Photoshoot : 003

Photoshoot

Swimming pool ang napiling place ni Carl para sa susunod nilang shoot, at ang idea ay parang wet and wild pero lutang padin ang theme ng innocence. Sumang-ayon naman si Cindy, medyo nag-alangan lang siya kasi gabi na, nasa Antipolo pa sila, malamang mangangatog ang buo niyang katawan sa lamig na mararamdaman. Nangako naman si Carl na magiging mabilis na lang ang photoshoot, medyo late night na din kasi at uuwi pa kailangan pa nilang umuwi.

“A pretty girl who is naked is worth a million statues.” – E. E. Cummings

Sa bawat posing ng dalaga ay napapanganga si Carl, nagiging komportable na sa pag-pose si Cindy dahil parang natural na halos ang nagiging kilos nito. Halata mo din sa mukha ng dalaga ang pag-rehistro ng kasiyahang naidudulot nito sa kanyang pagkatao, nagkaron siya ng kompyansa sa sarili at tumaas ang kanyang self-esteem.

“The nakedness of woman is the work of God.” – William Blake

-“Thank you God for a nice piece of work! You the man”, hiyaw ng isip ni Carl habang pinapagapang ang mga mata, na kahit nasa likod ng lente ng camera ay dama niya ang magagandang hubog ng katawan ni Cindy.

Hindi naman nagtagal ang pangawalang shoot nila, napansin na din ni Carl na nangangatog na ang mga labi ni Cindy dahil sa lamig na nararamdaman. Niyaya niya na itong bumalik ng cottage upang makapagpalit na ng mas komportableng damit.

Pagdating sa cottage ay dumeretso na si Cindy sa kwarto upang magbanlaw at magpalit ng damit, samantalang naiwan si Carl sa sala upang reviewhin ang mga shots na nakuha. Nagpa-deliver na din si Carl ng pizza para makakain muna sila bago umuwi. Hindi pa dumadating ang na-order na pizza ng lumabas mula sa silid si Cindy at tumabi kay Carl. Nakitingin din ito at tinulungan si Carl na pumili kung ano ang ipe-present niya para sa project.

-“Mas maganda ka pala pag natural lang ang hitsura mo”, out of the blue na usal ni Carl,

-“Bolero, saka required kasi sa coffee shop na dapat mapustura ang mga hitsura namin”, protesta ni Cindy,

-“Oy di ako bolero ha, nagsasabi lang naman ako ng totoo, saka ayaw mo ba nung kino-complement ka?” pang-aarar na sabi ni Carl,

-“Kahit hindi na lang ako i-complement kung niloloko lang naman ako”, namumulang sambit ni Cindy.

-“May boyfriend ka na ba?”, out of the blue na namang tanong ni Carl.

-“Wala!”, pasigaw na sagot ni Cindy na parang may halong kadismayahan ang boses.

-“Wala pa o wala na?”, pang-aalaska pa ni Carl.

Napangiti lang si Cindy, na nauwi sa tawanan ng dalawa, nahampas tuloy ng throw pillow ni Cindy si Carl dahil sa sinabi nito, pero mabilis ang reflex ni Carl at nakaiwas siya dito. Nauwi sa harutan ang nangyaring pag-uusap, at namalayan na lamang nila na magkahawak na sila ng kamay at nakangiting nakatingin sa isa’t-isa. Unti-unting naglalapit ang kanilang mga mukha, papalapit nang papalapit, sobrang lapit na halos ramdam na nila ang mainit na paghinga ng bawat isa.

Matagal silang nagtitigan. Pinipisil na ni Carl ang mga kamay ni Cindy, ninanamnam ang lambot ng mga palad nito. Gumaganti naman ng pisil ang dalaga, ang isang braso nito ay nakasampay na sa balikat ng binata.

Maglalapat na lang ang kanilang mga labi nang biglang tumunog ang intercom ng cottage.

“Sir Carl, andito na po yung inorder n’yong pizza.”

—————————————

“Anong balita sa ginawa niyong photoshoot, pare?” nakangising tanong ni John nang makita niya si Carl sa labas ng dorm nila nang sumunod na araw.

Ngiti lamang ang isinagot ni Carl, kaya lalo siyang inurat ng kaibigan.

“Ok naman, ang gaganda nga ng mga kuha e”, maiksing sagot ni Carl.

“Baka naman pwede mong ipakita sakin yung mga litrato. Panalo ba yung Cindy pare?”, bakas sa mukha ni John ang pagka-sabik.

