Paglaki mo Liligawan Kita Ha! Part 2

paglakiINAY ,   PA’NO  BA  GINAGAWA  ANG  BATA  ?

H A !

At kinilabutan at napaantanda ang kanyang ina …HESUS MARIA  HOSEPH, dahil noong araw ay nakakahiyang  sabihin at inililihim na malaman ito ng mga bata .

BA-BAKIT MO  NAITANONG  IYAN  A-ANAK  ?

EH KASI PO ay nadinig ko ke lolo Tascio  at ke lolo  Andoy na nag-uusap ,  madali lang daw pong  gumawa ng bata pero  ang magpakain ang mahirap .

HA !   at  nalagok niya ang kanyang  kaunting nanunuyong laway sa pagkakarinig na yon .

HUU  ano ba yong  mga matatandang hukluban  na iyon at  kung bakit ipinaririnig pa sa bata iyon at…

NAKU   ANAK  ‘WAG MO NANG  ITANONG  AT ULIRATIN  YANG  MGA  BAGAY NA YAN   at napakabata  mo pa naman  at masamang malaman iyan ng mga bata.

Na noong panahon na iyon ay di pa iminumulat at di itinuturo sa mga bata ang sex education kaya ang katulad niyang bata pa na  unti-unting lumalaki  ay walang  pa ring kamuwang-muwang  sa mga bagay na ito .

At nang dumating  na siya sa idad na halos malapit-lapit na rin  at  mga ilang taon na lang ay magdadalagita na rin siya .

Sa paglalaro  ni Jenny   ay  nakita at napagmasdang   tila napakagandang bata nito na sa idad na  11 years  old  pa lang ay tila halos magdadalagita na ay nakatuwaan ni Berting na biruin ito …

OY  JENNY ,   PAGLAKI  MO  LILIGAWAN  KITA  HA ,   ito ang hindi sinasadya at ‘di talaga intention  at nakatuwaan lang ni Berting na biruin  si Jenny na noon  ay 11 years old pa lang  at siya  naman noon ay 23 years old  na .

H A !    KUYA  BERTING  LILIGAWAN  MO  AKO  eh ang tanda-tanda mo , eh hige ka lagot ka  isusumbong kita ke ate Marissa  hi, hi, hi .

AT NGAYON  NGA  parang  di ka mainip ay dumating na  nga  ang panahon na iyon na lumaki na at nagdalaga na  si Jenny  at niligawan nga siya ni Berting  at napasagot na nga niya ito  .

BAGONG KASAL SILA  SI JENNY  at   sa isang sikat pang  resort  ginanap ang reception  ng kanilang marangyang kasalan  at nagpa-reserve na siya sa Baguio sa hotel doon at doon sila magha-honemoon ay di pumayag si Jenny at naisipan naman ni Berting na sa  bahay  na lang nila tutuloy.   Pero di rin  pumayag si Jenny  dahil di raw siya sanay matulog sa ibang bahay at ang gusto niya ay sa kanilang bahay  na lang tumuloy.

Labag man sa kalooban ni Berting ay pumayag na rin siya dahil malaki rin naman ang bahay nila Jenny  at magsigawan man  daw sa loob ng kuwarto ay di ka  madidinig .

FIRST NIGHT silang magtatabi ni Jenny  ay  bigla na lang siyang nagulat ng tinatawag nito ang kanyang ina .

INAY…. INAY   dito na kayo matulog  sa tabi namin  ni Berting .

H A ! , ang gulat ni Berting  at   H A !   rin ang napamanghang ina.

HA  eh  Berting pasensiya na sa batang iyan  MAKA-INA  kasi eh …eh talagang magkatabi kaming natutulog  ni Jenny  kahit na ngayong nagdalaga na siya  at tinatapik-tapik ko pa ang puwet niyan  na  parang  hinehele para madaling makatulog  at pilit pang tumawa upang maibsan ang nakakahiyang inasal ng anak .

