Pag-ibig Sa Bingit Ng Kamatayan

Photo Credit: da14u.deviantart.com
Photo Credit: da14u.deviantart.com
Photo Credit: da14u.deviantart.com

“Yakapin mo ko nang mahigpit, huwag mo akong bibitawan,” ang tanging katagang aking nabanggit sa aking isipan habang pilit na hinahatak pababa ang aking katawan ng ‘di maipaliwanag na nilalang. Nakayakap naman sa aking kaliwa ang aking katipan na mahimbing na natutulog at walang alam sa nangyayari sa aming kapaligiran.

Manhid na ang katawan ko, hindi ako makasigaw, hindi rin ako makagalaw. Pilit akong hinihila ng kung anong puwersa sa aking kanang paanan. Madilim ang paligid, wala akong makita. Nasaan ba ako? Nasaang bahagi na ba ako ng mundo?

Parang naglalaro ang dalawang nilalang na humihila sa aking katawan. Si Arvie nakayakap sa akin habang mahimbing na natutulog, gagalaw lamang ang kanyang pagkayakap kapag bahagyang mahuhulog ako sa aking kinahihigaan. At isang hindi maipaliwanag na puwersa sa aking kanan ang pilit akong hinihila. Hindi tao, hindi rin hayop. Ang akala ko nga Alien, pero hindi eh. Wala naman akong nakitang spaceship sa aking paligid. Kung Alien yun dapat maliwanag sa kapaligiran sa dami ng ilaw na nakakabit sa nagniningning nilang sasakyan.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong hinila ni Arvie para hindi mahulog sa aking kama. Pilit kong ginalaw ang aking kamay para kunin ang Samsung Galaxy Ace phone ko (Maisingit lang, endorser? hahaha). Isang batang nilalang ang aking nakita sa aking nakuhaan. Hindi lang sila isa, dahil apat sila. Naguguluhan na ako, anong nangyayari sa paligid ko. Nasa teleserye ba ako? Acting lang ba ang lahat ng ito? Kumpleto ang casting sa kuwarto ko eh; ina, anak, kapatid, katipan at isang kontrabidang bata.

Dapat ba akong matuwa sa aking nakikita? Apat laban sa isa ang “peg” ng drama. Si Mama, ditse at bunso. Binabantayan nila ako, nakatingin lang sila na parang nagmamakaawa sa maitim na espirito. Mahigpit lang na nakayakap si Arvie sa akin, mahimbing pa din ang tulog.

“Kay bangon na ako”

“Ay pusang gala”

Si Arvie nagising na. Tumingin ako sa aking paligid. Liwanag ang gumulat sa akin dahil sa pagkakabukas nito ng ilaw. Wala akong nakitang ibang tao sa aking kuwarto kung hindi kaming dalawa lang ni Arvie. Wala si mama, ditse at bunso. Wala din yung batang kanina lang ay humihila sa akin.

“Anong nangyari sayo Kay, bakit nagdudugo yang ilong mo.” Labis ang pag-aalala sa akin ni Arvie. Sino ba naman ang hindi magugulat? kagigising ko palang nang biglang dumugo ang aking ilong.

“Wala ito, sa init at lamig lang siguro”

Isang matamis na halik ang iniwan sa akin ni Arvie at lumabas na ito ng kuwarto. Habang aking inaalala ang mga mga nangyari kanina, bumutil ang luha sa aking mata. Salamat sa Diyos at ako’y buhay pa. Nagising ako sa isang bangungot na maaring magdala sa akin sa kabilang buhay. Bangungot na maaring sa amin ay maghihiwalay. Niligtas ako ng taong mahal ko. Kahit hindi niya alam ang katotohanan, hindi niya ako binitawan.

About kelvinjonas

I’m just trying to make a story/blog to explore my imagination in different kind of story that will surely strike the readers heart, lungs, oesophagus, kidney, large intestine into small intestine, reproductive system...HUWAAAATTT, just be kidding, but sort of romance and what so ever. And not even the readers but also to hit the author’s feelings which he will include his own experience in this story. I’m just writing whatever is on my mind and whatever emotions will it take, convey, fetch, pass on, put across and get across and so whatever etcetera, etcetera, blah, blah, blah.