Pag-iyak, nakatutulong umano para pumayat

Image from Freepik

Ang pag-iyak ay normal na reaksiyon ng isang tao kapag siya ay nalulungkot, nasasaktan, o lubos na masaya.

Ayon kay Dr. Aaron Neufeld ng Los Altos Optometric Group, mayroon umanong tatlong klase ng luha: Basal, Reflex, at Psychic tear.

Ang basal tear ay ang normal na pagluha ng ating mga mata upang panatilihin itong basa. Ang reflex tear naman ay nangyayari kapag ang mga mata natin ay nagkaroon ng iritasyon mula sa iba’t ibang bagay na nasa ating paligid tulad ng hangin o usok. Habang ang psychic tears naman ay ang pagluha dulot ng nararamdamang emosyon.


Ayon sa isang pagsusuri, napag-alaman na ang psychic tear o ang pag-iyak dahil sa nararamdamang emosyon ay nakapagpapabawas ng timbang ng isang tao dahil ito ay nakakonekta sa ating hormones.

Image from Unsplash

Nadiskubre ni William Frey, isang biochemist, na ang mga luha na dulot ng stress ay nagtataglay ng napakaraming toxic substance mula sa katawan ng isang tao.

Kaya naman ang pag-iyak ay nakatutulong upang mailabas ang mga toxic substance na nagpapataba sa isang tao. Mababawasan ang naipong taba sa ating katawan sa pamamagitan ng pag-iyak dahil tayo ay naglalabas ng mga stressful hormones.

Ayon pa sa pag-aaral, ang mga luhang dulot ng totoong emosyon lamang ang nakatutulong upang makapagbawas ng timbang.

Nirekomenda rin ng mga scientist  ang pag-iyak mula ika-7 hanggang ika-10 ng gabi dahil ito raw ang tamang oras upang makapaglabas ng totoong emosyon kapag nanonood ng nakalulungkot na pelikula o kaya naman ay dahil sa pagiging heartbroken.

Image from Unsplash

Hindi man maganda ang pananaw ng ibang tao sa pag-iyak, mainam din isipin na hindi ito nasasayang dahil ang mga luhang ito rin pala ang nagiging dahilan upang mabawasan ang timbang ng isang tao.