LUMIPAS  PA  ANG  ILANG  GABI ay nasanay na rin si Jenny na matulog na di katabi ang kanyang ina at si Berting na ang gustong makatabi nito .

At  nang  nagdadalangtao na siya  ay  sa bahay na lang  gustong manganak  at ayaw  padala sa ospital dahil sabi naman daw ng Doctor ay pwede na ring sa bahay  ito manganak dahil normal naman  ang  physical na kalagayan nito  at maluwag naman ang sipit-sipitan at  madaling makakalabas  ang  bata.

Subalit ng manganganak na ito ay  ESKANDALOSA  PALA.

NAKU  PO  ANG  SAKITT…BERTING , INAY  parine nga kayo rito at tulungan ninyo ako..ARAY  NAKU PO  ARAYY ….walanghiya ka  Berting  bakit di mo sinabi na ganito pala kahirap  ang  manganak ,   disin sana di na ako nagpaligaw  sayo…ayoko  na ,  di na ako mauulit … WALANGHIYA  KA  BERTING ,  BAKIT MO AKO NILIGAWAN , at  ang mga nag uusyosong mga kapit-bahay ay iniihit ng tawa .

NAGSISISI PA SI JENNY  kung bakit pa siya nagpaligaw  kung  ganito pala kahirap ang manganak  at  wala pa naman siyang muwang  kung papaano  talaga ang pag-aasawa .

MAKARAAN LANG  ANG MAHIGIT ISANG  TAON  nakalipat na sila  at may bahay na silang sarili

Habang nakahiga sila ay  panay ang kalabit ni Jenny  .

Hon  , masdan mo ang anak natin  .

H A !    at biglang napabangon si Berting .

BA-BAKIT me-me sakit  ba ang anak natin.

HA  eh , eh  wa- wala ,  eh kasi nakakaawa naman ,  wala siyang kalaro .

H A !

ILANG  TAON  LANG  AY  ANIM  NA  ANG  ANAK  NILA .

Pero habang nagtatagal ay  dala pa rin ni Jenny ang  layaw  sa pagkabata na hindi  pa hinog upang sumagupa sa buhay may asawa .  Pero sadyang mahal siya ni Berting , nahintay daw niyang lumaki at magdalaga ito…. ang hihintayin naman niya ngayon  ay  ang magsawa na ito sa kanyang  kasalukuyang ginagalawang pamumuhay  at  naniniwala siyang darating ang araw  na MAGMAMATURED DIN  ITO  .

Ilang taon  uli ang nakalipas …….

HOOY  TIGIL  KAYO…..TIGIL  SABI,  PAGPAPAPALUIN  KO  KAYO ,  SIGE KAYO .

HINDI MAGKANDAUGAGA  SI BERTING  sa kanyang  anim na  mga anak sa pag-aasikaso. Habang karga  at minememe niya ang kanyang bunso dahil ayaw palapag sa duyan ay  kasalukuyan namang nagkakagalit   at nagkakagatan ang iba ,   at ang iba naman ay nagugutom na at gusto ay sila ay pakainin na.

AT LUMIPAS PA ANG ILANG PANAHON…..NGAYO’Y  MAY MALALAKI NA  at  ang panganay nila ay 12 years old na  at may mga maliliit pa ring anak  sila Berting at Jenny .

At si Jenny ay tapos  na  ng  pag-aaral at nagtratrabaho na samantalang si Berting ay nanatiling  naiiwan sa bahay   at  siya pa rin ang nag-aalaga sa kanyang mga anak  at ayaw ni Jenny na kumuha sila ng katulong at  yaya ng mga anak  at  kaya naman daw  ng  kanyang  asawa  ang mga gawaing bahay at mag-alaga sa kanyang mga anak at siya na lang ang mag-tratrabaho sa opisina .

