Para Kay Crush

(Photo Credit : Sparknotes)

(Photo Credit : Sparknotes)

FIRST OPENING PART

Kung tatanungin mo ako kung bakit kita gusto? Di ko rin alam, PASENSYA na.

Nangyari na lamang nang biglaan at hindi sinsadya, parang DISGRASYA.

Sa sobrang lakas ng dating mo, palapit ka pa lang ay bumibilis na ang tibok ng puso ko, TACHYCARDIA.

Ang hirap kasing humanap ng babaeng tulad mo sa panahon ngayon, parang PERA.

SECOND OPENING PART

Nasa iyo na lahat ng hinahanap ko, hindi na kailangan ng Yahoo at GOOGLE

Ayos lang sa akin kahit ikaw lang ang friend ko sa FB, at follower sa TWITTER

Kamukha mo si Paraluman at ang galingx2 mong sumayaw, you got the moves like JAGGER :))

Nung una skeptic ako sa love at first sight, but now I’m a BELIEVER.

“UM” PART

Yung feelings ko sa ‘yo ay higit na matamis pa sa 1,000 Mc Sundae, at 500 na Selecta MAGNUM.

Kapag iniwan mo ako, magmamataktol ako na parang batang iniwan ng nanay niya, temper TANTRUMS.

Miss, pa-picture naman; dali, nang madevelop na tayo, at malagay na sa ALBUM.

Yung level ng ganda mo defies the law of reality and Physics; hindi kayang sukatin ng QUANTUM.

OPM SONGS PART

Handa akong mang-HARANA gamit ang GITARA kasi alam ko ang iyong tunay na HALAGA.

Kasi kahit hindi Ikaw si NARDA, as long as hindi ka CHIXILOG handa akong magpaka-MARTYR NYEBERA.

Kasi para kang pulutan at ako yung BEER, Kaya AKIN KA NA LANG, kasi bagay tayong LOVE TEAM.

Dahil kahit UMAARAW at UMUULAN, YOU’LL BE SAFE HERE, kasi ako ang iyong LIWANAG SA DILIM.

FOREIGN SONGS PART

Ayaw ko nang mag-ROLLING IN THE DEEP at maghanap ng SOMEONE LIKE YOU, kasi masyado nang MAINSTREAM.

Dahil I always catch myself THINKING OF YOU , ikaw kasi ang aking TEENAGE DREAM.

Nagsimula lang sa CRUSH CRUSH, hanggang sa I CAUGHT MYSELF falling for you, this is an EMERGENCY.

Kahit wala tayong LOVESTORY at walang matatawag na OUR SONG, I still believe that YOU BELONG WITH ME.

NEAR ENDING PART

Ang pag-ibig ko sa iyo’y malaking palaisipan, at mahirap na PUZZLE.

Kasi taken ka na at hindi ka single, you’re not ready to MINGLE.

Pero, ok lang kasi lumilipas din lahat ng bagay, nothing lasts FOREVER.

Baka oras nang iwanan mo siya at maging tayo, pakitingnan yung TIMER.

NEARER ENDING PART

Sana tayo na lang noh? Kaso hindi araw-araw ay Pasko, at hindi buwan-buwan ay DECEMBER.

Pero kapag naging tayo, mapapalundag at sigaw ako sa tuwa; jump, jump, BROTHER!

Magmula nung araw na nakilala kita ay nagbago na ‘yung mundo ko, everything is BETTER.

Pero kung masaya ka na sa kanya ngaypn, hahayaan ko na lang kayo TOGETHER.

ENDING PART

Hindi talaga kita maalis sa puso’t isip ko, parang ginamitan ng rugby at super GLUE.

Lakas ng tama ko sa ‘yo, daig pa ang pinagsamang sipa ng Red Horse at SHABU.

Alam mo, I can spell happiness and forever, gamit lang ang letrang I at U.

Walang bola dito simula sa first word hanggang last; lahat ng ito ay TRUE!  ^_^

About rondavid00