Para Sa ‘Yo

Photo by hernanpba

Hindi na ko mag-iisip pa ng magandang pamagat. Gusto ko, parang ikaw lang, simple.

Matagal na kitang nakikita sa opisina. Kahit dati pa. Pero hindi naman kita masyadong napapansin. Wala lang, kahit ilang beses ka pa dumaan malapit sa ‘kin.

Hanggang isang araw, isang mahiwagang araw, habang nakatayo ako at nakita kitang naglalakad, napatingin ako sa ‘yo. At nakita ko ‘yung maganda mong mata na nakatingin sa akin.

Gusto ko na sanang alisin ang tingin ko nun sa ‘yo, pero kahit anong gawin ko nung time na ‘yun, para nang nakapako ang mga mata ko sa mga mata mo. Nakakatawang isipin, hindi naman ako naniniwala sa kasabihang “mararamdaman mong bumabagal ang oras kapag nakita mo na yung taong mamahalin mo, lahat parang magical..” but at that time, nung nakatingin tayo sa isa’t isa… lahat, parang naka-slow motion at wala akong ibang nakita kundi ikaw lang.

At ‘yung pakiramdam ko nang mga oras na yun? Unexplainable. Parang “I am completely happy”. Pero nawala rin bigla lahat ng magical event na ‘yun, nung nakalampas ka na at nakatalikod na sa ‘kin habang papalayong naglalakad.

And, simula nun. hindi ka na nawala sa isip ko. Nakakatawang isipin pero, ganun na nga. Every day na kita hinahanap-hanap. Pagdating ko pa lang sa opisina, gusto ko na kaagad makita ang mukha mo. Gusto kong masaksihan bawat ngiti mo. Kahit hindi man ako maging parte ng bawat araw mo, at some point, gusto ko maging parte ka ng buhay ko.

a smile photo
Photo by benjaminasmith

Gusto ko sanang magkakilala tayo nang personal, I mean, malaman ang pangalan mo, edad mo, paborito mong kulay, kaya lang malabo, kung ang department mo pa nga lang sa opisina hindi ko na alam. Iniisip ko ring gumawa ng moves para makilala ka, kaso, parang creepy naman ‘yun, ‘di ba. Kaya naman, iaasa ko na lang sa TADHANA kung pagbibigyan niya kong makilala ka, at kung sakaling oo… walang sawa akong magpapasalamat.

Kaya naman, habang hindi pa dumarating ang araw na ‘yun, kung darating man… May iba pa kong paraan para maging parte ka ng bawat araw ko. Alam mo kung ano? Hindi man ako marunong, pero susubukan kong magsulat araw-araw ng tungkol sa iyo. Kung paano kita nakita, saan, at kailan. Kung ilang beses ka ngumiti at ilang beses kang muntik nang makatulog habang nasa trabaho. At least ‘yung mga ganung maliliit na detalye tungkol sa ‘yo, ako lang ang meron nun…

Bukas magsusulat ako ng tungkol sa iyo. Tungkol sa ‘tin. Simula bukas, magiging parte ka na ng bawat araw ng buhay ko.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.