Pigsang Taob? Nakamamatay?

(Photo Credit: Flannerys.com.au)
(Photo Credit: Flannerys.com.au)

Taong 2008, buwan ng Nobyembre….sa isang government hospital sa Laguna; habang naglalakad kami nang pabalik-balik ni Rosa sa koridor ng hospital bilang paghahanda sa kanyang panganganak, ay nalilibang kami sa pag-awit ng isang binatilyong pasyente…

Hoy hoy, buloy
Naalala mo pa ba, nung tayo’y nagsasama
Hoy hoy, buloy
Naalala mo pa ba ang iyong sinabi mga sinabi
Nung ako’y may problema

Sabi mo, ” Lahat ng problema’y kayang lampasan
Basta’t tayo’y nagsasama at nag-iinuman…”

Napapangiti kami dahil enjoy na enjoy niya ang pagkanta bilang pag-aaliw sa sarili.  Sunod-sunod na mga awit ng Parokya ni Edgar ang kanyang kinakanta, na mabuti na lamang at hindi sintunado.

Bandang alas onse ng gabi ay nagsilang na rin sa wakas ang asawa ng aking anak-anakan.  Makapagpapahinga na kami sa silid na mayroong anim na kama.  Pagbalik namin sa silid na iyon, malakas na hagulgulan ang sumalubong sa amin mula sa katabing silid.  At sa aking pagtatanong, nalaman ko na namatay na pala yung binatilyong kanina lamang umaga ay awit nang awit.  Wahhhh!  Bakit?

Ang ikinamatay daw niya ay pigsa na hindi pangkaraniwan, at kung tawagin ito’y PIGSANG TAOB.  Huh?  Me ganun, ang nagugulumihanan kong tanong.

Ano ba ang pigsang taob?

Sa ating mga Pinoy, pangkaraniwan na nating naririnig yung pigsa, ‘di ba?  Ordinaryo na yun sa ating pandinig.  Sabi ng mga matatanda ay tamad daw maligo kaya ang init ay nakukulob sa katawan at sa pigsa lumalabas.  Kyoto o kaya’y boteng iniinit ang dati ko nang naririnig na ipinanggagamot ng mga matatanda sa amin.

Pero sapat na ba ang ganoong katuruan sa atin?  Alam ba nating hindi pala ito simpleng “singaw ng init?”  Dapat din nating alamin kung ano ba talaga ito at kung kailan ito nagiging delikado at maaaring makamatay.  Maaaring ang kaalaman ang siyang makapagliligtas sa atin o sa ating mga mahal sa buhay.

So, ano ba ang pigsa?

Ito yung tinatawag na BOIL, o furuncle, isang uri ng impeksyon sa balat mula sa isang bacteria “Staphylococcus aureus”.  Ang pigsa ay maaaring sumibol sa alin mang bahagi ng katawan at karaniwang nagsisimula na parang taghiyawat o pimple hanggang sa ito ay mamaga at lumaki dahil sa nana.  Kapag napabayaan ito at lumaki nang lumaki, nagkakaroon ng mas maraming nana at nagdudulot na ng hirap sa pagkilos lalo na kung nasa maseselang bahagi ng katawan gaya ng singit, puwet, leeg, kilikili, paa at binti.

Naririnig ko sa mga matatanda na kailangang mailabas yung pinakamata mula sa isang pinakasentro ng pigsa upang ma-drain ang laman nito at nang gumaling na.  Simple lang naman daw ang pigsa basta lumabas na ang nanang dala ng bacteria.

Pero bakit namatay yung binatilyo dahil lang sa pigsa?

Napabayaan palang lumaki yung pigsa sa binti ng binatilyo; hindi ito agad naipasuri sa doctor. Sa kabila ng lagnat, kulane, panlalambot at kirot mula sa pigsa, hindi ito pinansin dahil “pigsa lang naman iyon!”

Kaya nang lumaki ito nang lumaki, ang impeksyon ay kumalat sa daluyan ng dugo, at nakontamina ang ibang bahagi ng katawan nito.  Ang mas malalang pangyayari ay isa umano itong pigsang-taob kung tawagin, na nang pumutok dahil sa tindi ng impekson at nana, ay paloob itong nagsabog ng kontaminadong nana na siyang ikinamatay nito.

Kaya naman, kung kayo ay may pigsa, suriin itong mabuti, at kung may pagdududa sa kalagayan nito, kumonsulta agad sa doktor!

Eh paano naman maiiwasan ang magkapigsa?  Paano ito magagamot?  May home remedies ba dito?

Ala ey….pumunta na lang po kayo sa link na ito!   ^__^

http://wellbody.net/2012/04/11/all-about-boils-boils-boils/

 

The most commonly mentioned causes like ingrown hair, friction from clothing or shaving, lack of hygienic practices like daily baths and overall cleanliness practices  actually aggravate the infection and may lead to more severe conditions if left unattended.

Severity of the infection includes fever , swollen lymph nodes and a strong feeling of fatigue. If left unattended, the infection could spread into the bloodstream, contaminate other organs and become a threat to one”s life.

About Mommyjoyce

Isang simpleng nanay na adik magbasa, adik magsulat at adik sa anak! Idol ko si Mother Theresa, kaboses ako dati ni Ate Shawie Cuneta (joke); maawain sa mga madudungis, siga sa mga taong nang-aapi, at lifecoach sa mga kabataan at mga magulang na walang ibang makausap, Ang simpleng motto ko in life: Cherish everyday (not just because it could be my last); kundi kasi, bukas iba na naman ang flavor ng buhay! Kaya namnaming maigi!