Pag-ibig na Bawal(Part 2)

 

Nasa bakuran noon si Jillian, kaliligo lang kasi niya at pinatutuyo niya ang mahabang buhok.  Payapa ang kaniyang damdamin habang minamasdan ang mga tanim na gulay ng kaniyang Itay. Maya-maya’y naisip na naman niyang muli si Rodel, ang kaniyang dating estudyante noong third year ito sa Mataas na Paaralan. Tatlong araw na ang nakalilipas nang gumraduate ito.  Nang matapos ito sa ikatlong taon ay inakala niya na lilipat ito ng paaralan, pero nanatili ito hanggang sa matapos sa huling taon ng hayskul.

“Siguro hindi na kami muling magkikita,” sambit niya sa sarili na nagpabigat ng kaniyang dibdib, parang gusto niyang lumuha na naman.  Nagsimula kasi ang lahat nang makatanggap siya ng mga bulaklak, chocolates at thoughtful notes mula kay Rodel, at inaamin niya sa sarili na talagang nahulog ang loob niya rito.  Maginoo, matalino at guwapo ito, pero nang magpaalam ito na manliligaw ay hindi niya ito pinayagan, dahil guro siya at estudyante niya ito.

Pero ganoon pa man ay lagi silang nagkakatinginan kahit na sa malayo, kahit na umiiwas siya ay pilit siyang napapatingin dito at nakikita niya na nakatitig din ito. Hindi ito nagpumilit nang sabihin niya na hindi puwedeng manligaw, pero kapag may mga okasyon ay nagpapadala pa rin ito ng card, gaya na lamang noong Pasko at noong kaarawan niya. Nabigla siya nang tinawag siya ng ina.

“Anak, may naghahanap sa iyo” sabi ng kaniyang inay

“Sino po, Inay ? ganting tanong niya, bakit nga ay wala naman siyang inaasahang bisita.

Rodel daw ang pangalan, madali ka at pinatuloy ko na, nasa sala na siya ngayon,” habilin ng ina.

Halos hindi siya nakasagot, aba’t pinuntahan siya ni Rodel, bakit kaya? Ah baka magpapasalamat ito sa graduation card na ibinigay niya.  Haharapin ba niya ito, Hindi ba’t sinabi niya na hindi puwede, pero graduate na ito, hindi na ito saklaw ng pagkaguro niya.  May nararamdaman pa kaya si Rodel sa kaniya?

Nang pumasok siya sa loob ng bahay ay tumayo ito.

“O hey, kumusta ka na, congratulations ulit”, bati niya rito,valedictorian si Rodel at nasungkit din nito ang best in Math at Science.Pinaupo niya ito.

“Ma’am, salamat po ng marami sa mga naituro ninyo at sa mga payo ninyo sa akin” sagot nito sa kaniya.

Siya nga po pala, Ma’am, nagtake po kasi ako ng exam sa UP, pinalad naman po na makapasa, kaya sa UP na po ako mag-eenrol, kukuha po ako ng economics, pre- law po.

“Great, hinahangad ko ang tagumpay mo, alam ko na kaya mo yan,dahil matalino at masikap ka naman” sabi niya rito.

“Eh Ma’am,kaya po talaga ako pumunta dito kasi, hindi ba sabi mo noon sa akin, hindi puwede dahil estudyante mo ako, pero ngayon graduate na ako. Iyung nararamdaman ko sa iyo noon ay ganoon pa rin ngayon. Kung bibigyan mo ako ng pagkakataon, hayaan mo na maiparamdam ko sa iyo ang pagmamahal ko” pagtatapat nito sa kaniya.

