagang kita pa ng kanilang katutubong kababayan na magsisilbing tourist guide…dahil iyon lamang ang pinagkikitaan nila sa hirap ng kanilang dinaranas sa buhay doon .

Okey naman sa Beterinaryo na magbayad siya kahit me kamahalan dahil di naman daw sa bulsa niya manggagaling ang ibabayad niya dahil sagot ng ating gobyerno ang lahat ng mga gastusin .

Kumpleto ang kanilang mga dalang gamit na inarkila niya ..may tents sila na kung gagabihin ay doon na matutulog…may mga flashlights at mga sasakyan sila at may mga dalang pagkain na sagot ng ating gobyerno at may mga high power guns na sagot naman at ipinagagamit ng gobyerno ng Africa na kung sila’y magigipit dahil may gumagala daw na napakalaking ahas na sawa na sinlaki ng ANACONDA na tulad ng napapanood nila sa mga pelikula . Pero bawal ang bumaril ng kahit anong mababangis na hayop….liban na lang kung sila’y sisilain o aatakihin . Dahil binibigyan nila ng protection ang mga hayop doon at ito kasi ang nakakapagbigay attraction sa lahat ng mga turista nila at doon sila kumikita .

Biglang nanginig sa takot ang Pilipinong veterinaryo sa kanyang narinig na may gumagalang malaking ahas na sinlaki ng ANACONDA sa pupuntahan nilang gubat.

“NAKU PO DIYOS KO ….parang ayaw ko na yatang tumuloy at umuwi na lang kaya ako sa Pilipinas” ….ang nasambit ng natakot na veterinaryo.

Habang nililibot nila at naghahanap ng mga buffalo o kalabaw ay namamangha siya sa dami ng mga hayop doon na ibat-ibang klase at saksakan ng lalaki ay dapat daw ay nasisiyahan siya dahil ngayon lang siya nakakita ng ganoong mga hayop sa tanang buhay niya .

Pero sa narinig niya na may lumilibot na malaking sawa na sinlaki ng ANACONDA na napapanood niya sa pelikula ay parang gusto na niyang umatras.

Ganonpaman ay lumakas naman ang loob niya dahil ang ibinigay naman sa kanya at nakasama niya ay ang mga matatapang na katutubo na sanay sa kagubatan at kabundukan na doon na halos nakatira.

Bilang Beterinaryo ay sanay na siya sa mga na-eencounter niyang mababangis na hayop…pero sa pagkakataong ito ay umuukilkil pa rin sa kanya ang guni-guni na kung sakaling gabihin na sila doon upang doon na rin matulog ay baka makita sila ng sinasabing napakalaking sawa na parang ANACONDA ay lingkisin at lamunin sila.

Dumating na nga ang gabi at doon na sila gumawa ng tents na kanilang tutulugan….

Nang biglang nagliwanag nang napakaliwanag ang buong kapaligiran . At nakita niya ang mga katutubong nagsisilapit sa pinanggagalingan ng liwanag na isang napaka-gandang punongkahoy na hitik na hitik sa napakaganda ring pagmasdang mga bunga na kumikislap-kislap pa habang nasisinagan ng buwan.

Sa isip niya …..marahil ay kabilugan ng buwan ngayon at kapag nasisinagan ng buwan ay nagre-reflect ang liwanag nito at kapag tumatabing ang ulap sa buwan ay nawawala ang liwanag nito . .

Nakita niyang nagsisilapit at lumuluhod ang mga katutubo na parang tila sumasamba…na tila yumuyuko na taas-baba ang dalawang kamay ng mga ito ..

Pagkatapos mag-ukol ng inakala niyang pagsamba ay tinanong niya ang isa kung bakit sila nagsisiluhod doon….ang sagot ay… iyon daw ang Diyos nila…at kapag daw sumasapit ang gabi ay nagliliwanag ito.

