Pangako sayo !

Puputi, kikinis ang balat, papayat, tatangkad, tatalino, gaganda ang daloy ng dugo, lilinaw ang paningin at kung anu-ano pang kalokohan ang ipapangako para bumili ka ng kanilang produkto. Sa kanilang mga ads sa tv o billboard nakasulat ang ” No therapeutics claims ”  na ang ibig sabihin sa tagalog ay walang kasiguraduhang mabisa ang produkto o epektibo ba talaga ito kapag ininom /ginamit mo ito.  Mautak din ang mga may-ari ng produkto, sa halip nga naman ilagay nila na “Walang kasiguraduhang epektibo ang produkto na ito” ilalagay nila sa mismong kahon ay ” No therapeutics claims ” syempre hindi lahat ng Pilipino marunong sa salitang Ingles.

Lumalabas na rin ang mga ice tea, powder juice at iba-ibang pang inumin na nagsasabing nakakapayat ito. Kailangan mo daw mag dyeta, ehersisyo at uminom ng kanilang produkto para sa mas magandang resulta. Hindi ba parang tinatarantado ka na lang nila? Papayat ka naman talaga, hindi dahil sa kanilang produkto dahil ito sa iyong pag dye-dyeta na kahit hinang-hina at hilong-hilo kana sa gutom.  Ang pag gawa ng iba’t ibang klaseng ehersisyo at papagod sa sarili. sinong hindi papayat nun?
Chin-chan-su, maxi-peel, eskinol ito ay ilan lang sa mga pang-paputi. Marami-rami narin anga kakilala kong gumagamit nito.maganda naman ang kinalabasan. pumuti muka nila pero maitim ang katawan, daig pa ang sumali sa hipan-harina-kuha-piso tuwing piyesta, at ang kagandahan dito ang maging multong bakla, halos 2 linggo siyang  hindi lumalabas, para daw sa magandang epekto nito. Tinuro rin nila saken ang proseso, maghihilamos ka gamit ang maxi-peel pagkatapos mag pupunas ka ng eskinol, at ang huli hayaang nakababad sa muka ang chin-chan-sung pinahid. Lumipas na ang araw, daig pa nya ang may na aagnas na muka, nagbabalat na kasi dahil sa maxi-peel umeepek na daw, woah!  Pero meron ng isang mabisa at walang kapagod-pagod, gumamit ka ng glutatayon !
Siguro matuto tayong makuntento kung ano ang binigay sa atin ng diyos. Marami na rin ang napapahamak sa kaka-asam nating mabago ang ating buong katawan. Mababago mo ang iyong pagkatao hindi ang pag-uugali mo. Pero ang pinaka mabisa at walang ka-hirap-hirap at nakakasigurado akong ikaw makakamtan mo ang inaasam-asam mong katawan at kutis sa tulong ng potosyap 🙂

 

10 Comments

  1. Buttom line lang ng mga produktong yan ay commercialismo…..kung ikaw ay nag papauto at merong kang perang ipauuto…..ikaw ang loser!
    Kaya maging wise itabi ang pera at mag pasalamat sa Buong maykapal dahil hindi ikaw ang pinaka grabeng me kulang sa kagandahan….mag pasalamat na ikaw ay perpekto na bigay ng DIyos….

  2. Guys sino want mag part time/fulltime? 450 a day or 600 a day included taxes, benefits (SSS, GSIS, PAG-IBIG). PM me for info. Lahat ng tanong niyo sasagutin ko basta connect dun sa work. Manila area only. Thanks!

    • Hi sir still looking for employee? Active pa bo ba thread na ito? Kindly text me sir 09185530105 im so much interested sa job u offer. Thank you

  3. yes,,lumabas din yan sa wakas,,,sa mga call center napakarami napakulit pa para lang makabenta,,how come na tatangkad ang isang tao kung ang pinanggalingan ay di naman matatangkad,pwera nalang kung gagastos ng malaki,,,pampaputi kahit cno gustong pumuti ang balat,,kaya ung iba magbabakasakali na pumuti kaya napapabili,,un pala di naman tunay na gamot ang laman ng capsule kondi FLOUR,,,hay naku,,,,,

Leave a Reply

Your email address will not be published.