Personal Hygiene-Gaano Kahalaga sa Pinoy?

imageGaano nga ba kahalaga ang personal hygiene para sa ating mga Pilipino? Bakit lahat tayo ay kailangan may shampoo at mabangong sabon tuwing maliligo?

Ang iba ay gumagamit pa ng conditioner at bath gel. At higit sa lahat, deodorant at lotion after na maligo. Iba pa yung mga pampahid sa mukha at ibang parte ng katawan. At higit sa lahat, ang pagsisipilyo ng ngipin pagkatapos kumain at bago matulog.

Noong bago pa lang ako dito sa UAE ay may nakakasama ako sa trabaho na iba’t ibang lahi (para hindi ma offend ang mga nasabing lahi ay hindi ko na lang i-mention kung anong lahi ito). At laking gulat ko na hindi sila conscious sa kanilang hygiene. Kapag papasok sa trabaho ay maamoy mo ang anghit o putok sa kanilang katawan. Minsan nga, amoy higaan pa sila o amoy unan na hindi nalabhan ng ilang buwan.

Hindi naman sa namimintas ako, pero ganun talaga ang kadalasang amoy nila. Kaya para hindi makaka-offend sa kanila ay tinitiis ko na lang ang ganoong amoy kapag nakakasabay ko sila sa bus or public transport either papuntang work or papuntang city. Pero siyempre tayong mga Pinoy na hindi sanay sa ganung amoy, ay meron talagang obvious na nagtatakip ng ilong o kaya ay nagsasalita na mabaho. Lalo na kapag summer na ang init ay umaabot ng 40-45 degree C kaya ang amoy ay umaalingasaw kasama ng kanilang pawis sa loob ng kulob na bus!

Dahil sa naging curious din ako sa personal hygiene nila, tinanong ko ang isa kong kasama na gustong-gustong makipagkaibigan sa aming mga Pilipino. Pinakita ko muna sa kanya ang vanity counter naming mga Pilipino. May sabon na mabango, shampoo, gel, toothbrush, toothpaste, dental floss, lotion at higit sa lahat ang deodorant ko na roll on pa dati. Ang tanong ko if alam nya kung anu ano ang mga iyon.

Alam niya ang iba maliban sa gel, shampoo, dental floss lotion at  deodorant. Shampoo meron sila, pero ‘yung oil na may amoy ang ginagamit nila para daw iwas kalbo or para ‘di na lumala pa ang pagka panot. Aside fron shampoo ay ‘di na niya alam ang iba pa. Kaya nag demo ako sa harapan niya kung papaano ito gagamitin lalo na ang deodorant na kailangang gamitin pagkatapos maligo.

Sabi pa niya sa kanila daw ay lalaking-lalaki ka kapag may amoy ang iyong katawan lalo na ang kili kili. At dagdag pa dito ang balbas at bigote. Kaya sabi nga namin, hayaan nang matawag na bakla huwag lang mabaho at maduming tignan ang mukha at katawan.

Sinabihan namin siya na kapag gusto niya kaming maging friends ay kailangan niyang gumamit ng mga ito. Hindi lang dahil sa maarte ang mga Pinoy pagdating sa amoy, pero para na rin sa personal hygiene nito. Sa tulong naman namin ay natuto siyang gumamit ng mga ito at mas lalo pa siyang naging close sa amin. Madalas nga ay tinutukso namin siya na sabihan ang kanyang mga kalahi na gumamit rin ng pang personal hygiene lalo na ang deodorant.

Sa ngayon, dito sa UAE, marami na ring natututo na ibang lahi mula sa mga kaibigang Pilipino, pero mas marami pa rin talaga ang may ganoong amoy. Lalo na ang mga bagong dating na hindi sanay mag-deodorant na akala mo ay may dumaang paputok dahil lahat nang madaanan ay sumasabog!

Pero wala tayong magagawa kung iyon ang nakagawian nila. Pero hangga’t may nakikipag kaibigan sa mga Pinoy ay siguradong matuto rin sila kung paano pangalagaan ang katawan. Kaysa magtakip tayo ng ilong or magreklamo na mabaho sila, tulungan na lang natin sila na malaman kung paano ito maalis. Kapag gusto nilang makinig ay mabuti, pero kapag ayaw naman ay huwag na pilitin at baka mapunta pa sa away. Hayaan nalang natin sila sa gusto nila, iwas iwas na lang tayo na makalanghap ng pabango o pasabog nila.

About Tonyo

OFW from UAE who wants to share life experiences while working abroad.I hope I will be an inspiration sa mga readers.