Photoshoot : 004

Photoshoot

Namumula ang mga mukha at hindi makatingin nang deretso sa isa’t-isa, ganyang ang naging estado nila Cindy at Carl matapos ang mainit at mahabang halikan. Parang natauhan bigla ang dalawa at napaisip dahil sa biglaang mga pangyayari. Agad umexit si Cindy at nagpaalam na magsi-cr, agad ding nagdahilan si Carl na lalabas muna upang manigarilyo.

Walang kahit isang imik ang maririnig sa dalawa ng magtagpo ulit sila sa loob ng cottage, animo’y naiilang dahil sa mga hindi inaasahang naganap sa pagitan nilang dalawa. Bumalik ang ingay ng mga kuliglig, at unti-unti na namang lumamig ang buong paligid.

-“Ano yun?”, hindi na nakatiis si Cindy na magtanong at basagin ang katahimikan.

-“Hindi ko din alam, ikaw baka kaya mong ipaliwanag”, sagot ni Carl na halata mong gustong ulitin ang mga pangyayaring naganap kani-kanina lang.

-“Hindi ko nga din maintindihan e, ikaw kasi e!”, pabirong usal ng dalaga, na kahit hindi halata sa kanyang hitsura ay nakaramadam din siya ng kung anong hindi maipaliwanag na bagay bungsod ng mga naganap.

-“Ang totoo, sobrang nabighani talaga ko sa kagandahan mo.” lakas loob na pag-amin ni Carl, “Kaya pasensya ka na kung hindi ko napigilan ang sarili ko.”

-“Sus, bolero!”, sagot lang ng dalaga pero deep inside ay kinilig siya sa mga katagang iyon ni Carl.

-“Bolero ka diyan, sinasabi ko lang yung totoo. Hindi ko lang kaya talagang pigilan ang sarili ko tuwing nakikita ko ang kagandahan mo,” Unti-unting lumalapit ang binata habang sinasabi ang mga katagang ito. “ang iyong mga mata na parang mga perlas sa gitna ng karagatan, ang iyong malambot na bibig na parang rosas sa pula, ang lugay ng iyong buhok na para bang nanghahalina, at ang buong mong pagkatao na para bang nagsasabi na “.

Sa puntong ito ay magkalapit na ulit ang dalawa, ang mga kamay ni Carl ay nasa balikat na ng dalaga at unti-unting gumagapang pababa sa makikinis na braso nito hanggang sa mahawakan nito ang mga kamay ni Cindy.

-“Ngayong lang ako nakakita ng ganito kagandang likha ng diyos sa buong buhay ko.”, sambit pa ng binata at tinitigan niya si Cindy, mata sa mata.

-“Baka nasasabi mo lang yan dahil nakita mo na ang lahat sa akin? Naakit ka lang kasi nakita mo na ang kahubadan ko”, garalgal na sambit ni Cindy.

Pinisil ni Carl ang kamay ng dalaga, at muli niya itong hinalikan sa labi.

-“Kung katawan mo lang ang aking nagustuhan, sana kanina pa tayo nagkaron ng mainit na sex. Pero kakaiba ka sa lahat ng nakilala kong babae, unang tingin ko pa lamang sa’yo ay alam ko na ikaw yung tipo na dapat igalang at pahalagahan.”

Parang naging estatwa ang pakiramdam ni Cindy sa mga katagang binitiwan ng binata, pakiramdam niya ay nililipad siya sa kalangitan, lalo na nag muling maramdaman ang pagdampi ulit ng kanilang mga labi. Tuluyan nang nadala si Cindy sa pagkakataong ito, inangat na rin niya ang mga kamay at isinampa sa balikat ni Carl, tanda ng pagsuko ng kanyang pagkatao sa lalaking hindi niya inaasahang mabibighani sa kaniya nang ganito.

Gumapang ang mga halik ni Carl mula sa labi pababa sa leeg ng dalaga, nanginginig naman ang buong katawan ni Cindy na parang kinukuryente sa tuwing mararamdaman ang pagsayad ng mga labi ni Carl sa kanyang balat. Pumasok ang dalawa sa silid, isinara ang pinto, pinatay ang ilaw, at napalitan ng ibang ingay ang ingay ng mga kuliglig.

