Pahalagahan ang Iyong Pamilya at Mahalin Mo nang Tapat ang Iyong Asawa!

happy-loving-familyAng daming nakarelate at tinamaan sa takbo ng istorya ng The Legal Wife ah!

Kung ano man ‘yun at kung ano man ang pinagagawa ng mga bida at kataksilan sa kanilang asawa, sa kanila na yun!.. Dahil sinulat lang ng kamay ng tao ang istorya niyan..pero sa istorya ng buhay at pamilya n’yo, kayo mismo ang gagawa nun..kaya habang maaga, ayusin n’yo na at pagandahin ang kuwento ng buhay pamilya n’yo..

At ito naman masasabi ko sa realidad ngayon..

Maraming nagsasabi na hindi naman kasalanan ang maging kabit, kasi nga nagmahal lang daw sila o kung ano pa man ang mga kadahilanan nila..Mali pa rin ‘yun!

Una may asawa at pamilya na ‘yung tao..pero bakit papatol pa kayo?

Andiyan na yung pagmamahal n’yo, pero mali pa rin ‘yun..huwag tayong masyadong makasarili porke’t mahal natin ‘yung tao, kahit may maapakan na ibang tao o masirang pamilya ay go pa rin tayo???

Dapat isipin muna natin na kapag pinagpatuloy natin ‘yun, sinasabi nating pagmamahal sa isang taong pamilyado na, may masasaktan tayong damdamin at mawawasak na pamilya.. ‘Di ba masakit ‘yun kung sa atin mangyari ‘yun? At ikaw ang legal wife at siya naman ang kabit? Di ba masakit?

Tsaka dun naman po sa mga lalaki/babaeng may asawa/pamilya na..focus na lang po natin yung atensyon natin sa pamilya natin, huwag na sa ibang tao o ibang kandungan.

Nagsumpaan kayo sa harap ng altar na for better and for worst till death do us part..eh bakit ilang buwan, taon lang eh hahayaan n’yo na lang bang masira iyun?

Hindi sapat na dahilan ang pagtaksilan mo ang iyong asawa dahil mayroon siyang pagkukulang sa iyo, o nag-iba na iyung ugali niya o kung ano pa yang mga kadahilanan n’yo..hindi ganun yun!

Dapat kung nag-iba man ‘yung asawa n’yo, may pagkukulang sa iyo..wag ka agad maghanap ng ipapalit sa kanya o pagtaksilan agad siya..pag-usapan n’yo nang maayos yan. “Yung mga problema n’yo, ayusin n’yo..sabihin mo sa kanya kung ano yung mga pagkukulang niya or iyung mga pagbabago niya, hindi iyung kanya-kanya na lang kayo ng pakikiapid.. .at kung kani-kaninong kandungan ng lalaki/babae na lang kayo mapupunta…

Kung gusto n’yong magloko o nagloloko na kayo sa mga asawa n’yo, mahirap bang gawin iyung hiwalayan n’yo na lang ‘yung tao? Hindi ‘yung niloloko’t pinagtataksilan n’yo na ay nagagawa n’yo pang makisama, paasahin at paniwalain na isa kayung mabuting asawa sa kanya.

Hindi naman po siguro nakakamatay ‘yung pag-amin ng totoo o katotohanan ano? Bakit hindi n’yo na lang diretsuhin ‘yung mga asawa n’yo na Ayaw n’yo na, na hindi na kayo masaya or kung ano-ano pa yang mga kadahilanan n’yo.

Kaya sana’y maging mabuti po sana kayong asawa at magulang sa inyong mga anak. Kasi ang una pong maaapektuhan kung papasok kayo riyan sa third party ay iyung mga anak ninyo, sila po ang magiging kawawa sa bandang huli.

At nang dahil sa third party diyan, nag-uumpisa ang:

– Hindi pagkakaunawaan ng mga magulang.

– Pagrerebelde ng mga anak.

– Pride.

– Pagkawala ng delicadeza ng pamilya

 

At diyan na magsisimula ang paghihiwalayan kung hindi na kayang solusyunan ang problema lalo na’t aborido k ana sa mga pangyayari.

Kaya habang maaga pa, gawin n’yo nan kung ano iyung nararapat at makakabuti sa iyong pamilya, sa iyong asawa at sa iyong mga anak. Habang maaga ay ayusin n’yo na kung ano mang problema ang inyong kinakaharap lalo na yang kinasasangkutan n’yong third party.

 

Ephesians 5:22-33 (The Message)

22 Wives, understand and support your husbands in ways that show your support for Christ. 23 The husband provides leadership to his wife the way Christ does to his church, not by domineering but by cherishing. 24 So just as the church submits to Christ as he exercises such leadership, wives should likewise submit to their husbands. 25 Husbands, go all out in your love for your wives, exactly as Christ did for the church – a love marked by giving, not getting. 26 Christ’s love makes the church whole. His words evoke her beauty. Everything he does and says is designed to bring the best out of her, 27 dressing her in dazzling white silk, radiant with holiness. 28 And that is how husbands ought to love their wives. They’re really doing themselves a favor – since they’re already “one” in marriage. 29 No one abuses his own body, does he? No, he feeds and pampers it. That’s how Christ treats us, the church, 30 since we are part of his body. 31 And this is why a man leaves father and mother and cherishes his wife. No longer two, they become “one flesh.” 32 This is a huge mystery, and I don’t pretend to understand it all. What is clearest to me is the way Christ treats the church. 33 And this provides a good picture of how each husband is to treat his wife, loving himself in loving her, and how each wife is to honor her husband.

 

 

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.