Bagamat mabigat sa kalooban ni Berting  ang nangyayari sa kanilang sitwasyon na siya pang lalake ang nasa bahay  at dapat tawaging PADRE DE PAMILYA  at umaasa sa pagtratrabaho ng  kanyang asawa ay tiniis niya .  Samantalang siya  ay  isang engineer at kayang kaya pa niyang  bumalik sa kanyang trabaho  at kumita ng malaki dahil muli  at muli siyang  ipadadala ng kompanya  sa kanilang planta sa  abroad .   Pero hindi na niya ninais  at ayaw niyang masaktan ang kalooban ng kanyang asawa  dahil mahal niya ito  at  umaasa siyang  PAGKA-NAGSAWA  NA  ITO  SA  KANYANG  GINAGALAWANG PAMUMUHAY  AT  NAGMATURED  NA  ITO  ay magbabago rin ang kanyang isip na  siya ang  dapat ang nagtratrabaho  at  tatawaging  PADRE DE PAMILYA  at si  Jenny  na ang lalagay na mangangalaga sa kanilang mga anak at maiiwan na lang sa bahay bilang ilaw ng tahanan ..

ISANG ARAW  habang naglalaba si Berting ay nakita niyang  tila nagtatalo ang kanyang dalawang anak na babae tungkol  sa assignment  nong isang mas  na-kakabata.

At  medyo sinilip  niya kung ano yon at komo nagba-blurred ang kanyang  mga mata ay parang naaninag niya  na tila multiple choice   o  kaya  ay  underline the correct  answer.

Ito ang waring naaninag  niya :

DIRECTION :   complete the following sentence by choosing the right word  :

1)      If you are a life saver then you should know how to do the mouth to mouth :________

Complete the ff :

a. revive   b. restoration  d . resurrection   c. resuscitation   e. none of the above

Hindi nga niya gaanong maaninag kung underline the correct answer  o kaya ay  matching type ang nakalagay  .   Nakita niyang  ang pinakabata niyang  anak  na may  assignment nito ay inanderline ang  RESTORATION  at bigla  namang nagsalita ang kanyang panganay .

AH  hindi ah,  RESUSCITATION  ang tama..

At sumagot naman  ang mas bata

Ah  hindi  ah,   nadinig ko noon minsan  eh…mouth to mouth restoration daw.

AH  basta ang tama ay  mouth to mouth resuscitation….eh bahala ka…. mali  iyan ..ang medyo nasuyang  mas nakakatanda .

At tatawa-tawa lang si Berting  at  bigla na lang niyang  naalala  noong araw  na bata pa si Jenny na ngayon ay kanya ng misis   na ganitong-ganito  ang idad  at hitsura  kung magsasalita  at magkikilos  na noon ay biniro niya ito nong mga  11  years old  pa  lang ito…. Paglaki mo ay liligawan kita ha .

Na ng  lumaki na  at nagdalaga  na si Jenny   ay gusto na niyang totohaning  ligawan ito  . At  dahil bata ito sa kanya ng labindalawang taon at malaki ang tiwala sa kanya ng magulang nito ay baka naman   isiping sinasamantala nito ang pagiging magiliwin ng kanyang anak at masabing isa pala siyang bantay salakay.   Na noon ng malaman niyang dalagang-dalaga na ito at pwede na nga niyang ligawan ay di naman niya masabing totoo na at  di  na siya nagbibiro at  liligawan nga niya ito .   At kung magpapakapormal  naman siya na totoong liligawan nga niya ito ay baka layuan naman siya . Hindi siya makaisip ng strategy kung papano niya pasisimulan at naalala na naman niya  noon ang binatilyong kalaro ni Jenny na may kalokohan sa ulo at dahil don ay nakaisip    siya ng  IDEA  na maligo sila sa Beach na kunyari ay nalulunod siya at sasagipin siya ni Jenny , na noon ay  INI-MOUTH  TO  MOUTH RESTORATION   SIYA .

At palibhasa ay di naman pala-inglish si Berting  at  nakamihasanan na niyang gamitin ang inglis na RESTORATION  eh kasi naman daw ay pareho din naman ang meaning niyon at nahihirapan pa siyang  i-pronounce ang  RESUSCITATION  at nabubulol siya .

