PAGHIHIRAP SA KAMAY NG KAMAG-ANAK!

Poverty (Photo Credit: mgtowforums)
Poverty (Photo Credit: mgtowforums)

Kabilang ako sa mahirap na pamilya sa Pilipinas;  isang kahig, isang tuka.

 Walo kaming magkakapatid at ako yung pangatlo at panganay sa lalaki sa amingpamilya.  Mahirap ang buhay kasi isang ulirang may bahay lang ang nanay ko at magsasaka naman ang tatay ko.    Bata pa lang ako ay namulat na ako sa katotohanan na kailangang magsikap para mabuhay.

Halos nakalimutan ko na kung ano ang buhay ng isang bata; kasi palagi na lang

Poverty   (Photo Credit:  mgtowforums)
Poverty (Photo Credit: mgtowforums)

akong nag-aalaga ng mga kapatid ko at katulong sa mga gawain sa bahay.    Kasi nga ay nagtratrabaho ang mag magulang ko namin.

Pero kahit mahirap kami;  pinilit kong makapagtapos sa pag-aaral kahit pa nga  high school lamang.  Para makatulong sa kanila, kasi akala ko ganoon lang kadali yaong buhay. Hindi pala.  Mahirap makahanap ng trabaho kung ganoon lang ang natapos mo.  Kung saan saan na lang ako nagtrabaho para makatulong sa kanila at sa pamilya namin.

Kaso hindi pa rin sapat, kaya  nsisipan kong mag-aral  ng college sa tulong ng nakatatanda kong kapatid.   Kahit mahirap,  pinagsikapann niya ako sa pag-aaral; at ako din,  kapit sa LORD na sana, makatapos ako para guminhawa ang buhay namin.

Nakatapos ako ng isang semester sa kolehiyo, kahit halos wala na talagang maibayad sa tuition fee.  Siguro sa hirap ng buhay na ganoon na kulang sa lahat, dininig na LORD ang dasal ko. Yung isa kong kamag-anak na may kaya sa buhay, inalok akong sila na lang ang magpaaral sa akin.  At  para mabawasan iyung bigat ng pagpapaaral ng kapatid ko, pumayag ako.

Ssa una, okay naman; walang problema. Kasi wala ka nang hingin pa; kasi halos lahat, mayroon naman sila.   Hindi ko akalaing hindi lang pala pag-aaral ang gagawin ko doon sa bahay nila.  Ako pala yong taga pag-alaga ng may sakit kong tiyahin.  Wala naman sanang problema sa akin kasi kadugo ko naman yong aalagaan ko.

Lumipas ang panahon; ‘di ko akalain na mas may mahirap pa pala akong dadaanan sa buhay ko.  Pumanaw iyong tiyahin ko nang ‘di pa ako nakatatapos ng pag-aaral ko.  Isang taon na lang sana; pero wala na akong magagawa kasi kinuha na siya ng LORD.    Nagtiwala pa rin naman akong makatatapos ako,  kasi iyon angg pangako sa akin ng pamilya nila.   Pero mali pala ako.

Pagkatapos ng pasukan, pinalayas ako sa bahay nila. Ang katuwiran ‘di na nila ako pag-aralin dahil wala na akong aalagaan pa. Nagulat ako; nabigla at natakot.  Paano na ang pangarap ko para sa pamilya ko kung ‘di ako makatapos?  Ito na lang ang paraan.

Hindi ko na namalayang tumulo ang luha ko.  Sobra akong nasaktan sa nangyari;  gusto kung magalit pero sino ba ako ?  Napakahirap ng pagsubok na pinagdaanan ko nang panahon na ‘yon.  Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa mga magulang ko kasi hindi ko rin naman alam ang dahilan.  Hanggang sa ‘di ko na namalayan nakauwi na pala ako sa sarili naming barung barong;  doon ko nakita kung paano umiyak ang nanay at tatay ko sa nangyari sa akin.  Okey lang naman sa akin na ako na lang masaktan.  Wag lang ang nanay at tatay ko.

Naisip ko tuloy, mahirap palang magtiwala sa kamag-anak mo. Mabuti pa ang ibang tao; totoo silang tumulong, walang halong pagkukunyari at walang hinihintay na kapalit.   Sa awa ng LORD, sa tulong ng kapatid ko, nakatapos din ako ng college kahit sobrang hirap.  Ngayon, okey na ako.  May work naman ako at maayos naman.

Isinumpa ko na kahit anong mangyari, hindi na ako tutuntong sa bahay nila. Mahirap magpatawada pero pina sa LORD ko na lang lahat.  Pero ‘yung naiwang pilat sa puso ko,  ano mang panahon ang dumaan ‘di na mabubura yon.  Ang damn kong hirap na pinagdaan sa pamilya nila. Pero ito ako ngayon;  nakatayo pa rin kasi naging matatag ako sa pagsubok na dumaan.  Ang sa akin lang naman,  sa mga taong nagpapaaral ng pinsan o kahit sino, kung ano yung pinangako ninyo, sana sundin ninyo.   At sana, mahalin ninyo yung mga taong mahirap na dumaan sa buhay ninyo, kasi malay n’yo, pagdating ng panahon, sila naman ang  makatulong sa inyo.

Lahat ng ginagawa natin,  nakikita ng LORD.

Ngayon, maayos na ang buhay ko, kaya ko na sanang bigyan ng magandang buhay ang pamilya ko.  Kaso lang , wala na sila.  Sana masaya na sila kung ano man yong mayroon ako ngayon.  Kahit ganito lang, ang  mahalaga, nakatayo na sa sariling paa at ‘di na umaasa sa iba.

Sayang …  si NANAY & si TATAY pa naman ang dahilan kung bakit ako nagpakahirap nang ganito.  Siguro, sabi nila, panahon na para maayos ang buhay ko at pagtuunan ng pansin ang sarili ko.  Kaya siguro nangyari yon.  Pero gusto ko pa ring nandito sila;  makita nilang maayos ako, masaya at magkaroon ng sariling pamilya.

Salamat sa pagpapahirap ng mga pinsan ko at salamat sa NANAY AT TATAY ko na laging nandiyan at nagpalakas sa akin palagi.  Sa mga pinsan ko, salamat at naging matatag ako.   Sana lang, wag nang maulit sa iba…..

author:  kylewoon

p.e./mj