Payo ni Dok sa mga taong hirap sa paghinga, agad magpa-check up

Bago tamaan ng pulmonary edema at atake sa puso ang komedyanteng si Chokoleit ay nakita itong hirap sa paghinga sa kanyang huling performance sa Abra.

Sa mga nakararanas ng hirap sa paghinga o irregular na heartbeat at pananakit ng dibdib, tainga, leeg at high blood pressure,  tiyakin na ito’y dapat agad pagtuunan ng pansin at magpakonsulta agad, ayon kay physician Deborah Ona, Secretary of the Philippine Society of Hypertension.

Ayon sa ulat ng PhilStar, sinabi ni Ona na ang mga binanggit na sintomas ay senyales ng  hypertension, at inilarawan din niya ito bilang “walking time bomb.”

“Hypertension or higblood pressure is a walking time bomb because most of the patients don’t really have symptoms. Some of them develop symptoms and they are in the emergency room already, they have a stroke o heart attack because they don’t know what their BP is,” ayon kay Dr. Ona.

Public domain

Binigyang-diin ni Ona na may direktang relasyon sa pagitan ng high blood pressure at mortality.

“Ang ibig sabihin nito, the higher your blood pressure is, the higher your risk of dying. And this was proven all over through literature,” ayon kay Ona.

“So any change that leads to improve BP control is likely to get beneficial. So kung linear equation siya, kung bumaba ang BP ninyo, bababa din ang risk n’yo,” dagdag pa nito.

Ipinayo rin ni Ona na gumamit ang mga tao ng blood pressure automated measurement devices para sa mas mainam na blood pressure management.

“The use of automated BP measurement devices has the potential to improve BP management. Because all of us can use it unlike the other mercurial you need a person, dapat dalawa kayo. At saka ‘yung taong ‘yun na kukuha ng BP mo dapat marunong siya. But now there is a potential to improve BP management because anybody can get their blood pressure,” wika pa ni Ona.

Ilan sa mga precision instruments ang Omron Blood Pressure HEM-7120, ang portable home BP monitor  na may features na  may kakayahang makita ang irregular heartbeat at recorder ng previous measurements. Ang monitor ay magwo-work sa oscillometric principle upang masukat ang blood pressure at pulse rate.

Ingatan ang kalusugan.