Pero sa mga kritikong  may mga matataas ang pinag-aralan ay pupunahin ka at iko-correct ka .

SA KANYANG PAGNINILAY-NILAY  ay biglang dumating si Jenny na maraming kasamang  ka-empleyada niya.

HONEY  NAKALUTO  KA  NA  BA ,  eh pakidagdagan mo sinaeng at magluto ka ng ibang ulam  at dalian mo , kasi nagugutom na raw sila….eh kasi  naman ay di ko alam na magsisisama sa akin  itong  mga bruha at bruho kong  kasamahan   at  titingnan daw nila ang  bunso natin  kung totoong  singguwapo  mong lalake  at  malalaman daw nila  kung totoo nga ,  at natawa pa ito .

Nang biglang magsalita yun isa ,

AH  JENNY , SIYA BA ANG KUYA MONG MATANDA ,  ang  tila nakakainsulto at nangiti  pa ang  isang pinakamatanda na lalake  na ang tinutukoy  ay siya at wala ng iba .   Medyo tila  nagpanting ang kanyang tenga   at kung maisasaboy lang nito ang kanyang pinaglalabahan sa mukha nito ay gagawin niya  kasi parang nakakainsulto ito na  nadinig naman niya na tinawag siyang  HONEY  ay sasabihin pang ganon ,   eh kaya lang daw ay magiging bastos  siya sa  iba pang mga kasamahan  ni Jenny.

Pero para siyang kinabahan  at wari’y  nagduda ,  kasi nakita niya ang isang co-employee  nito na guwapo  ring katulad niya na halos di sila nagkakalayo  sa hitsura  at ang kalamangan lang nito sa kanya ay mas malaki ang kabataan kesa sa kanya  na kahit harap-harapan ay inaakbayan ang kanyang asawa  at   animo  parang  katulad nito’y  isang bakla  na  payakap-yakap  sa isang babae  at  hinihilig-hilig pa ang ulo sa balikat ng kanyang asawa  .

Biglang kinilabutan si Berting,  at naalala niya  na nong  siya’y  teen-ager pa lang ay  makalokohan  din  siya  sa  mga  babae na  kapag inaakala niyang  hindi halatain  na makaka-chancing siya  ay  sinasamantala niya .  At nagbago lang siya ng magkaroon siya ng unang minahal na girlfriend na nagngangalang Marissa ay totoong nagbago na siya at di na siya pumapatol sa sinumang babae at inilaan na niya ang kanyang puso sa babaeng iyon subalit ano ang ginanti sa kanya , nagmahal  ito sa iba .

Pero sa pagkakataong ito ay parang siya ang nalalamangan  at nag-iinit siya , pero pinilit niyang makapagtimpi  at di siya nagpahalata  at agad-agad na siyang nagsaeng at naghanda ng mauulam.

NAPAKASIPAG NAMAN NG MISTER MO JENNY  me  kuya ka na may asawa ka pa , at bigla na lang  magtatawanan.

At sinundan naman nong isa ,

AT  NAPAKASUWERTE MO TALAGA  SA  ASAWA  BRUHA  KA ,  me asawa ka na nga  may  yaya ka pa ng mga anak mo ,  eh biruin mong anim na magugulo at makukulit   iyang mga anak mo ay napapagtiyagaan niya , eh kung di mo sinabing asawa mo iyan ay  akala ko ay  talagang  katulong mo lang ,  at lihim na  natawa uli ito.

OY  OO  NAMAN  at napakabait ng mister ko na  yan ,   pwedeng ipagpagawa ng rebulto sa kabaitan  para akong  isang Prinsesa sa kanya ,  biruin mo di na ako ginigising sa hatinggabi upang pagtimplahin  ng gatas  ng sanggol naming anak dahil di naman ako nagpapadede at pagkagising ko ay dudulog na lang ako sa mesa at nakahanda na ang pagkain  at minsa’y  sinusubuan pa  at nakahanda na lahat ang babaunin ko.    Siya ang naglalaba , siya ang nagluluto , siya ng naglilinis ng bahay , siya ang namamalengke at lalong higit ay siya ang tagapag-alaga  at napaka-pasenyoso  sa aming mga anak  .

