Paksiw na Bangus: “Sa iyo ang laman, basta sa akin ang tiyan!”

Imahe mula sa Facebook page na Share Ko Lang/Public Domain Image

Ang isdang bangus o kilala rin sa Ingles na “milk fish” ay binansagang Pambansang Isda ng Pilipinas. Matinik, malaman, subalit siguradong malinamnam!

Iba’t ibang putahe ang maaaring gawin sa bangus. Maaaring prito, inihaw, dinaing, relyeno, at sinigang. Subalit ang pinakamadali at hindi matatanggihan ng lahat ay ang paksiw na bangus.

Tulad na lamang ng naibahaging larawan sa Facebook page na “Share Ko Lang” kung saan makikita ang nakatatakam na paksiw na bangus.

Nakalagay sa caption: “Sa iyo ang laman, basta sa akin ang tiyan.”

Imahe mula sa Facebook page na Share Ko Lang

Umani naman ito ng reaksyon mula sa mga netizen.

“Sarap naman! I love bangus, yummy, lalo na ang tiyan na mataba… yum yum yum!”

“Yes, tiyan din ang favorite ko sa bangus. Napakasarap ng lasa.”

“Wow!!! Sarap. I will ask your Tito to definitely cook this. They sell bangus belly here so we could indulge ourselves.”

Upang makapagluto ng paksiw na bangus, ihanda ang sumusunod na mga rekados: syempre ang isda, bawang, luya, kamatis, sibuyas, talong, okra, ampalaya, samahan pa ng siling berde. Ihanda rin ang asin, tubig, at suka.

Linising maigi ang bangus. Tiyakin na maayos ang pagkakahiwa ng katawan nito, lalo na ang bahaging tiyan.

Ilagay ang bawang, okra, sibuyas, berdeng sili, ampalaya, talong, at iba pang mga pampalasa sa kaserola o palayok. Ilagay ang nahiwang katawan ng bangus.

Sumunod, ilagay ang tubig at suka. Lagyan ng kaunting asin. Takpan at pakuluan ito sa loob ng 15 minuto. Pagkatapos, maaari nang ihain kasama ang mainit na kanin!