Ang ibig daw ipahiwatig non ay magkakaroon at bibiyayaan sila ng masaganang ani sa taong ito at bihira lang daw itong mangyari at magliwanag . Minsan lang daw nangyayari ito at ito na raw ang senyales na giginhawa na ang kanilang buhay DAHIL NAGISING NA MULI ANG KANILANG DIYOS .

Bigla siyang lihim na nangiti…at dahil sa narinig niyang iyon ay nawala na ang takot niya sa gumagalang dambuhalang sawa .

Dahil naman sa kagalakan ay naitanong niya kung ito ba’y nakakain o kaya ay nakalalason?

Ang sagot ng mga katutubo ay di nila alam at wala namang nagangahas pa na pumitas niyon .

At naisip niya at nagtanong muli siya

“Pwede bang pumitas ng bunga at itatanim ko lang sa Pilipinas ?..at ako’y sasamba rin doon” …na para bang nakikilaro at nakikisimpatiya siya ..

“ABA HUWAG PO….MAGAGALIT ANG DIYOS NAMIN …wala pong sinumang nagbabalak na pumitas niyan dahil mamamatay” …ang sagot ng natatakot na katutubo.

“H A !” …at lihim na naman siyang nangiti at lubusan ng nawala ang kanyang guni-guni at takot sa malaking ahas na sinlaki ng ANACONDA at nasambit niya…..

“Hanggang ngayon pala ay may sumasamba pa sa Diyos-diyosan ….isang punongkahoy ay inaakala nilang Diyos at nakakapagbigay sagana sa kanilang ani kapag ito’y nagliliwanag” .

Pero ganon pa man ay di siya nagpahalata at di na rin siya magtataka dahil napakalayo nito sa kabihasnan .

At napansin niya na kapag itoy nasinagan ng buwan ay nagliliwanag ito ng napakaliwanag.

“NAKAMAMANGHA AT KAKAIBA ANG PUNONG-KAHOY NA ITO” ….ang naisaloob niya.

Sa pagkakataong ito ay nagkaroon siya ng IDEA at yayaman daw siya.

Hehehe “ IBA TALAGA ANG PINOY…MATAKTIKA” ang naisaloob niya at nangiti siya.

At naglalaro ang isip niya at gumagana ang utak niya na kapag nakapag-uwi siya sa Pilipinas ng bunga nito at itinanim niya at nagkabunga na ay magiging milyonaryo siya .

At nagtanong muli siya….

“Eh kung sumisikat ba ang araw ay nagliliwanag din ba ito?”.

“ABA HINDI PO…..sa gabi lang po”.

Naisip niya at bumulong uli siya…at nabuo na ang kanyang idea….yayaman talaga siya…..sa sabing gabi lang lumiliwanag ito at minsan lang nangyayari ito at naisip niyang muli ay baka kung natatapatan lang ng sikat ng buwan . Siguro kapag sa araw ay natatalo ng sinag ng araw …at ang naisip niya…. ang sikat ng buwan ay di sin tindi ng sikat ng araw at ang naiisip niyang gawin ay tatapatan niya ito ng spotlight na nakatago na hindi maaaninag ng mata ng tao na mahina lang ang voltahe o watts nito at tiyak magrereflex at liliwanag ang mga bunga at iisiping nagliliwanag ito sa gabi at mamamangha sila at sasabihin niyang ….

ITO’Y NAGHIHIMALA AT NAGPAPAGALING NG MGA SAKIT NG TAO….TULAD NG KANSER at itoy pupuntahan ng mga taong mahihilig sa himala lalo na ang mga foreigners na madali niyang maloloko at siya’y nangiti

“SA WAKAS….MAGIGING MILYONARYO NA AKO”

At naidagdag pa niya…

Hindi rin naman nila iisiping isang PROPS lang ito at gawa ng ng isang makabagong teknolohiya….at ipapahipo naman niya at malayang makakapag-inbistiga at malalaman nila at matutuklasang totoong bungang kahoy nga itong nagliliwanag sa gabi .

At lubos siyang natuwa at umaandar na muli ang kanyang mataktikang isip na siya daw ay yayaman talaga at magiging pinaka-mayaman sa buong Pilipinas.

