Pagiging makakalimutin, senyales umano ng pagkakaroon ng “high intelligence”

Image from Freepik

Normal sa tao ang maging makakalimutin paminsan-minsan.

Naiwan na wallet, hindi maalalang birthday ng isang kaibigan, hindi matandaan ang pangalan ng isang partikular na tao, lugar, o bagay — lahat ng ito ay karaniwang nangyayari sa atin.

Ngunit isang pag-aaral ang may magandang natuklasan tungkol sa pagiging makakalimutin ng isang tao. Lumabas sa pag-aaral — na kinumpirma rin ng mga scientists — na ang pagkalimot ay tanda ng pagkakaroon ng “high intelligence.”

Pinaniniwalaan ng iba na ang pagiging makakalimutin daw ay palatandaan ng mahinang memorya ng utak, habang ang mga taong may malakas na memorya ay iyong mga matatalino.

Image from Freepik

Ngunit sa pananaliksik ng mga researchers na sina Paul Frankland at Blake Richards ng University of Toronto, napag-alaman nila na ang layunin ng memorya ay hindi ang maalala ang tumpak na impormasyon kundi itago lamang ang mga mahahalagang detalye at bitawan ang mga maliliit na alaala na hindi naman importante.

Ayon kay Richards, importante raw na makalimutan ng utak ang mga hindi importanteng detalye upang makapagtuon na lamang ito sa mga bagay na makatutulong upang makapag-isip ng tamang desisyon.

Ang mga mananaliksik ay dumating sa konklusyon na ito pagkatapos ng masusing pag-aaral sa mga datos tungkol sa memorya tulad ng pagkawala ng memorya at mga aktibidad ng utak sa parehong mga tao at hayop.

Image from Freepik

Inilahad ng pag-aaral na ang mga taong may mahuhusay na memorya ay iyong nakakalimutan ang maliliit at hindi relatibong detalye.

Sa halip, ang mga taong naaalala maski ang pinakamaliit na impormasyon ay iyong mga hirap gumawa ng desisyon dahil maraming mga impormasyon ang nakikipag kumpitensya sa proseso ng pag-iisip.

Ang utak ng matalinong tao ay hinahayaan na lamang at kinakalimutan ang hindi relatibong mga bagay. Kung kaya napapadali para sa kanila ang makapag-isip at makagawa ng maganda at tamang desisyon.

Kung iisiping mabuti, may punto nga naman ang naging resulta ng pag-aaral,