Para Sa Mga Mayayabang Na Pulitiko

what-makes-a-politician-corruptBago ang lahat, nais kong ipabatid na ang liham na ito ay ginawa ko hindi lamang para sa mga mayayabang na politiko. Para na rin ito sa maaaring makabasa na nagbabalak o nangangarap na maging politician balang araw.

Sa totoo lang sawa na ako sa mga politiko na mayayabang.

Bakit kaya ang yayabang n’yo? Dahil ba kayo ay nasa pwesto at tinatamasa n’yo ang mga pribilehiyo kagaya na lamang sa pagkakaroon n’yo ng magagarang sasakyan with matching convoy and bodyguard pa? Samantalang pera naman ng taong bayan ang ginagamit upang matamasa ninyo ang karangyaan na yan.

Ang mga politikong nagyayabang na akala mo kung sino. Baka nakakalimutan n’yo na ang taong bayan ang naghalal sa inyo. Kung hindi dahil sa mga botante na nagpakahirap na pumila at namuhunan ng pagod maiboto lang kayo wala sana kayo sa pwesto. Huwag ninyo kaming daanin sa pagsusuot n’yo ng kurbata. Hindi porke’t magara ang suot n’yo ay titingalain na kayo.

Hindi kayo artista, pero ang iba sa inyo ay pasikat pero hindi magawang magpakitang gilas. Parang aso lang na tahol nang tahol .

Ang hirap kasi sa inyo kapag nasa pwesto na kayo nagyayabang na kayo. Gusto n’yo pa kaming mga lehitimong tao at maralita ang titingala sa inyo. Teka,mukhang hindi naman yata tama yon. Kayo ang may utang na loob sa amin dahil sinuyo-suyo n’yo kami niligaw-ligawan at pinangakuan upang iboto kayo. Tapos ano? Kapag nailuklok na kayo sa pwesto imbis na kayo ang mag pakumbaba kami pa itong habang buhay na tumitingala.

Kadalasan pa sa mga mayayabang na politiko ay inaatake ng amnesia pagkatapos ng eleksyon, nakakalimutan na ang mga ipinangako. Kapag nailuklok na sa pwesto imbis na ipamahagi ang nararapat sa taong bayan sa kasamaang palad malalaman na lang namin ay ibinulsa na pala. Ang mga ibinubulsa ng mga mayayabang na politiko na galing sa kaban ng bayan, ay ang pera na dapat napupunta sa mga mahihirap na nangangailangan ng tulong ay nauuwi lang sa mga bank account n’yo.

Kasing kapal ng mukha ninyo ang kapal ng laman ng wallet n’yo.

Mabuti pa kayong mga mayayabang naglalakihan ang bahay may mga hacienda tapos itong mga kababayan n’yo na pinangakuaan ay dinadaan daanan n’yo na lang ng mga Montero at Fortuner n’yo.

Kapag nagkataon pa na haharang harang ako sa daan magugulat na lang ako sa lakas ng wangwang ng sasakyan n’yo. Bakit kayo ba ang may-ari ng kalsada?

Paano n’yo nalalasap ang mga masasarap na steak gamit ang mamahaling kubyertos gayon ang mga kababayan n’yo na bomoto sa inyo ay nagsasalo lamang sa kakarampot na ulam na asin at NFA Rice ng naka kamay.

Ang mga mayayabang kapag dumalo sa kahit ano mang okasyon gaya ng pyesta Honorable Mention pa ang tawag sa inyo gayong mga tumolong sa inyo na mailuklok kayo sa pwesto karamihan sa ami’y mga pobre,mal educado at tambay parin.

Hindi ko kayo nilalahat mga politiko ,hindi ko sinasabi na lahat kayo ay mayayabang. Hindi ko sinasabing lahat kayo magnanakaw. Pero sana bago kayo makipag tagisan ng galing sa mga debate at englisan sa senado gawin n’yo mk muna ng maayos ang trabaho n’yo.

Gawan n’yo ng paraan ang kahirapan, ibaba ang presyo ng mga bilihin. Lakihan ang sahod ng mga trabahador at magbigay ng libreng edukasyon samahan n’yo narin ng malaking allowance dahil mahirap pagkasyahin ang kakarampot na baon sa isang linggo.
Lakihan ang sahod ng mga guro,mga sundalo na nag bubuwis ng buhay.Pati mga nurse lalo na yong nurse na nagta-ttrabaho sa mga government hospital. Upang mabawasan ang kasungitan nila ilang beses na akong sinungitan dati kasi kulang daw sila sa tulog nag sadakripisyo tapos maliit pa ang sahod. (Hahaha)

Natawa ako pero totoo yan ,lakihan n’yo ang sahod ng lahat ng mga trabahador siguradong mababawasan ang mga kutong sa kalsada. Ilang beses na kami nahuli at nahihintay ng padulas .

Ang mga ibinubulsa n’yo ilaan nyo na lang yan sa mga nangangailangan.

Tutal milyones naman pala ang mga naipabalitang ikinamkam ng mga corrupt na politiko . Bakit hindi natin gawan ng paraan upang mabawi ang mga ibinulsa nila at ilaan sa proyekto na ikagagaan ng buhay ng mga kababayan nating bumoboto sa inyo.

Palagi na lang kayo ang hayahay ang buhay pagkatapos ng eleksyon ang mga bomoto sa inyo ay parating bigo.

Nagsisisi at nagsasabi na “SANA HINDI KO NA LANG BINOTO SI GANITO, SI GANYAN.”

Kaya para sa mayayabang na politiko diyan at sa mga may balak pasukin ang mundo ng politiko, huwag na kayong magyabang kapag nasa pwesto kayo dahil hindi ako mag-aaksaya ng tinta ng ballpen maisulat lang ang pangalan n’yo.

” TUMAKBO KAYO UPANG MAGLINGKOD SA BAYAN HINDI PARA MAGYABANG AT DURO DURUIN ANG KABABAYAN!!”

“BATO, BATO SA LANGIT, ANG MATAMAAN HINDI NAKAILAG!!!

About mjsweetiecarreon

My writings are filled with angst. Deep emotions and a wild imagination are a source of creativity. It is powerful and consuming. I like to entertain people through my stories. Life is one colorful rollercoaster ride . http://www.facebook.com/maryjoy.carreon.9