Para sa mga Nilalait at Nanlalait

http://www.healthyplace.com/blogs/buildingselfesteem/2013/04/are-you-settling/
http://www.healthyplace.com/blogs/buildingselfesteem/2013/04/are-you-settling/
 Naranasan mo na bang pagtawanan ng ibang tao kasi mataba ka? Naranasan mo na bang pandirihan kasi taghiyawatin ka at akala nila ay mahahawa sila? (Photo Credit: healthyplace.com)

Bumababa ba ang confidence level mo kasi hindi ka masasabing maganda, maputi, matangkad?

Halos buong buhay ko naranasan iyan!

Sa amin ngang magbabarkada sa HS, ako lang ang walang BF or wala man lang nanliligaw sa akin dahil hindi ako kagandahan.

Noong college ako, natuto akong makipag-textmate dahil walang pumapansin sa akin sa personal. Bumaba ang self confidence ko at maraming beses na rin akong nagpakatanga dahil yung ka-textmate ko, madalas humingi sa akin ng 115 load.

Ako naman, nagbibigay kasi akala ko, mai-in love sa akin hahaha. Pero pagkatapos ko padalhan, isa o dalawang beses lang ako itext.. Yun pala, marami kaming GF niya hahaha..

Marami pa akong katangahan sa buhay dahil naniniwala ako noon na mga magaganda at guwapo lang ang may karapatan na magka-forever. Hanggang sa napapansin ko na ang mga mahihilig palang manlait, sila iyong may insecurities sa katawan.

Natuto akong huwag pansinin ang mga nanlalait kasi mas lalo silang tuwang-tuwa kapag binibiggyan sila ng atensiyon.

Hindi ko pinangarap noon na magkaroon ng guwapong BF dahil may nanlait na naman sa akin hehehe. Nang buksan ko ang profile ni ate, masyadong daring ang kanyang mga suot. Siya pala itong naghahanap din ng foreigner at kahit maghubad na siya, wala pa rin siyang nahahanap.

Kaya napagtanto ko, ang mga taong nanlalait, hindi sila masaya sa buhay nila. Ang mga taong binababa ka, gusto nilang maging miserable rin ang buhay mo katulad ng buhay nila. Ang mga taong pinagtatawanan ka, sila iyong mga taong hindi umuunlad ang buhay dahil walang ginawa kundi bantayan ang pagkakamali ng iba.

Kaya kung nilalait at pinagtatawanan ka, hayaan mo sila. Ipagpatuloy mo ang buhay mo at huwag mo silang pakikinggan. Hangga’t nabubuhay ka, hindi mawawala ang mga negatibo sa paligid kaya dapat matuto kang i-ignore sila.

Kapag pinansin mo sila, ikaw rin ang kawawa. Ang mga nanlalait na iyan sa buhay mo, hindi ka matutulungan sa oras na kailangan mo ng tulong. Hindi sila ang magpapakain sa pamilya mo kapag nagutom kayo. Pero pasalamatan mo sila dahil makatutulong sila upang maging mas matatag ka sa buhay.

At sa mga nanlalait, alam namin na malungkot ang buhay ninyo. Kaya kung panlalait ang magpapasaya sa iyo,  sige #laitpamore!

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.