Pagnenegosyo, Paano Ko Sisimulan?

Magnegosyo

MagnegosyoMaraming beses natin narinig mula sa mga experto na ang pagnenegosyo raw ang sagot sa kahirapan. Gayun din marami tayong mga kilala na totoong umunlad dahil sa pagnenegosyo. Hindi natin maikakaila na totoo ang bagay na ito sapagkat ang pagkakaroon ng trabaho ay alam nating hindi permanente.

Ngunit sa dami ng mga negosyo sa ating paligid, mula sa ating eskinita hanggang sa kanto at lalo na sa mga bayan, may oportunidad ba nga ba para sa atin na nais magsimulang magnegosyo?

Ito ay karniwang palaisipan sa karamihan sa atin. At kung masasagot ng OO ay makapagbibigay ng pag asa.

Halina’t pag usapan kung paano tayo makapagsisimula ng negosyo.

1) Talent/Skills/Passion

Sa paghahanap ng business opportunity natural sa isang tao na tumingin sa kung saan saan, ang iba pa nga ay bumabyahe sa ibang lugar upang malaman kung ano ang pwede nyang gawing negosyo.

Walang masama sa praktis na ito, ang totoo ay isa itong magandang pparaan sa paghahanap ng gagawing negosyo. Gayun pa man marapat lamang na tingnan mo muna kung ano ang mayroon ka bago ka maglabas ng pera at gumastos. Madalas kasi ay nasa atin na mismo ang sagot sa business opportunity na hinahanap natin.

Maaari mong tanungin ang iyong sarili ng mga tanong na ito:

1) Ano ang aking kakayanan o talento, skill?

2) Ano ang pinaka gustong gusto kong gawin? (or Passion)

Kung masasagot mo ang mga tanong na ito, marahil ay makaisip ka agad ng negosyo.

Simulan natin sa unang katanungan :1) Ano ang aking kakayanan o talento?

Ang bawat isa sa atin ay unique o magkakaiba.

Iba’t iba tayo ng hilig at hobbies. Lalo na, iba iba tayo ng mga talento. Alam mo ba na maaari kang kumita sa talento na meron ka?

Tingnan na lamang natin ang sikat na chef sa bansa natin ngayon na si Chef Boy Logro. Hindi lingid sa kalaman natin na hindi nakapag tapos ng pag aaral ang hinahangan nating tao na ito nung sya ay bata pa sapagkat hindi kaya ng kanyang mga magulang na sya ay pag aralin. Ngunit dahil sa kanyang talento sa pagluluto at determinasyong mas matuto kilala na natin sya ngayon. Kung pupuntahan mo ang www.cheflogro.com ngayon ay malalaman mo kung ano ang negosyo nya.

Ganun din sa iyo, marahil ay magaling ka na sa ilang mga bagay ngayon.
At kung iyong titingnan sigurado na may oportunidad para sa iyo na kumita gamit ang talent mo na iyan.

Kung hindi mo pa alam kung saan ka mahusay, subukan mong tanungin ang iyong mga kaibigan at kamag anak “Sa tingin nyo, saan ba ako magaling?”. At sigurado marami kang madidiscover.

Isulat mo ang mga skills na madidiscover mo at pumili ka ng isa or dalawa mula sa mga ito. Magugulat ka na marami ka palang kakayanan at uunlad ka gamit ang mga ito.

Ngayon para sa 2nd question 2) Ano ang pinaka gustong gusto kong gawin? (or Passion)

Ang passion ay ang pagnanais gawin ang isang bagay ng walang nag uudyok o tumutulak sa iyo na ibang tao maliban sa sarili mo. Kung ang uri ng negosyo mo ay hango sa passion mo, hindi ka magsasawa gawin ito, hindi ka rin mabilis na susuko kung makaranas ka ng failures. Bakit? Dahil gustong gusto mo ang ginagawa mo.

May isa akong kakilala na passion nya mag sulat. Sa kanyang trabaho ang pagsusulat ang gustong gusto nya gawin, passion nya ito. Kaya ng minsan ng malaman nya na may mga bumibili at nagpapasulat pala ng mga articles online, sinubikan nya agad ito.

Ngayon ay ito na ang kanyang ikinabubuhay. Hindi sya kailanman nagreklamo sa mga sinusulat nya, bakit, dahil passion nya ang pagsusulat.

Ikaw, ano ba talaga ang talento mo? saan ka mahilig or ano ang passion mo?

Sagutin mo ang mga tanong na ito at isiping maigi kung paano ka kikita gamit ang mga ito. Magiging masaya ka malaman na maari ka palang kumita at umunlad habang nag eenjoy sa iyong mga ginagawa.

Nawa ay makatulong ang mga points na ito up ang maisip mo ng mabuting kung anong negosyo ang nais mong simulan. Para malaman ang tungkol pa sa akin ay visitation ang aking personal blog sa pamamagitan ng link na ito.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.