“Isa itong liblib na lugar at napakalayo sa kabihashan kaya ang mga tao rito ay naniniwala pa sa di makakatotohanan….at AKO’Y PILIPINO AT MAUTAK….AT SA LAHAT SIGURO NG LAHI DITO SA PLANETANG ITO AY WALA NG MAKAKATULAD PA SA MGA PILIPINO”…at muli na naman siyang lihim na nangiti.

Dahil sa tindi ng pagod sa maghapon nilang pamamasyal sa lawak ng kabundukang ginalugad nila ay nakatulog na ang mga katutubo . Siya man sa tindi ng pagod ay gusto na niyang matulog pero sa tindi ng kanyang pagnanais na makapitas ng mga sampu man lang ng pirasong prutas na binabalak niyang iuwi ay di siya dalawin ng antok at naghihintay siya ng tiyempo na talagang himbing na himbing na ang mga kasama niyang katutubo . Natatakot din siya na baka may magising at makita siyang pumipitas ng bunga ay patayin na lamang siya o putulan pa ng ulo dahil lalabagin niya ang pinagbabawal na lapastanganin ang kanilang Diyos na kinikilala .

Nang nakatitiyak na siyang himbing na himbing ang mga katutubo sa matinding pagod at saka siya tumiyempo.

Nang nakakuha na siya at isinilid niya sa kanyang malaking bag na kaylan man ay di niya iniwawalay sa kanya at nalimutan na rin niya ang takot niya sa malaking ahas .

Hindi na siya natulog nong oras na iyon kahit mayron pa silang natitirang tatlong araw na paghahanap at di pa sila nakakakita ng Buffalo ay nagpasya na siyang uuwi at nagdahilan siya……may emergency call daw siya sa Pilipinas at kailangang-kailangan na siyang makauwi at isa pa raw ay talagang natatakot daw siya sa malaking ahas…

Pero sa kanilang napagkasunduan ay babayaran niya ang mga katutubo ng doble pa at kung maaari ay tritriplihin pa niya dahil nasiyahan naman daw siya kahit di nila natapos ang kanilang kontrata.

PRIVATE PLANE ang kanyang sasakyan at kahit anong oras ay pwede siyang makauwi

Habang papalapit na siya sa airport ay nag-uumapaw na ang kaligayahan niya at malapit na raw siyang maging isang milyonaryo kapag naitanim na niya ang bungang nakuha niya at tumubo ito at nagkabunga.

Tuwang-tuwa naman ang mga katutubo at sa tanang buhay daw nila ay ngayon lang sila kumita ng ganong kalaking pera. At naisipan pang tulungan siyang sila na ang magbubuhat ng kanyang bag…Pero di siya pumayag at kaya na daw niya iyon kasi baka makapa pa ito at mabisto siya ..at puro papeles o passport at kamera lang daw naman ang laman niyon ang sabi niya ay talagang kayang-kaya na niya itong buhatin.

Sinabi na lang niya sa gobyerno ng Africa na di na niya hangad pang makita pa ang mga Buffalong napagkasunduang ipapadala nila sa Pilipinas at tiwala naman siyang pulos magaganda ang mga lahing ipadadala nito sa Pilipinas…at may emergency call siya pinauuwi na raw siya ng gobyerno ng Pilipinas .

At nang nasa airport na siya pauwi sa Pilipinas at nagdaan na sa x-ray machine ang bagahe niya ay may isang security guard na lumapit sa kanya at tinanong ang pangalan niya at pinatatawag daw siya sa opisina ng kanilang chief ng security.

Hindi pa man ay nangangatog na ang Pilipinong veterinary dahil hindi niya sukat akalaing idaan pa sa x-ray machine ang bagahe niya dahil representative naman siya at special na panauhin naman siya at may tourist guide pang Afrikanong kasama siya na uuwi rin sa Pilipinas. At alam na niya na nakita sa x-ray machine ang sampung bunga na pinitas niya sa bungang kahoy na dini-diyos ng mga katutubo at malamang na mabilanggo at maputulan siya ng ulo .

