Pasko sa Gitnang Silangan

Pasko sa Pila, Laguna

Ako ay nahikayat ni Iceburn na magsulat sa pamamagitan ng kanyang blog na, ” Magbabasa ka na lamang ba?” Simula nang mabasa ko ang blog na ito ay napaisip akong bigla. Bakit nga naman ako makukuntento sa pagbabasa kung kaya ko namang magsulat? At eto na, Iceburn, ang kauna-unahan kong likha. Thank you! You bring out the best in me as a writer. hehehehe

December na pala, parang kailan lang nang umalis ako sa aming bayan upang makipagsapalaran dito sa Gitnang Silangan. At sa mga susunod naaraw ay ipagdiriwang ko na ang Pasko na walang Simbang Gabi at Puto Bumbong. Pasko na walang mga batang nag-aawitan ng mga pamaskong kanta kapalit ang konting halaga. Pasko na walang mga ilaw na nag-iindakan sa saliw ng pamaskong musika. At higit sa lahat, Pasko na wala sa piling ng aking pamilya.

Paano nga ba ginugunita o ipinagdiriwang ang Pasko sa isang bansa na walang Pasko?

Image via YouTube

Sa bansa na ang tanging mga Kristyano ay mga dayuhan? Ngunit tayong mga Pilipino ay hindi mapipigilan para ipagdiwang ito. At sa aking pagtatanong ukol dito ay may ilang tumatak sa isip ko tungkol dito.

Sapagkat hindi uso ang Christmas Vacation dito, sa mismong araw ng Pasko ay may trabaho. Ngunit kahit may pasok sa trabaho kinabukasan, ang ating mga kababayan ay mulat na mulat at masiglang nag-aabang sa orasan upang magbatian sa pagsapit ng alas dose impunto sa gabi ng Disyembre 24. Batian dito, batian doon, beso-beso dito, besos-beso doon; halos walang kapaguran at hindi alintana ang maagang gising kinabukasan.

Hindi rin patok dito ang mga paputok at lusis na made in China o kaya’y made in Bocaue, Bulacan, ngunit kahit wala nito ay carry lang, sapat na ang mga pagkaing pagsasaluhan para sa Noche Buena minus the Lechong Baboy dahil bawal ito dito. 🙂 hehehe

At dahil bawal lumabas nang hindi naka-abaya ang mga kababaihan dito, hindi pa rin papatalbog ang ating mga binibini sa pagandahan ng kasuotan at minsan ay may tema pa ang kanilang kasiyahan. Bumibili talaga sila ng magagarang kasuotan kahit sa accommodation lang ang kanilang venue. 🙂 Picture dito, picture doon, wacky pose dito, sexy pose doon, sabay  post sa Facebook. hahaha

Ilan lang ‘yan sa mga simpleng paraan ng ating mga kababayan upang mabawasan man lang ang pangungulilang kanilang nararamdaman tuwing sasapit ang kapaskuhan. Pangungulila sa nobyo/nobya, sa asawa’t anak at higit sa lahat sa magulang na naiwan sa Pinas.

Image credit: joseph.goshenlandcapital

Pagkatapos kong pagmuni-munihan ang lahat ng ‘yan ay masasabi kong, iba pa rin talaga ang Pasko sa Pinas.

Sabi nga sa kanta ni Yeng Constantino, “Ang kaligayahan nati’y walang kupas. Di alintana kung walang pera, basta’t tayo’y magkakasama ibang iba talaga ang Pasko sa Pinas.”

Tara, kumanta na lang muna tayo:

About blackswan

Isa lang akong silent reader at wala talaga akong balak magsulat ngunit dahil sa blog ni Iceburn ako'y nahikayat. Thanks to you! and More Power!!!