Pagkagaling sa eskuwela, magkapatid nagtatahi ng sapatos para may pang baon

Image from Jernnanie Jethro Juaton via Facebook

Para sa maraming estudyante, nakasasabik ang unang araw ng pasukan.

Masaya ang unang araw dahil na rin sa mga bagong gamit pang-eskuwela, pagkikita-kita ng mga magkakaklase, at ang pagkakaroon ng bagong mga guro at kaalaman na matututunan.

Kaya naman pagkatapos ng klase, marami sa mga estudyante ang umuuwi agad para makapagpahinga upang may lakas ulit pumasok kinabukasan.

Pero para sa magkapatid na sina Manuelita at Micko Borbon, hindi pa tapos ang kanilang araw pagkauwi galing eskuwela.

Hinahangaan ngayon ng mga netizens ang litrato ng dalawang magkapatid mula Puerto Princesa City sa Palawan habang ang mga ito ay naka-uniporme pa at nagtatahi ng sapatos sa gilid ng kalsada.

Ang litratong ito ay pinost ni Jernnanie Jethro Juaton sa Facebook habang may caption na:

First day of school, pag uwi pahinga agad pero sila hindi. Nagtatahi sila ng sapatos. Pinaghihirapan nila ang baon nila. Hindi katulad ng karamihan sa atin.

Sa totoo lang pinagtitinginan sila ng mga schoolmate nila na dumaraan din sa bangketa.

Ang magkapatid na ito ay sina Manuelita Borbon, 13-anyos, Grade 8, at Micko Borbon, 12, Grade 7 na nag-aaral sa Palawan National Highschool.

Image from Jernnanie Jethro Juaton via Facebook

Ang kanilang mga magulang na sina Emmanuel at Mary Ann ay kapwa nagtatahi rin ng sapatos upang kumita ng pera at mabuhay ang kanilang apat na anak.

Tanging ang pagtatahi lang ng sapatos ang pinagkukunan ng pang araw-araw na ikabubuhay ng kanilang pamilya.

Walang nagturo sa magkapatid na magtahi ng sapatos. Natuto lang sila sa kapapanood kung paano magtahi ng sapatos ang kanilang mga magulang.

Aminado ang mga ito na hindi malakas ang kita sa pagre-repair ng sapatos. Dahil na rin sa hirap ng kanilang buhay, wala silang sariling bahay.

Kaya naman naisipan ng magkapatid na tumulong sa kanilang mga magulang sa mga gastusin sa pamamagitan ng pagtatahi ng sapatos pagkatapos ng kanilang eskuwela.

Hindi umano ikinahihiya ng magkapatid ang pagtatahi ng sapatos dahil nakatutulong ito sa kanilang pag-aaral at sa kanilang mga magulang.

Minsan pag may project ‘di na kami nagsasabi kila mama, kami na lang po bumibili,” sabi ni Manuelita.

Image from Jernnanie Jethro Juaton via Facebook

Kuwento naman ni Micko, “Nagkulang ang pamasahe namin. Kaya naisipan namin makitahi doon.”

Ayon sa kanilang ina na si Mary Ann, pangarap umano ng magkapatid na maging sundalo balang araw.

Gusto nila makapagtapos. Tapos, gusto ko sila magkaroon ng hanapbuhay na hindi lang ba yung, hindi nila maranasan yung ano namin (kahirapan),” ani Mary Ann.

Hanga naman ang pamunuan ng Palawan National High School sa pagpupursigi ng magkapatid.

Ayon sa principal ng paaralan na si Dr. Eduardo Santos, titignan daw nila ang kayang maitulong ng pamunuan upang mapabuti ang sitwasyon ng magkapatid na Borbon at ng kanilang pamilya.

Hiling ng magkapatid na sana ay maging inspirasyon ang kanilang kuwento sa ibang mga estudyante na dumaraan din sa hirap ng buhay.

Nais nilang ipahayag na hindi sapat na sukatan ang kahirapan para hindi makapag-aral at makatulong sa magulang.

13 Comments

  1. certainly like your website but you have to check the spelling on quite a few of your posts. A number of them are rife with spelling issues and I find it very bothersome to tell the truth nevertheless I’ll surely come back again.

  2. There are some attention-grabbing cut-off dates on this article but I don’t know if I see all of them center to heart. There may be some validity however I will take maintain opinion till I look into it further. Good article , thanks and we would like extra! Added to FeedBurner as properly

  3. I have been surfing on-line greater than three hours these days, yet I never found any fascinating article like yours. It is beautiful value enough for me. Personally, if all site owners and bloggers made just right content material as you did, the net can be much more useful than ever before. “We are not retreating – we are advancing in another Direction.” by Douglas MacArthur.

  4. I’ve been surfing online greater than 3 hours nowadays, but I by no means found any fascinating article like yours. It is lovely price sufficient for me. Personally, if all site owners and bloggers made good content material as you did, the internet will be much more helpful than ever before.

  5. An interesting discussion is worth comment. I think that you should write more on this topic, it might not be a taboo subject but generally people are not enough to speak on such topics. To the next. Cheers

  6. I know this if off topic but I’m looking into starting my own blog and was curious what all is needed to get set up? I’m assuming having a blog like yours would cost a pretty penny? I’m not very web savvy so I’m not 100 sure. Any suggestions or advice would be greatly appreciated. Many thanks

Leave a Reply to Billy Neglio Cancel reply

Your email address will not be published.