At tinanong siya ng chief ng security na mayron daw nakita sa loob ng kanyang bagahe na sampung bunga ng prutas at di raw ba niya alam na bawal pitasin iyon. Bakit daw ba niya pinangahasang pitasin iyon at aanhin daw ba niya iyon? .

Hindi pa man natatapos magsalita ang chief ng security ay lumuhod na siya .

“PATAWARIN NA PO NINYO AKO SIR HUHUHU….naganyak lang po ako at nagandahan sa prutas na iyan na umiilaw at gusto ko po lamang magkaroon ng souvenir mula sa inyong bansa at ibibigay ko po lamang sa aking anak upang gawing laruan…PATAWARIN NA PO NINYO AKO HUHUHU….marami po akong anak sa Pilipinas na umaasa sa akin…wag po ninyo akong puputulan ng ulo…huhuhu PARANG-AWA NA NINYO…AYOKONG MAPUTULAN NG ULO” HUHUHU.

NAAWA NAMAN ang chief ng security at pinatawad naman siya.

“OKEY SIGE dahil maganda naman ang pakikipag-ugnayan at pakikipag-kaibigan ng gobyerno ng Africa at ng Pilipinas ay patatawarin ka na namin…eh pasalamat ka at di ka nakoryente at di nasabugan”

“H O !…..BA…BAKIT PO AKO MAKOKORYENTE AT BAKIT PO MASASABUGAN ?” ….ang pagtatanong at pagtataka niya.

Ang sagot naman sa kanya ay…

“EH KASI….di naman totoong prutas yan at PROPS lang yon…o tingnan po ninyo ang laman…bombilya at ang aming security agency ang naatasan at nakontrata ng aming gobyerno na maglagay ng bomba sa props na punong kahoy na hitik na hitik kunyari sa bunga dahil kahawig iyon ng totoong bungang kahoy na kung saan ay gustong-gusto at nakaka-attract na puntahan ng ahas na ANACONDA sa kagubatan at bulubundukin iyon” .

“HO! DIYOS KO PO”

At nagpatuloy pa ang chief ng security

Dahil nilagyan pa namin ng pakisap-kisap pa na gustong puntahan ng dambuhalang sawa at nagtataka nga kami at pumaltos at di ka nakoryente dahil pulos HIGH VOLTAGE ANG NAKALAGAY DOON AT KAPAG SUMABOG IYON AY HALOS MALALALOS ANG BUONG KAGUBATAN .

AHH siguro daw ng pitasin daw niya ay NAG-AUTOMATIC…eh pero nakapagtataka daw dahil ang nakatanim na bomba doon ay hindi raw nag-a-automatic at baka lang daw DI NAGALAW O DI LANG DAW SIYA NASAGAP NG PINAKA-SENSOR NIYON .

Hindi pa natatapos at dudugtungan pa sana ang sasabihin ng chief ng security …na sa gabi lang umiilaw ito dahil nag-aatomatic ito na namamatay sa araw dahil karaniwang gabi ang gala ng dambuhalang sawa ay nakita nilang tila lantang gulay at hinimatay na ang Pilipinong veterinary .

Nasa Pilipinas na ng magising ang Beterinaryong Pilipino at ng mahimas-himasan at nawala na ang takot sa bombang inaakala niyang tunay na bunga ay nangingiti siya.

Naisahan daw siya ng Aprikanong gumawa ng bombang iyon…maiisip daw ba niyang sa layo at milya-milyang layo ng kabundukan sa kabayanan ay iisipin daw ba niyang may makakaisip gumawa niyon.

Napag-alaman ngayon na oo nga’t matatalino at mataktika ang mga Pilipino…pero lumalabas naman ngayon na ang mga Pilipino ay magpagsamantala..mapaghangad o mapag-imbot at lalong higit ay LAPASTANGAN.

…………….Wakas……………