EH  PERO  di naman ako  nakakalimot  na gantihan ang kanyang kabutihan sa akin  KAPAG MAGKATABI NA KAMI SA HIGAAN   ha, ha, ha , ang tawa  at  pagmamalaki  niya  at meron pang  LAMAN ang sinabi nito sa kanyang mga kaibigan .

HA ,HA, HA  talagang ikaw  bruha ka ,  pilyang-pilya ka pa rin…IKAW  NA  SI JENNY  NA  NAPAKASUWERTE  SA  ASAWA …ang patutsada ng isang kaemplyeda

Palibhasa ay talagang mahal na mahal ni Berting  si Jenny at kahit ano ang marinig niya ay pinalalampas lang niya at alam niya na darating ang araw na magmamatured na talaga ito at maiisip rin nito ang pagpapahalaga  niya  sa kanya.

Minsan tuwang-tuwa siya ,  dahil linggo noon at walang pasok  si Jenny  ay  tila sa pakiwari niya ay wala  itong  lakad  ng  barkadahan  nila  ay sasamantalahin niya  ang  pagkakataong tapusin ang kanyang mga  labahing  natangbak  dahil  sa  dami  niyang  ginawa sa bakuran nila na pinaglilinis   ang mga basurang nagkalat  at  ng  maluwag  na  nakakapaglaro  ang  kanyang  mga  anak .   Habang naglalaba siya ay  sabay na rin siyang nagluluto .  Nakita niyang  karga nito ang kanilang bunsong baby .

HAAY  SALAMAT…me makakatulong na rin ako, matatapos ko na rin itong mga labahin at iba pang gawain dito sa bahay na di maiistorbo sa pag-iyak ng kanyang bunso . Unti-unti  na sigurong  nare-realize  ng asawa ko ang kanyang katayuan bilang ina ng tahanang ito …at tuwang-tuwa siya , sa  wakas nagmamatured na ang asawa ko at lihim siyang natawa.

Nang biglang….

NAKU BERTING  parito ka nga rito sandali.

H A !   BA-BAKIT..NAPAPANO SI BABY…

Ang takot niya na  baka nagtitirik na naman  ang mga mata nito na nong minsan ay abala siya sa trabaho ay di niya nalamang nilalagnat na ito .

Ah eh kasi , punong-puno na pala ang  DIAPER  nito ,  eh hindi ko kayang  mahugasan at mapalitan kasi napakalikot .

H A !

At napakamot na lang siya sa ulo dahil marami siyang trabaho…anim na ang anak nila ay asiwa pa  at  di pa marunong mag-isang hugasan ang puwet ng sanggol na anak nila at tinatawag pa siya at ng lapitan niya ay nakita niyang may suot pang nose mask  ito at waring nandidire pa .

ISANG ARAW  ay naisipan niyang magpunta sa isang deparment store at may ipinabibili ang kanyang isang anak na gamit daw sa eskuwela .  Naglakad muna siya ng mga ilang metro  at pupuntahan niya ang kanyang sasakyan  dahil naki-garahe muna siya sa isa niyang kapit-bahay dahil sinesemento ang dinadaanan niya.

At bigla siyang may naalala  na ang dinaanan niya ay ang dating dinadaanan niya noong papunta  siya sa abroad  at nadaanan niya noon  ang batang  si Jenny  na kanyang naging asawa ngayon na naglalaro ng patintero  at nasabi pa niyang  Hoy Jenny  sa PAGLAKI MO LILIGAWAN KITA  HA  at ang sagot sa kanya ay  NAKU KUYA BERTING  ang tanda-tanda mo na liligawan mo ako .

At sumigaw pa…..

