Pagbabagsak ng mga bato sa mga Motorista mula sa ilang tulay sa karatig Maynila..bakit hindi masawata?

(Photo Credit: manchestereveningnews.co.uk)

“SUMPAIN SIYA NI ALLAH” …ang nasambit ng isang bagong saltang isang lalakeng Muslim kasama ang kanyang asawa habang namimili ng tela sa DIVISORIA ng madinig niya sa radio doon na mayroong nagbagsak ng bato sa isang tulay sa Mandaluyong sa mga nagdaraang motorista.

“ANO BANG KLASENG TAO AT UGALI MERON ANG GUMAGAWA NIYAN?” ang galit na nasabi nito

“HUU EH KUNG SA LUGAR NAMIN NIYA GAGAWIN IYAN AY BAKA MATAGAL NA SIYANG INUUOD”ang muli pa niyang nasabi.

Kasi kaya galit na galit ang Muslim na ito ay kanina lang daw ay nagdaan sila sa lugar na may binagsakan ng hollow block.

AT BAKIT NGA BA PATULOY PA RIN ANG PAGBABAGSAK NG MGA BATO mula sa tulay sa ilang karatig sa Metro-Manila at marami na ang mga motorista ang napeperwisyo…. bakit hindi nila masolusyunan at di nila masawata ito?.

NAPAKAHINA BAGA NG MGA BARANGAY na nakasasakop doon at MGA KAPULISANG nasa paligid-ligid lamang doon at di nila ma-solve ang problemang ito na di naglilipat linggo ay makakabalita kang may nambabato na naman doon.

NAALALA KO TULOY ng minsang me na-interview noon na isang Police officer na noon ay kasalukuyan pa lang may nababalitang may nagbabagsak ng bato sa ilang tulay sa karatig ng Maynila dahil may motoristang nagreklamo sa kanya na nabato raw siya at nakita naman na nabasag ang windshield ng kanyang sasakyan.

ABA ANG SAGOT ng Police officer…..baka naman daw may natibag lang na bato sa tulay at bumagsak ito . Ang dapat daw kung may ibang motorista na nakaranas na nabato sila sa tulay na iyon ay magsilantad at magreklamo at ng mabuo ang kanilang report at magawan nila ng solusyon iyon….at saka pa lang sila hahakbang upang magmasid at mag-inbistigasyon sa pinangyarihan.

ABA kailangan pa bang marami ang magreklamo upang masolusyunan nila ito at hindi pa ba sapat ang isang motorista na magreklamo at hindi pa ba siya naniniwala doon. Alangan namang ang motoristang iyon ay umakyat sa itaas ng tulay at babagsakan niya ng bato ang kanyang sasakyan.

ANO BANG KLASENG OFFICER ang na-interview at nagsabi niyon?

Hindi ba niya alam na kaya hindi na magawang magreklamo ang ibang motoristang nakaranas na ng pambabato doon ay hindi naman sila tagaroon at may importante silang lakad at malaking abala sa kanila ang magreklamo pa sila. Eh kaya nga may mga bara-barangay tayong ina-assign at tagaroon naman sila at maging pulis man ay bahala na sila doon.

Kailangan pa bang makipag-coordinate ang mga nababatong motorista? ..na sila’y sabay-sabay na magreklamo at magfile ng demanda….eh sino naman ba ang kanilang hahanapin at idedemanda?

AT NGAYON NGA na napatunayan ngang me nambabato at dahil mabagal silang mag-isip ng magandang paraan para masugpo iyon ay….HIHINTAYIN PA BA NATING magkaroon ng madisgrasya doon?

AKO NAMAN ay hindi taga Manila at hindi pa nakakaranas magdaan sa sinasabing EDSA SHAW BOULEVARD at iba pang nababalitang tulay na may nagbabagsak daw ng mga bato at minsa’y hollow block pa at minsan ko lang nakita sa TV ang hitsura ng tulay na iyon at hindi naman siguro nalalayo sa klase ng mga tulay sa South at North express way sa Probinsiya.

“EH KAY DALI NAMANG SOLUSYUNAN IYON AT BAKIT PINAGTATAGAL PA NILA?”

“At ako naman ay hindi nagmamarunong lamang….kung wala kayong tiyak na mga taong iaasign na magbabantay at magmamanman ng maghapon at magdamagan doon at hahayaan na lang ninyong lagyan ng CCTV camera at gusto lamang ninyong malaman kung sino ang gumagawa niyon ay saka pa lang ninyo hahanapin ay magiging useless lang yon dahil nabibigyan pa ninyo siya ng pagkakataon at kung talagang sira ang ulo niyon ay ano sa kanya kung makita man siya doon …eh di maka-pambabato pa rin siya”…..

May suggestion sana ako sa inyo..

“EH BAKIT BA HINDI NA LANG NINYO LAGYAN NG STEELMATIC O ISANG WIRE SCREEN NA SASAKUPIN ANG MAGKABILANG SIDE NG TULAY.…YUN BANG KAHIT BUMATO SILA PAITAAS AY HINDI MAKAKALUSOT ANG BATO”.

“Ganon lang ka-simple iyon”

At hindi lang isang tulay ang dapat na lalagyan na ninyo na komo doon lamang may nababalitaang may naghuhulog ng mga bato ay iyon lamang ang lalagyan ninyo….LAHAT NA NG MGA TULAY NA MAYROONG NAGDARAANG MGA MOTORISTA SA ILALIM AY LAGYAN NA NINYONG LAHAT…maging sa mga probinsiya man sa mga superhighway na may mga tulay .

Alam ninyo , hindi ko lang alam kung ganito din ang ginawang screen na proteksyon sa may bandang Guiguinto,Bulakan na may nagbabagsak din ng bato sa tulay ng Super highway at balitang isang major general pa ang namatay doon.

PERO KWIDAW AT WAG PA-KONTENTO kahit di na maka-pambabato at wala ng nababalitaan ay hindi na ninyo babantayan. Baka nagpapalamig-lamig lamang ang mga iyon upang maging kumampante tayo at baka kung mapagalit ninyo ang mga walanghiyang gumagawa noon at talagang nais makapangbuwisit ay ang ibuhos naman nila ay isang klase ng liquid na may kemikal na pwede ring makapanakot sa mga motorista at maka-aksidente….possible din yon dahil mga sira-ulo ang gumagawa ng ganon.

O BAKA NAMAN ang mga gumagawa ng pambabato don ay may intension na manghold-up… na may magbabagsak ng bato sa itaas at may mga kasama ito na nasa ibaba lang at kapag huminto ka at nakatiyempo ay sasalisihan ka na.

KAYA SA MGA BARA-BARANGAY na nakasasakop sa mga pinangyayarihan ng ganito ,huwag magpakalmante at lagi kayong magbabantay “KAYO LAMANG ANG MAKALULUTAS NIYAN”

At hindi ako naniniwalang iisa lang ang gumagawa nito at para hindi namin kayo pag-isipang mahihinang klaseng BARANGAY KAYO ay kailangang may mahuli kayo at pag-igihan naman ninyo ang trabaho ninyo.

At kung sino man ang Barangay Captain sa bawat lugar na may nambabato o kung may ibang in-charge man at nakakaalam ng katahimikan doon “ABA’Y KUMILOS-KILOS NAMAN KAYO AT NG MALAMAN NAMING KAYO’Y NAGTRATRABAHO”

…Wakas….