“Panalo pare, akala mo, anghel e. Ngayon lang ako nakakita ng ganoong hitsura. Napaka-inosente, napaka-pure”, parang lumulutang sa kalangitan ang pakiramdam ni Carl habang binibigkas ang mga salitang iyon.

“Patingin naman ng mga picture pare!”, pangungulit ng kaibigan.

Inilabas naman ni Carl ang cellphone at ipinakita ang selfie nila sa may coffee shop sa Pearl Drive. Agad din nabighani si John sa karakas ng hitsura ni Cindy, kaya lalo itong nangulit upang makita ang mga nude photos nito.

“Hindi yan, pare, ‘yung gagamitin mo sa project mo”, pangbubuska ni John.

“Naku pare, pasensya na, may usapan kasi kami na hindi ko ipapakita ang mga larawan na iyon sa iba”.

“Patingin lang naman!” pangungulit lalo ni John.

Pero kahit anong pilit nito ay hindi pa din bumibigay si Carl na ipakita ang mga pribadong larawan, na kahit ilang araw na lang ay makikita na din ito ng buong klase nila sa photography. Pero dahil nga ipinangako niya kay Cindy, at parte ng kanilang deal na wala munang makakakita sa mga litrato na ‘yun kundi ang photography class lang niya, kaya kahit anong pilit ng malapit na kaibigan ay hindi niya nagawang ipakita dito.

“Hmp damot!”, sambit ni John na may kasamang pabirong pagdadabog. “Bahala ka nga diyan”, at tuluyang iniwan si Carl na tulala at nakangiti habang nakatingin sa malayo.

—————————————

-“Oi friend kamusta naman ang nangyaring modeling mo sa piling ng pamangkin ni mam?”, pabirong sabi ng isa sa mga kasamahan ni Cindy sa coffee shop na si Pau.

Ngiti lang ang isinagot ng dalaga pero pansin mo dito ang kakaibang ngiti ng mabangit ang tungkol sa modeling at sa pamangkin ng kanilang supervisor, at sinabayan pa ng pamumula ng mga pisngi nito.

-“Okay naman friend, ayun smooth naman ang lahat”, paiwas pusoy na sagot ni Cindy.

-“Smooth lang ba? Eh halata sa body expression mo saka sa mga ngiti mo na parang nanalo ka sa lotto!” pangbubuska ni Pau at sinabayan pa ng malanding paghagikgik.

Sa lahat ng kasamahan ni Cindy sa coffee shop si Pau ang pinakamalapit sa kanya, mag-classmate sila noong high school at halos lahat ng trabahong napasukan nila ay magkasama silang dalawa. Kaya abot na ni Pau kung ano man ang nadarama ng kaibigan, kung in-love ito, or under pain. Pero ngayon, sense ni Pau na may kakaibang nangyaring maganda sa kaibigan nito lamang mga nakalipas na araw.

-“Ano bang hitsura te? Pogi ba? Mabait ba?”, pangungulit pa ni Pau.

-“Hay naku te, tumigil ka nga, mamaya marinig pa tayo ni mam”, halatang iwas na iwas si Cindy na sagutin ang lahat ng tanong na binabato sa kanya.

=”Hmp, bahala ka nga diyan!”, pabirong nagdadabog na iniwan ni Pau si Cindy at tumuloy na sa stock room ng coffee shop.

Naiwan si Cindy sa tapat ng cash register habang naghihintay ng customer na nakangiti habang nakatingin sa malayo.

—————————————

Ramdam mo sa dalawa na nakadama sila ng pagka-ilang habang kumakain ng pizza. Walang imik si Carl sa isang gilid, habang si Cindy ay abala sa pagtingin ng kanyang mga hubad na larawan. Ramdam mo ang kalamigan sa paligid na sinasabayan nang maiingay na kuliglig sa labas ng cottage. Lumipas ang ilang sandali ng nakakabinging katahimikan sa pagitan nilang dalawa, nang biglang nagtama ulit ang kanilang mga mata.

Matagal na nagtitigan, nagkaroon ng maliliit na ngiti mga labi. At mula kung saan, walang kaabog-abog, nilapitan nila ang isa’t-isa.

Mapangahas na yakapan ang agad nangyari nang maglapit ang kanilang katawan.

Nauwi sa mainit na halikan ang kaninang malamig na paligid.

Itutuloy…

 

>>CLICK HERE FOR MORE STORIES<<

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.