Halos hindi makasagot si Jillian, hindi siya handa sa ipinagtapat nito. Pitong taon din ang agwat ng edad nila, Bata pa ito, 16 taong lamang, seryosa ba ito sa sinasabi.  Baka infatuated lamang ito sa kaniya.  Ang hirap pala ng ganito, alam niya sa kaniyang sarili na mahal niya si Rodel pero si Rodel kaya, hindi kaya siya magbago,baka sa huli siya lang ang masasaktan.Paano pa kapag nalaman ng mga magulang nito na nagpaligaw siya sa bata,ano kaya ng iisipin ng mga ito sa kaniya.Hindi siya halos makapagsalita.

Rodel may itatanong ako sa iyo,ano ba ang nagustuhan mo sa akin? tanong niya rito.

Ma’am hindi ko rin po alam, basta naramdaman ko na lang na ikaw ang itinitibok ng aking puso,”seryosong sagot nito sa kaniya.

“Hindi kaya puppy love lang yan,o baka naman infatuated ka lang sa akin, Rodel, bata ka pa, marami ka pang makikilala na higit sa akin at darating ang panahon na makakalimutan mo ang damdaming iyan”.pangaral niya rito.

“Bakit Ma’am kapag ba bata, hindi na marunong magmahal at hindi na marunong magseryoso, kapag ba bata, hindi ba pwedeng asahan ang mga pangako.Ma’am naging teacher kita, kapag may sinabi ka na dalhin ko sa klase at nangako ako na dadalhin, kahit project pa iyan o assignment, walang palya, dinadala ko naging tapat ako kahit na sa maliliit na bagay na ipinangako ko sa inyo. Ngayon na sinasabi kong mahal kita, hindi mo ba ako paniniwalaan dahil bata pa ako”sagot nito sa kaniya, ramdam niya sa tinig nito ang pakiusap, kaseryosohan at pagmamahal.

“Hindi ko alam, Rodel, kung ano ang puwede kong sabihin sa iyo, ganito na lang sige ipagpatuloy mo ang pag-aaral mo, makipagkaibigan ka sa mga kaedad mo. Kapag tapos ka na ng pag-aaral, bumalik ka dito, tingnan natin kung iyan pa rin ang damdamin mo at kung iyan pa rin ang sasabihin mo sa akin.”

“Walang problema,tinatanggap ko ang hamon mo, ang inaalala ko lang paano kung may iba pang dumating sa buhay mo gaya ni Sir( ang tinutukoy nitong Sir ay ang co-teacher ni Jillian na nanliligaw din sa kanya)paano kung pagbalik ko may iba ng nagmamay –ari sa puso mo.Ang gusto ko sana kahit sabihin mo sa akin na hihintayin mo rin ako”.matindi pala ang batang ito, may kabilisan din.

“Rodel, hindi kita masasagot sa ngayon, pero kung ang inaalala mo ay Si Mr. Lopez, wala kaming relasyon. Ayaw kong magsalita ng tapos ngayon, pero sige maghihintay ako.”

Hindi malaman ni Jillian, kahit ayaw niyang sabihin ay parang puso niya ang nagdikta, matapos niyang sabihin iyon ay kitang –kita niya ang kislap sa mga mata ni Rodel.Pamaya-maya y tumayo ito at nagpaalam, sige, Ma’am Jillian, babalik ako.

Pumihit na itong aalis pero dumating ang kaniyang ama,

“Aba anak at may bisita ka pala? bati ng ama.

Tay, si Rodel po, dati kong estudyante. Rodel, ang tatay ko,”pakilala niya rito.

Nagkamay ang dalawa,”Anak kumuha ka man lang ng maiinom para dito sa batang ito”, at kakausapin ko muna siya.  Ayaw niya sanang iwan ang ama at si Rodel, pero matiim ang titig sa kaniya ng ama, isang utos iyon na payagan silang mag-usap ni Rodel.

 itutuloy

2 Comments

    • Thank you sa very inspiring comment,ang totoo ngayon ko pa lang ginawa ito,salamat naman po at nagustuhan ninyo.God bless po.sana basahin nyo rin po yung iba ko pang akda.God bless

Leave a Reply

Your email address will not be published.