Pamana Ni Ina, Isang Lihim

Mother and Son (Photo Credit: abcgallery)
Mother and Son (Photo Credit: abcgallery.com)

Ako si Marvin. Bata pa lamang ako nang sumakabilang buhay ang aking mga magulang.

Si Tita Sally, itinuring akong isang tunay na anak.

Nag-iisa lang din siya sa buhay, kaya napagkasunduan ng mag-anak na kay tita Sally ako ipaaaruga. May maliit siyang sari-sari store at doon kami kumukuha ng ikinabubuhay namin sa araw-araw.

Isa lang ang mata ni tita Sally. Naalala ko noong nasa grade school pa lang ako, nagpunta ang tita Sally ko sa school, foundation day namin noon. Nakalimutan niya kasing ibigay ang baon ko kaya siya nagpunta. Napahiya ako sa mga ka-iskuwela ko, inaasar nila ako na iisa lang ang mata ng nanay ko. Tumingin ako nang masama kay tita Sally at dali-daling tumakbo palayo para maiwasan ang pangungutya ng aking mga kamag-aral.

Sa mga sumunod na araw, “Nanay mo, bulag, isa lang mata, hahahaha” . Walang sawang kapulaan ang aking natanggap sa kanila.

Minsan naiisip ko na sana hindi na lang si tita Sally ang nag-aruga sa akin. Sana bigla na lang siyang maglaho, ‘yun bang bigla na lang kakainin ng lupa, oh kaya naman ay sana may dumating na mga alien at ma-abduct na si tita Sally.

Bakit ba kasi tita isa lang ang mata mo? Ikaw lahat ang dahilan kung bakit nila ako laging pinagtatawanan, bakit hindi ka na lang namatay?” Hindi umimik si tita Sally sa mga katagang nasambit ko sa kaniya.

Siguro nasaktan siya sa sinabi ko. Pero ok na rin, dahil nasabi ko sa kanya ang matagal ko nang gutong sabihin. Hindi na ako magtataka kung isang araw ay palayasin ako ni tita. Hindi ko alam kung bakit wala siyang imik, siguro nasanay na rin siya sa paligid na ginagalawan niya.

Isang araw, nakita ko si tita Sally na umiiyak nang tahimik sa sala, dahil siguro sa nasabi ko sa kanya noong isang araw. Siguro para hindi ko siya marinig kaya tahimik lang siya. Minata ko lang siya at dali-dali na akong umalis, may klase pa kasi ako. Hindi ko alam, pero habang naglalakad ako patungo sa school ay nakaramdam ako ng sakit sa aking puso. Naiinis ako dahil umiiyak siya. Nasabi ko sa sarili ko na magsisikap ako at magtatagumapay balang araw. Galit ako sa nanay ko ngayon at sa kahirapang dinaranas namin ngayon.

Iniwan ko ang aking tita Sally nang walang paalam. Nagsikap ako sa aking pag-aaral. Nang ako’y makapagtapos ay nagkaroon ako ng magandang trabaho. Nagpakasal at nabiyayaan ng dalawang anak. Nagtuloy-tuloy ang aking pag-asenso at yumabong ang aking kayamanan.

Isang gabi ay may kumatok sa aming bahay.

Sino po kayo? Ano pong kailangan n’yo, lola.” Alam ko sa sarili ko na siya si tita Sally. Dahil napuna ko kaagad ang kanyang kaliwang mata. Hindi ko malaman ang aking gagawin, dahil may awa akong naramdaman sa aking tita Sally; si tita Sally na nag-aruga sa akin nang mawala ang aking mga magulang.

Natakot ang aking mga anak at tumakbo papunta sa kanilang nanay.

Sino ka ba, hindi kita kilala”. Nagkunwari ako sa harap ng aking pamilya na hindi ko kilala ang matandang nasa harapan ng aming bahay. “Nakita mo na, natakot yung mga anak ko sa ‘yo. Umalis ka na.

Isa lamang ang naisagot ni tita Sally. “Pasensiya na, iho, baka nagkamali lang ako ng address na napuntahan ko, pasensiya ka na”, at tuluyan na siyang umalis.

Marvin’s POV

Salamat naman at hindi niya ako nakilala. Ipinangako ko sa aking sarili na kakalimutan ko na siya, wala na akong pakialam sa kanya, at kahit kailan ay wala akong nakilalang tita Sally sa buhay ko. Para akong nakahinga nang maluwag dahil hindi ako nakilala ni tita Sally.

Isang araw ay nakatanggap ako ng tawag sa aking mga kamag-anak. Magkakaroon raw kami ng pagtitipon sa nalalapit na kaarawan ng aming yumaong lolo. Masaya kaming nagkakasayahan, nagkakantahan nang biglang bumagsak si tita Sally sa aking harapan habang papalapit ito. Biglaan kasi ang kanyang pagdating.

May nakita kaming nalaglag na sulat sa kanyang bulsa at agad itong kinuha ng aking pinsan at iniabot sa akin. Dinala kaagad si tita Sally sa ospital para matignan ang kanyang kalagayan. Ako lamang ang naiwan sa sala at ang iba pang mga pinsan.

Sulat ni Tita Sally

Anak,

Siguro hanggang dito na lamang ang buhay ko. Hindi ko man lang nabisita kung saan ka nakatira. Maari ko bang mahiling sa ’yo na bisitahin mo ako kahit isang beses lamang. Namimiss na kasi kita, anak ko, hindi ka man galing sa sinapupunan ko, pero itinuring kitang isang tunay kong anak. Masaya ako dahil nabalitaan ko na pupunta ka sa kaarawan ni itay. Nagdesisyon ako na huwag nang pumunta, dahil baka mapahiya ka sa iyong mga anak at asawa. Humihingi ako ng tawad dahil isa lamang ang aking mata.

Kung naalala mo pa, naaksidente ka noong nasa kinder ka pa lamang, at napuruhan ang iyong kaliwang mata. Sinabi ko sa sarili ko na hindi ko hahayaan na lumaki ang aking anak na iisa lamang ang mata dahil baka kutyain lang siya ng mga taong nasa paligid niya. Gusto ko kasing makita mo ang paligid nang hindi ka nahihirapan. Sa mga panahong nagagalit ka sa akin, iniisip ko na mahal mo ’ko kaya mo nagagawa ang mga bagay na ‘yun. Sana isang araw, anak, dalawin mo naman ako. Mahal na mahal ka ni mama Sally kahit minsan hindi ko narinig sa iyo ang salitang “Mama Sally, mahal na mahal kita”.

I miss you, Marvin.

Nilihim ng lahat sa akin ang katotohanan. Bumuhos ang luha sa aking mata. Hindi ko napigilan ang pagdaloy ng mga ito nang aking marinig na si tita Sally ay sumakabilang buhay na.

#DFBI  #DFBloggersIntl   #DFBloggerKelvin  #DefinitelyFilipino

About kelvinjonas

I’m just trying to make a story/blog to explore my imagination in different kind of story that will surely strike the readers heart, lungs, oesophagus, kidney, large intestine into small intestine, reproductive system...HUWAAAATTT, just be kidding, but sort of romance and what so ever. And not even the readers but also to hit the author’s feelings which he will include his own experience in this story. I’m just writing whatever is on my mind and whatever emotions will it take, convey, fetch, pass on, put across and get across and so whatever etcetera, etcetera, blah, blah, blah.