Para Sa ‘Yo (Day 1)

June 26, 2018

Sa totoo lang? Hindi ako proud na aminin to at nakakahiya, pero, araw-araw akong late na pumapasok sa trabaho. Sa anong dahilan? Hindi ko rin alam.

Pero, hindi ngayong araw. Maaga kasi akong gumising at nag-asikaso para pumasok. Sinuot ko ‘yung paborito kong damit at inayos nang maigi ang sarili. At kumaripas na ko palabas ng bahay.  Ayokong ma-late. Nanghihinayang kasi ako sa madadagdag na oras na puwede ko siyang makita kung hindi ako male-late sa pagpasok. Excited ako, dahil alam kong makikita ko siya pagdating ko.

Inikot ko na agad ang buong opisina pagdating ko para hanapin siya. Punta doon, punta dito. Iginala ko na ‘yung paningin ko, pero hindi ko man lang siya nakita. Naisip kong baka napaaga lang ako ng dating at baka maya-maya rin ay makita ko na lang siya. Kaya umupo muna ko sa post ko, para makapag-set up na rin at makapag-ayos ng gamit.

Then…

Thirty minutes na ‘yung nakalipas, tumayo ako para kumuha ng kape at siyempre para makita na rin siya. Tinignan ko ang post niya sa pag-aakalang nandun na siya, pero bigo ako, wala pa rin siya. Unti-unting nawala ‘yung excitement na nararamdaman ko at napalitan ng konting lungkot. At inisip ko na lang ulit na medyo maaga pa naman at baka na-traffic lang siya.

coffee photo

Muli akong umupo sa post ko dala ang kapeng kinuha ko, umaasang maya-maya’y masisilayan ko rin ‘yung ngiti niya.

Isang oras na ang nakalipas, ubos na rin ang kape ko, pero pagtingin ko, wala pa rin siya. Siguro nga, hindi siya darating, siguro nga’y wala siya.

Kung ano mang dahilan bakit wala siya ngayon, sana okay lang siya. At sana bukas. pagdating ko, nandito na ulit ‘yung nagpapangiti sa araw ko.

Salamat sa ‘yo at naging dahilan ka bakit mas napabuti mo ako ngayong araw kahit pisikal kang wala dito malapit sa ‘kin…

Dito nagsimula ^_^  – https://definitelyfilipino.com/blog/para-sa-iyo/

About red

"Hindi lahat ng nararamdaman mo ay totoo ".