PH Dragon boat team na puro kasambahay, gumagawa ng ingay sa Hong Kong races

Image from Reuters via Twitter

Isa ang bansang Hong Kong sa mayroong pinakamaraming nakatalagang Filipino domestic workers tulad ng maid o kasambahay.

Dahil na rin sa dami ng mga Pinay maids, naisipan ng isa sa kanila na si Liza Avelino na gumawa ng grupo na binubuo ng mga kasambahay na babae sa Hong Kong.

Ang grupong ito na may pangalan na “Filipino Dynamos” ay sumasali sa iba’t ibang uri ng palakasan tulad ng dragon boat competition, kung saan ang mga kalahok ay nag-uunahan sa pagsagwan.

Image capture of video by Reuters (click image to watch the full video)

Ayon kay Avelino, binuo niya ang grupo sa pagnanais na maging bahagi ang mga kasambahay na Filipina sa komunidad ng Hong Kong.

I want to integrate the Filipino helper community and represent the domestic helper as part of Hong Kong, part of the community, and we don’t want to feel excluded,” ani Avelino.

Ngayon ay umaani ng atensyon ang Filipino Dynamos team matapos silang sumali sa dragon boat races na ginaganap sa Hong Kong din.

Image from Reuters

Sa naturang uri ng palakasan, maraming pagsubok ang kinakaharap ng Dynamos.

Ayon sa ulat ng Reuters, sa loob ng isang linggo, isang araw lang umano sila nakapagsasanay at sumasabak sa kompetisyon — ang araw ng Linggo na kanilang rest day bilang kasambahay.

Ibinahagi ni Avelino ang kanilang nararamdaman kapag sumasabak sa kompetisyon ng dragon boat.

When we’re racing, there’s no employer, there’s no helper. Everyone is equal.”

Image from Reuters

Ayon naman kay Geraldine Inabiohan, isang miyembro ng team, sila ay sumasali sa mga kompetisyon hindi lamang para mapabilang sa komunidad kundi para na rin hikayatin ang kapwa kababaihan na magpursige sa kanilang hangarin.

The objective of our team is to empower women. We want to push women like us, helpers, that we do something more,” kuwento ni Inabiohan.

I think, as the season goes, we see ourselves as champions,” dagdag pa niya.

Nagpapasalamat din si Inabiohan sa kaniyang amo sa paghihikayat sa kaniya na sumali sa ganitong klaseng kompetisyon.

Para sa buong Dynamos, masaya silang makilahok sa dragon boat competitions at kumatawan sa Pilipinas bilang mga Hong Kong maids.

“We’re still giving back and proud of our country,” ayon kay Inabiohan.

Sa ngayon ay mayroon nang anim na sinasalihang kompetisyon ang Dynamos dahil na rin sa tulong ng mga sponsors.

Image from Reuters

Tunay ngang kahanga-hanga ang lakas at determinasyon ng mga Filipino hindi lamang dito sa loob ng Pilipinas kundi maski na rin sa ibang bansa.

Kudos sa inyo, Filipino Dynamos, at nawa’y makakuha kayo ng gintong medalya at marating ang mga nais maabot sa kabila ng mga hamon at pagsubok!

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.