HOOY  MGA  KALARO  HETO  SI  KUYA  BERTING  ANG SABI  SA AKIN….PAGLAKI KO RAW  LILIGA…HUMP..HUMP  buti na lang  at  bigla niyang  natutop  ang bibig nito kundi raw ay napahiya siya

At nangingiti siya kapag naalala niya ito.

Pero bigla naman siyang nagulantang at  ngayon  nga ay dito rin siya nadaan  at  ang nakita naman niya ay ang kanyang anak na babae na 11 years old na  at halos magdadalagita na rin dahil sa malaki ring bulas ito at  nakikipaglaro sa kapwa bata at may kalarong tila magti-teen-ager na lalake .

Bigla siyang kinabahan ,  alam niya nakikilaro lamang ang mga ito kunyari pero nananching lamang ito katulad ng ginawa ng mga binatilyo nong bata si Jenny na kunyari ay natangay lang ang kamay nito at nagpapagulong-gulong at kitang-kita niyang pinaghihipo ito sa mga maseselang bahagi ng katawan at palibhasa ay may gatas pa sa labi noon si Jenny pero malaki itong bulas at halos parang sa tingin ay magdadalagita na rin ay wala sa loob na ganoon ang INTENTION  sa kanya .

NAG-ALALA  SIYA  maaaring ganondin ang gawin nila sa kanyang anak  at  tinawag niya ang kanyang anak at sinabi niyang tumigil na sa paglalaro at tingnan ang kapatid nitong maliit.

Pero sinagot siya

EH  DADDY  andon naman si ate ah.  Eh hindi pa kami nakakaganti, puro BALAGOONG KAMI  oh tingnan mo , puro mga maga na ang tenga namin  sa kakapitik dahil pitikan sa tenga ang parusa .

HAA   pe-pero  a-anak , tama na iyan baka masyado kang mapagod at magkasakit ka pa at di ka tuloy makapag-aral….   ito ang maganda at naisip niyang maidadahilan para umuwi na ito .

Pero nangatwiran pa .

EH DADDY  mamaya na lang ako titigil  at uuwi  kapag nakaganti na kami,  at bigla ito muling nakilaro.

Napapikit na lang si Berting at wala  na siyang nagawa  at  hindi niya masabing..

ANAK nanananching lang ang mga iyan at ikaw ay maganda at  malapit ng magdalagita .

TOTOO  pala ang kawikaan na ang  magnanakaw ay galit sa kapwa magnanakaw

At nagpatuloy siya sa paglakad  na  mabigat ang kalooban at ayaw niyang lumingon  gaya  ng ginawa niya noon  at baka may makita siyang ikakasama ng kanyang kalooban at  pinuntahan na lang niya ang kanyang sasakyan .

Sa kanyang pagparada sa parking lot ng isang department store na kanyang bibilhan ng gamit  sa eskuwela ng kanyang anak ay siya namang nakita niyang papaalis  sila Jenny at may kasamang lalake na tanda niya ay ito ang guwapong kasama ni Jenny sa kanila.

At bigla silang nagkagulatan.

HAA   A-ANO  ANG GINAGAWA MO  RI-RITO  HO-HONEY…ang gulat na gulat na si Jenny .

Sandali lang silang nagkatitigan ..pero di niya ito kinibo at iniwan na niya ang kanyang asawa na kasama ang kaempleyado nito.  Na habang nasa loob na siya ng department store  ay di na siya mapakali at ang isang bagay na ipinabibili ng kanyang anak  ay nakalimutan niya at kung ano-ano ang pumasok sa isip niya .

Gabi na  ng  umuwi si Jenny at hindi sila nagkikibuan.

Kinabukasan ay tanghali na ay di pa rin bumabangon si Jenny.

Parang  tila walang anoman  at walang   bakas  sa  mukha ni  Berting ang tagpong nakita niya kina Jenny at guwapong ka-empleyodo nito  at….