Sa pagkakataong ito ay wala nang ilangan na magaganap, wala na ring delivery boy ng pizza ang makakasagabal sa mainit na bakbakang magaganap buong gabi sa loob ng malamig na cottage.

—————————————

Lumipas ang ilang araw, kahit walang pormal na ligawan na nangyari ay naging mag-on ang dalawa. Sapat na siguro ang nangyari sa cottage upang ipaliwanag ang hindi maipaliwanag na pakiramadam para sa isa’t-isa.

Napasa na ni Carl sa prof ang mga kinunan niyang hubad na larawan ni Cindy para sa project nila, humanga ang kanyang prof dahil sa pagiging natural ng bawat kuha. Napaka-komportable daw ng pose ng subject dahil sa tiwala nito sa kumukuha ng kanyang larawan, bihira daw ang ganitong connection sa model at photographer. Masaya itong binalita ni Carl kay Cindy at naging masaya naman din ito para sa kanya

-“I see a lot of commucation through you shot, Carl, i-pursue mo ang photography, magaling kang kumuha ng anggulo na hindi nakikita ng iba”, komento ng kanyang prof. Hinangaan tuloy si Carl ng ibang kaklase.

Naging mabuting boyfriend si Carl. Lagi niyang kinakamusta ang kalagayan ng nobya, pag may oras siya ay sinusundo niya sa coffee shop o sa school si Cindy. Ganoon din naman si Cindy, naging mabuti itong inspirasyon para kay Carl. Para sa kanya, si Carl ang naging patunay niya sa buhay na hindi lahat ay nakukuha sa sikap at tiyaga, dapat ay mayroon kang inspirasyon.

Natuwa naman ang tita ni Carl na supervisor ni Cindy nang malaman ang namamagitan sa dalawa. Sa wakas kasi ay naging seryoso na ito pagdating sa babae. At alam niya na mabuting tao si Cindy at hindi nito lolokohin o pababayaan ang pamangkin.

Naging masaya naman ang dalawa sa piling ng isa’t-isa, kahit bihirang magkita ay komportable sila kapag magkasama. Kapag parehas bakante ang kanilang mga schedule ay binabalikan nila ang private resort sa Antipolo, hindi lang para mag-sex, kundi para balikan ang mga alaala ng kahapon na humubog sa kung ano ang meron sila ngayon.

“It’s not always about sex, sometimes the best type of intimacy is where you just lie back, laugh together at the stupidest things, hold each other, and enjoy each other’s company.”

Wakas…

@@@@@@@@

Abangan…

-“Oi pare, balita? Bakit ilang araw ka yatang nawala?”, bungad ni Carl nang makita si John sa tapat ng kanilang dormitoryo.

May ilang linggo din kasing hindi napapansin ni Carl ang kaibigan sa dorm, siguro dahil nagiging busy na ito kay Cindy at sa nalalapit nitong graduation. Huling kita pa nila ay noong pilit pa din siyang kinukulit na ipakita ang mga hubad na larawan ni Cindy.

-“Pare, may problema ko”, maiksi ngunit madadaming sagot ni John.

-“Ano ‘yun, pare? Huwag mong sabihin na nakabuntis ka”, nangingisi pang sabi ni Carl.

-“Hindi, pare….”, bitin na sambit ni John at humugot ito nang malalim na buntong-hininga. “….In-love ako sa ermats ng girlfriend ko!”

 

>>CLICK HERE FOR MORE  STORIES<<

About markcism

Sa isang madilim na dako ng gunita ako'y nagmula, lipon ng mga salita ay pilit kong tinutugma, sayaw ng dahon sa hangin ang tanging inspirasyon, alaala ng kahapon ang tanging edukasyon, kasabay ng paglutang ng ulap ang aking imahinasyon, subalit iyong mapagtatanto, kapag ang pluma at papel ay nagtagpo. for more stories go to this site: http://markcismhw.wix.com/markcism