Panayam Kay Noel Palomo ng SIAKOL Tungkol sa Dekada NoBenta

NOEL PALOMO
Gawing langit ang mundo.

Kapag ang isang tao ay tinamaan ni Mr. Kupido, may mga bagay na ginagawa nang hindi namamalayan.

Kahit na sandamakmak na mga punks, satanista, at alternatibong banda ang aking hilig ay naisingit ko pa ring pakinggan ng patago ang mga pamatay na kanta ng Air Supply at Bread nang ako ay makaramdam ng kakaibang pagtibok ng aking puso noong Nineteen Kopong Kopong. Kasama yata ito sa gintong aral na ibinahagi sa atin ni Donna Cruz – wala kang magagawa kundi sundin ito. Kapag may nagbibigay sa’yo ng matinding palpitation ay kailangan mo ng malufet na senti songs na pampakalma. Kailangan mo ng cheesy-ness at kabaduyan sa katawan dahil ‘yun ang katotohanan. Umamin ka, ginawa mo rin ito.

Nag-iba ang pananaw ko sa mga kilig to the bones songs ng mga inlababo nang marinig ko ang “Lakas-Tama” ng grupong SIAKOL sa LA105.9. Hindi naman pala kailangan ng mga katulad ni Jose Mari Chan upang may maialay na kanta sa isang dilag (lalo na kung ikaw ay isang 90’s rocker). Puwede rin naman palang maging maingay.

Hebigat ang pagkakayari ng unang kantang nagpakilala sa orihinal na grupo nila Noel Palomo (vocals), Miniong Cervantes (guitars), Wowie Flores (bass), at Oyie Bunao (drums). Ismarte ang pagkakasulat ng liriko na animo’y matagal mo nang narinig at napakadaling sakyan; mahusay at talagang nakakalula ang ad lib ng gitara; at nakakayanig ang mga palo ng tambol. Hindi na ako nagulat nang malaman kong mula underground radio ay ipinatugtog at inangkin din nito ang weekly charts ng NU107.5 at iba pang istasyon ng radyo.

Masyado nang magulo ang mundo, ano kaya ang magagawa natin para makatulong?

Ito ang katanungang nag-udyok kina Noel at Wowie noong 1994 upang gumawa ng mga awiting may positibong mensahe para sa sambayanan. Ang pangarap na marinig ay mas lalong nabigyan ng katuparan nang sila ay kupkupin ng Alpha Recording Company upang maging recording artists.

Ang kanilang debut album na “Tayo na sa Paraiso” ay lumabas noong 1996. Tulad ng una nilang kanta, maganda ang naging pagtangkilik sa carrier single nitong “Peksman”. Paborito ni bespren Geline ang sumunod na single nitong “Bakit Ba?” na madalas niyang tugtugin sa gitara kapag kami ay nag-iinuman. Ako naman, “Lagim” at “Kanto” ang mga kantang hanggang ngayon ay hindi nabubura sa aking playlist. Gasgas ko nang nabanggit sa iba kong naisulat pero sasabihin ko pa rin: walang itatapon na track dito mula Side A hanggang Side B.

Umani ng mga pagkilala at parangal ang grupo mula sa iba’t ibang award-giving bodies – isang indikasyon na ang Siakol ay hindi isang “flavor of the month” na panandalian lamang. Kapag ang mga kanta ng isang banda ay madalas marinig sa mga nomnom sessions at mga bumibirit sa videoke, isa lang ang ibig sabihin. At kung maipalabas sa “Magpakailanman” ni Mel Tiangco ang inyong pinagmulan, eh walang kaduda-dudang hindi kayo pipitsugin…

CLICK HERE TO CONTINUE READING “SAMPU’T SARI: NOEL PALOMO NG SIAKOL”

 

JAYSON BUBAY QUITIQUIT is a 33-year old civil engineer currently working in Chaozhou, China. He is a frustrated blogger and former guitarist of an unknown band called Demo From Mars. He maintains several blogs namely NoBenta, Noong Ako ay Bata Pa…, The Wonder Twins, and Frontispiece 2.0.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.