AH HONEY  tanghali na,   baka mahuli ka sa opisina ninyo , nakahain na at nakahanda na ang babaunin mo  at ipinag-init na kita ng  tubig  na pambanto  mo sa pampaligo mo.

Ho-honey   di-di na ako papasok ,  sagot nitong malumanay  at may katamlayan

HAA   BA-BAKIT  ME PROBLEMA  BA  SA  OPISINA ?,  ang  nabiglang si Berting

HA  O  OO   AT  LALALA PA  KUNG PAPASOK PA AKO

HAA   BA-BAKIT  LALALA …. ME..ME  NAGAWA KA BANG KASALANAN ..

OO  MAHAL KO , NAPAKALAKI   at  parang maluluha naito  .

HAA !   MALAKING  KASALANAN  ANG  NAGAWA  MO  SA  OPISINA  NINYO…OH DIYOS KO , ang biglang naawang si Berting sa asawa.

OO MAHAL KO…pero hindi sa opisina kundi  SAYO

H A !   SA..SA  AKIN

At tuluyan ng naluha na si Jenny

ALAM  KO HONEY, MAHAL  KO ,  damang-dama ko sa kilos at pagsasalita mo ,  hindi ka lang kumikibo at nagpapatay malisya ka lamang  at alam ko nagseselos ka ng makita mo kami ng lalakeng iyon.   Pero ang totoo  ay di ko lang matanggihan yon  at inimbita akong kumain at pa-blow-out daw niya iyon sa akin dahil sa isang buwan ay aalis na siya patungong  bansang NORWAY  dahil  natanggap siyang magtrabaho doon.     Alam ko ,   alangan na ang isang katulad  kong may-asawa  na  at may mga anak  ay sasamang  mag-isa  sa  isang lalake  at  sasakay  sa kotse na kami lang  lalo pa’t me asawa na rin iyon .

Patawarin mo ako mahal ko

At tinitigan niya si  Berting at seryosong-seryosong  ang mukha na muling  nagsalita ,

DUMATING  NA  ANG  ARAW  NA  PINAKA-HIHINTAY  MO…..NAG-MATURED NA AKO

H A !

OO  MAHAL KO ,  HINDI  PA  NOON HUSTO ANG AKING PAG-IISIP  NG  IBIGIN  KITA  at nagawa mong hintayin  ang araw na magma-matured din ako  at iyon  ay napagtanto kong talagang mahal na mahal mo ako . Napagtanto ko ring labis-labis  na ang iyong pinagtiis sa pagsisilbi at pagtitiyaga sa akin .

Mahal kita Berting , mahal na mahal ,  ngayon ko lang napagtanto ang aking pagkukulang at pagkakamali  bilang  asawa mo at ina ng aking mga anak.    Umaalis   ako ng mga 4:30  ng umaga  na  tulog pa ang mga bata  at di man lang ako nakikita at darating  din naman ng gabing -gabi  na  tulog na rin ang mga bata at di pa rin ako nakikita at kapag wala na akong pasok sa week end   ay aalis pa rin at  makikisaya at makikihalubilo sa aking mga kaibigan  at ako bilang ina ng mga anak  ko  ay di nila nalasap  kaylan man ang aking yakap  at halik ng  pagmamahal   at napansin kong tuloy ay lumalayo na ang kanilang damdamin sa akin at ikaw na kanilang ama na lang ang kanilang kinikilala .

NGAYONG  NAHUSTO NA  AT NAGMATURED NA ANG AKING PAG-IISIP ay  gusto ko sanang bumawi  at  makaganti  naman sayo….ako naman ang mag-aalaga sa mga bata  at hihinto  na sa trabaho  at  ikaw  mula ngayon  ang magtratrabaho  at ng  makilala ka ng tuluyan   ng  ating mga anak  at kanilang maipagmalaki   na ikaw ang tunay  na  PADRE DE PAMILYA  at di ako .

H A !

At nagyakap sila ng mahigpit…mahigpit na mahigpit  at  haharap sila at  magsisimula  naman sila ng panibagong buhay .

……..Wakas……