PiliPinas Delayed!

Mar Roxas said that it is not about the actual notes, but are we a rules based society?

03/21/2016 02:12:35 PM

Grabe ang inabot ng tao kahapon. Grabe ang init ng ulo nila. Ang pagkabadtrip; pagkadismaya; galit na bigla na lamang pumutok sa kani-kanilang mga account sa Twitter at Facebook. Ikaw ba naman ang maghintay sa kawalan eh. ‘Kala tuloy nila, may forever nga…sa paghihintay umere ang PiliPinas Debates.

Dahil sa isang matinding hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga partidong sangkot, ito ay naantala nang mahigit nobenta minutos mula sa orihinal na nakatakdang oras. Ang pinakamainit na debate na nagsimula sana noong alas-5 ng hapon, ay halos 6:30 na ng gabi pormal nag-umpisa.

Hindi lamang ito usapin kung bakit naging impatient na ang tao. Kasi nga naman, sinong hindi mauurat kung mag-aalas-5:30 na ng hapon ay hindi pa umeere ang PiliPinas Debates.

Pero saan nga ba nagkamali? Bakit humantong sa isang malaking delay ang mga pangyayari? Oo, sa kabila man ng mainit na patutsadahan na kala mo ay nanuod ka ng sabong ay isa pa ring pinakamalaking pagkakamali ang pagka-antala ng isa’t kalahating oras?

May last-minute kasi na argumento. Last-minute na clarification ang kinailangan para rito. Ay mali, hindi na pala last yun…. late na pala.

Sinasabi na ang isa sa mga presidentiable ang “cause of delay” nito. Bagama’t pinakauna siyang dumating sa apat na lumahok sa Visayas leg ng PiliPinas Debates 2016 na ginanap sa Cebu campus ng Unibersidad ng Pilipinas, aniya ang kanyang pagdala ng kodigo (o dokumento, ayon sa kine-claim nila) sa stage ay ipinagbabawal alinsunod sa pamantayan ng Commission of Elections (COMELEC).

At may miscommunocation pa palang naganap sa pagitan ng mga partido. Kasi si Luchi Cruz-Valdes mismo, na kinontak ng kampo ni VP, ay umamin sa pagkakamali.

Subalit, kung tutuusin, parang kahit sa unang PliPiinas Debates na ginanap sa Cagayan De Oro noong nakaraang buwan at sumahimpapawid sa GMA 7, ay may ganitong alintuntunin na, ‘di ba? Kung ganun, ito ang tanong: nakikinig ba ang kampo niya, aber? Na bawal ang notes o ‘kodigo’ sa entablado mismo? Maaari lamang kapag nasa backstage ka?

Halatang hindi yata nagrereview ah. O halatang hindi nakikipagcooperate sa COMELEC at bagkus, dumeretso sa media; na para bang bina-bypass na lamang ang ahensya ng pamahalaan na namuno mismo sa pag-oorganisa nito. Kaya ang dating tuloy ay sira na kagad ang Singko sa insidenteng ito.

Unang pagputok pa lamang ng balitang to sa YouTube, halata na nga na ‘yun ang ugat ng lahat: miscommunication;

Click here to continue reading