Panawagan ng Bato, Alagaan Mo Ako(Kidneys)

Photo Credit: WebMed.com
Photo Credit: WebMed.com
Photo Credit: WebMed.com

Noong College ako, taong 2001 ay nakilala ko si Deni (Hindi tunay na pangalan). Maganda siya at may pagka- morena. Hindi kami nabigyan ng pagkakataong maging magkaibigan dahil bukod sa malayo ang aming edad, 17 siya samantalang ako ay 22 years old. Magkaiba pa kami ng kinukuhang kurso, accounting siya samantalang ako ay BTH. Gayunpaman ay magkakilala kami, nagbabatian at nagngingitian kapag nagkita; alam namin na sa isang paaralan lamang kami nag-aaral.

Ang totoo ay hanga ako sa kaniya, sa lahat kasi ng babaeng estudyante sa paaralan ay isa siya sa may pinakamagandang buhok. Itim na itim na hanggang puwitan ang buhok niya noon, hindi ko maiwasang ma-insecure he he. Magaling din siya sa sports, humahataw sa court ng basketball at volleyball”pride” ng Accounting Department.

Two months ago, nabalitaan ko dito na rin sa facebook na siya ay binawian ng buhay. Nabigla ako dahil, isang dalagang maganda, vibrant, full of life, energetic ang naging larawan niya sa akin. Nag- personal message pa ako sa kaniyang kapatid para tanungin ang dahilan. Nasaktan ako nang malaman kong kidney failure pala. Ibig sabihin, dumating ang panahon na hindi na gumana ang kaniyang mga bato na naging dahilan ng kaniyang pagkawala.

Masakit sa aking isipan na nawala siya, nakapanghihinayang; bata pa siya nasa 28 taong gulang lamang. Ngunit, dahil sa pangyayaring ito ay na-realize ko na ganyan ang sakit sa bato walang pinipiling edad. Para sa kaniyang pamilya, nakikiramay ako ng taos.

Ngayon, pag-usapan natin ang ating mga bato. Maraming panahong nagdaan na masyadong na-emphasize ang pag-aalaga sa ating puso, balat, mata pero kaunti lamang ang naririnig kong nagsasabing ingatan ang ating mga bato. Ano ba ang mga bato? Simple, tila iyan mga buto ng beans na nasa ibabang bahagi ng ating katawan(sa puson). Mahalaga sila dahil sila ang sumasala ng dugo na dumadaloy sa ating buong katawan. Kapag sila ay nagkasakit at hindi na gumana o nag-fail, nagiging dahilan ito ng pagiging marumi ng dugo at siyempre nalalason ang ating buong katawan. Ganiyan kahalaga ang kidneys.

Alam n’yo ba na maraming maysakit ngayon sa mga bato? Alam n’yo ba na ang bentahan ng kidney sa black market ay hindi raw bababa sa kalahating milyong piso kada isang bato(Sang-ayon sa source ko). Tandaan bawal ang magbenta ng kidney, idino-donate lang po iyon.

Ok, hindi po ako Doktor, ngunit may mga impormasyon po ako na makatutulong para maalagaan natin ang ating mga bato.

Una, magpa-check-up. Mahal ang magpa- check-up pero mas mahalaga naman ang ating kalusugan dahil kapag napabayaan natin ito ay buhay ang magiging kapalit. Kung puwede nga sana kahit wala kang nararamdaman, magpa-general check-up annually. Heto ang ilang katanungan. May nararamdaman ka bang sakit sa puson? Nahihirapan ka bang umihi? May nararamdaman ka bang sakit sa iyong balakang? Nagka- Urinary Tract Infection ka na ba 0 UTI;madalas ba ? Iyong ihi mo, pansinin ang kulay. Mapula ba, dilaw na dilaw ba, orange; maging mapanuri. Magpunta sa Doktor lalo na at may kakaibang amoy ang iyong ihi.

Pangalawa, of course, live a healthy lifestyle. Ang kidney ay bahagi ng katawan, kapag pinabayaan mo ang katawan mo apektado rin ito. Alalahanin ang NEWSTART(salamat sa proponent nito) Tamang Nutrisyon,Ehersisyo, Water, Sikat ng Araw, Temperance o pagpipigil sa mga bisyong nakasasama, Air o preskong hangin, Rest o pahinga at pangwakas Tiwala sa Diyos.

