Para kay Mr. M

broken-heart-1
(Photo Credit: spireliten.blogg.no44)

Habang abala ka sa trabaho mo, lalo akong napapalapit sa kanya.

Habang hindi mo ako napapansin, lalo akong nahuhulog sa kanya.

Masakit maramdaman at isipin na iba ‘yung nagpaparamdam sa ‘kin ng mga bagay na ikaw dapat ang gumagawa at nagpaparamdam sa ‘kin.

Tanga ba ako dahil ikaw ang pinili ko, pero siya ‘yung gumagawa ng mga bagay na nakapagpapasaya sa ‘kin?

Sinabi ko minsan, hawakan mo naman ang kamay ko, pero ang sabi mo, ang arte ko naman. Hindi naman ako nagpapahawak ng kamay para lang mag-inarte. Gusto kong hawakan mo ‘yung kamay ko, kasi gusto kong maramdaman kita.

Habang lumilipas ang panahon, unti-unti na akong nasasanay nang wala ka, na malayo ka.

Nasasaktan akong isipin na ikaw ‘yung pinili ko, pero iba ‘yung nagpaparamdam sa ‘kin ng halaga ko.

Oo, alam kong punong-abala ka sa trabaho mo, na halos wala ka nang itulog dahil sa trabaho mo, na kailangan mo ring magpahinga, pero sana naman minsan ay naisip mo na kailangan din kita.

Sorry naman kung hindi ako “perfect” na kaya kang intindihin sa lahat ng bagay. Sorry din minsan kung “selfish” ako, na gusto ko ako lang, na gusto ko huwag kang nag-e-FB pag magkasama tayo, na gusto kong hawakan mo ang mga kamay ko, na gusto ko ako ‘yung  una mong ite-text pagkagsing mo.

Sorry sa kadramahang ito.

About Emiyusa

Looking for the meaning of life.