Para sa 20 million supporters daw ni Bong Panes…

Photo Credit: UNTV

Kung kasali ka sa mahigit na 20 milyon na bumoto, sumusuporta at patuloy daw na nagmamahal sa isang dakilang senador, aba’y dapat mong ikatuwa at ipagkakandirit ang videoke, este, ang privilege speech niya noong Lunes dahil lovingly dedicated pala sa iyo ‘yun.

Di ba ang sweet talaga ni Pogi sa mga fans niya?

Basta sigurado ako hindi ako kasali dun sa mga nauto niya noong nakaraang 2007 eleksyon. Sa katunayan wala akong inihalal na senador dahil, unang-una, wala akong mapili. Pangalawa, dismayado na ako sa institusyon ng senado na unti-unting pinamamahayan ng mga komedyante, action star at mga laos na politiko, na sa kasamaang-palad naman ay patuloy na iniluluklok ng mga bobong patuloy na bumoboto sa kanila.

Pero hindi naman ang buong senado ang puntirya ko dito, kundi isang senador lang talaga. Itago na lang natin siya sa pangalang Bong Panes para hindi naman masyadong obvious.

Nito lamang ay humingi siya ng paumanhin sa netizens, pero hindi ako sigurado kung dahil ba sa makabasag-damdaming talumpati niya o sa makabasag-platong tono ng pagkanta niya ng ‘Salamat Kaibigan’.

Sabi niya sorry daw sa mga social media people na hindi marunong mag-appreciate ng isang tunay na boses. In the first place, hindi naman daw para sa mga neitizens talaga iyon kundi para sa 20 milyong fans niya na bumoto, sumusuporta, nagmamahal at pumipila sa takilya ng kanyang mga pelikula.

Eh ‘yun naman pala. Buti nilinaw ni Bong Panes na hindi ako kasali dun. Pero sana sinabi niya beforehand na para lang pala iyon sa 20 milyong mamamayan ng Pilipinas. Hindi na sana ako nag-aksayang makinig ng kanyang talumpati.

Sana, dahil artista naman siya, gumawa muna siya ng trailer ng speech niya kahit 2 minutes lang for sneak peak at ipinalabas niya sa GMA para malaman kung anong genre ba at aling audience ang tinatarget niya.

O kaya nagpalabas siya ng advisory na para lang sa fans niya talaga ‘yung speech niya at hindi sa buong sambayanang Pilipino, ‘di ba?

Naisahan mo na naman kami, Bong Panes! Kung may tiket lang yung panonood ko sa speech mo, talagang isasauli ko ‘yun at hihingi ako ng refund, in your face!

Pero ‘andiyan na ‘yan, nadaya mo na naman kami dahil, kahit paano, may inaabangan ako sa talumpati mo. ‘Yung sinasabi mong sarili mong listahan, hindi ‘yung videoke ha, susmaryosep!

Nadenggoy mo ulit kami dahil ang ipinangako mong ‘list’ kuno, ay para lang palang listahan ng debutanteng dalaga na katatapos lang mag-cotillon de honor, umaapaw sa tenkyu at pamamaalam.

Sa kabilang banda, nagpapasalamat ako dahil sa inamin mo na para sa 20 milyong fans mo lang talaga ‘yung speech mo. At least hindi na ako mahihiya para sa bansang Pilipinas na may isang senador na katulad mo dahil hindi naman kita binoto.

At least, makulong ka man ay hindi ako kasali dun sa 20 milyong Pilipino na malulungkot at iiyak para sa ’yo. Hindi rin ako kasali dun sa 20 milyong Pilipino na dadalaw sa ’yo sa bilibid. At lalong hindi rin ako kasama dun sa 20 milyong Pilipinong manghihinayang sa pagkawala mo sa Senado.

At para malinaw ang usapan, ako ay kasali dun sa 99.93% na netizens na umusok ang bumbunan dahil sa talumpati mo. Kasali din ako dun sa mga Pilipinong sukang-suka na sa inyo at nangangati nang makitang naghihimas kayo ng rehas na bakal. At higit sa lahat, kasali ako dun sa mga Pilipinong ninakawan mo ng milyon-milyon perang pinaghirapan namin para ibuwis sa gobyerno!

‘Yung 20 milyong supporters mo ‘ika mo? Iyong-iyo na, isaksak mo sa teteng mo!

Author: necessary_evil of the DFBI Family

3 Comments

  1. cap amazing stories yun na ba kau.. nasa seante lng kinuha yung palabas para mas maganda at daming manuod, ratings din kasi yun eh..:)

  2. 99.94% dahil kasali din ako sa mga nasuklam, nandiri, at ikinahiya pansamantala ang pagiging filipino sa pagkakaroon ng isang senado na may may isang senador na katulad ni bong panes na bulok sa drama na sa pagatatlumapati ay isang segundong akala mo iiyak tas mayamaya tatawa….

Leave a Reply

Your email address will not be published.