Pangatlo, Uminom ng maraming tubig, kung maaari kapag mainit ang panahon ay mga labindalawang baso araw-araw.Nakatutulong ito para maging malinis ang panloob na bahagi ng katawan. Pansinin ang inyong ihi kapag marami kayong ininom na tubig, malinaw ito at hindi masyadong madilaw. Ipasuri ang pinanggagalingan ng inyong tubig. Maaari kasi kayong magkasakit kapag marumi at impektado ang source ng inyong tubig na iniinom.

Pang-apat, iwasan ang mga bisyo gaya ng paninigarilyo, pag-inom ng alak, droga at iwasan ang soft drinks(addicting ang soft drinks hindi ba?) Maging tapat sa asawa at avoid premarital sex. Maraming nagka- UTI dahil nakipag sex he he, marahil hindi naghugas.Maaari din kasing makuha ang UTI sa infected partner. Ang UTI o impeksiyon sa daanan ng ihi naman ay maaring maging dahilan ng pagkakasakit sa mga kidneys.

Panglima, huwag na huwag magpigil ng ihi. Umihi ka kapag naiihi ka he he. Noon, ako kahit nasa tabing-daan at naiihi ako, pupunta lang ako sa talahiban at solve na. Basta ba lingon sa magkabilang bahagi ng lugar, kapag walang tao o nakakakita ; ihi na kaysa naman magkasakit.Kung iihi sa public Comfrot Room, huwag iupo ang puwit, umihi ng nakatuwad. Maaari kasing hindi malinis ang mga pampublikong CR.

Magpagamot sa doctor kapag nakaramdam ng pananakit ng puson na may katugon sa balakang. Maaring ang doctor ay magrekomenda ng pagsusuri sa ihi o urinalysis. Madedetermina kung ano ang inyong sakit. Mas maagang malaman, mas maaagapan hindi ba? Kapag niresetahan ka ng antibiotic para gamutin ang impeksiyon; siguraduhing i-take ito sang-ayon sa dosis at kapag sinabing seven days ay talagang pitong araw dapat. May malalakas nang antibiotic ngayon na nangangailangan lamang ng 3 hanggang limang araw.

Ang totoo ay advocate ako ng herbal medicine. Mas maganda ang natural ‘ika nga. Lahat kasi ng gamot pati mga bitamina ay nakaaapekto sa ating mga bato. Kung kayo ay may karamdaman sa bato o kahit UTI, narito ang mabisang gamut. Mag- blend kayo ng carrots, kinchay at celery, inumin ito tatlong beses sa isang araw. Maaari ding maglaga ng dahon ng pandan at banaba. Maari din ang coconut virgin oil. Huwag kalimutan ang kagalingan ng activated charcoal. Research n’yo po sa google ang mga binanggit ko.

Pang-anim, iwasan ang sobrang matatamis at maalat na pagkain. Ang sabi nga ay dapat hindi sobrang dami, gaya ng maalat na daing, mga na-preserbang pagkain. Iwasan na rin ang sobrang mako-kolesterol na pagkain. Iwasan ang mga pagkaing may suka. Ang suka ay tila alak din.Kumain ng maraming prutas at gulay. Mas makabubuti kung hilaw o “raw” ang gulay.

Tandaan, napakamahal ng pagpapagamot sa mga kidneys. Napakamahal din ng dialysis ito ay pamamaraan na kung saan may machine na ginagamit para linisin ang iyong dugo kapag hindi na gumagana ang mga kidney.

Kaya nga prevention is better than cure. Iwasan ang pagkakasakit nito para maging malusog. Maiiwasan ang gastos at mabuhay ng masaya.

Ok, good luck sa iyo. Sana makatulong ito.

Laging alalahanin ang panawagan ng mga Bato(Kidney)”Alagaan mo ako”

About shallom

Simpleng tao,sana magustuhan n'yo at may mapulot kayo sa mga akda ko.Masaya na po ako kapag nakikita ang inyong mga komento. Salamat po.