Pera Pera Lang

Ang dalawang larawang makikita n’yo sa ibaba ay larawan ng Php 20 bill. Kung ating iisipin, ano na nga ba ang pakahulugan ng ganitong mga uri ng gawa?

Ayon sa ating batas, isang krimen na maituturing ang pagsira o pagbaboy sa ating mga salapi maging papel o barya man ito dahil isa itong simbolo na nagpapakita na ang Pilipinas ay isa ng bansa na pinatatakbo ng mga mamamayan nito. Ang salapi ding ito na pinananagutan ng Bangko Sentral ng Pilipinas at binigyang kapangyarihan ng ating pamahalaan ay nagpapakita din ng awtoridad ng ating pamahalaan sa ating bansa.

Ang ginawang pagbaboy ng sinuman sa 20 piso na salaping papel na ito ay isang malinaw na krimen. Maaari din nating sabihing ito ay nagpapakita kung anong uri ng pamamahala ang mayroon tayo ngayon. Isang pamamahala na binaboy at hindi na ginalang ng kanyang mga mamamayan dahil sa mga katiwalian at korapsyong namumukadkad dito.

Ganito na lang ba talaga ang Pilipinas? Laging pera-pera lang ang usapan. Walang sulong, puro urong. Malaki ang kasalanan ng ating pamahalaan pero ang isang bagay na di natin namamalayan, tayo rin ay bahagi ng dahilan kung bakit lubog ang ating bansa sa pighati at kahirapan.

This is a Php 20 bill found in circulation.

(back)

Whoever did this committed a great disrespect to our nation’s monetary system.

13 Comments

  1. Hindi naman lahat ay gumagawa ng ganyan sa Pinas mga kababayan ko, yan ay gawain ng ilang mangmang na Pilipino na di marunong magpahalaga at magmahal sa ating Bayan,but this is the first of a kind na nakakita ako ng labis na pambababoy sa ating salapi….maliit man ang halagang yan dapat nating pahalagahan dahil kung wala ang halagang yan ay di pwedeng mabuo ang ating Php100. and so on….
    yes PERA PERA lang yan…..ang salaping galing sa ating pawis at pagsisikap, upang tayo ay maka ahon sa pesteng kahirapan…..salamat po!

  2. Excellent observation and comments. Who would ever think that such ‘small’ matter can also greatly judge what kind of people we are?Keep on writing sensibly. All the best.

  3. Hahaha nakakatawa talaga ang mga Pinoy na nag sasabing proud ako na pilipino ako. Ang mga pang lalait ang pang aalipusta natin sa ibang bansa ay walang pinag kaiba tignan nyo wla naman tayong pinag kaiba sa kanila madalas nga eh sila pa ang ating ginagaya

  4. magandang mensahe ng artikulo.
    matagal ko ng na obserbahan ang mga ganyang gawi ng mga pinoy. marahil silay kulang sa impormasyon o sadyang mangmang lamang.sa sarili kong pamamaraan ay sinusubukan kong mabawasan ang talamak na pambabastos sa salapi ng bayan kaya.. simula ng ako ay magkaroon ng maliit na shop at store ay hindi ako tumatanggap ng mga perang puro sulat at walang pakundangan binaboy. siguro kung lahat ng establishment ay hindi tatanggap ng perang kagaya niyan ay mababawasan o baka matigil na ang pang bababoy sa salapi ng bayan. perang pinagpawisan mo ay hindi dapat binababoy.

  5. tsk tsk…kahit n nag hihirap ang atin bansa.bakit ba nagagawa nilang babuyin at dumihan ang isang papel na may malaking halaga sa ating araw araw na gastusin?pero kung tayo namay mawawalan o nawalan ng ganitong halaga e iniiyakan na natin?

Leave a Reply

Your email address will not be published.