Pag-ibig na Bawal

Isa akong guro sa Mataas na paaralan, 22 taong gulang ako noon. Pangatlong taon ko pa lamang sa pagtuturo.  May naging kasintahan ako sa kolehiyo, pero nagkahiwalay din kami dahil sa third party. Ako siguro iyung babaeng simple lang, hindi maganda, pero hindi rin naman masasabing pangit. Nakalimutan ko na ang sakit na idinulot niyon; marahil naging masyado akong abala sa pagtuturo.

Third year ang aking tinuturuan,  Nakapapagod dahil sa apat na section, ako lang ang nagtuturo ng chemistry.  Gayon pa man masaya na rin ako dahil hawak ko naman ang pilot section.  Naroon ang mga matatalas ang ulo ‘ika nga.

Septiyembre ng taong iyon nang may bagong estudyanteng lumipat; galing daw siya sa isang pribadong paaralan.  Rodel ang pangalan nito, mahiyain, hindi nga halos nagtaas ng ulo nang ipakilala sa klase.  Pero kapansin-pansin ang galing at husay nito, hindi siya palaimik, pero makikita na talagang matalino ito. Minsan, napag-usapan namin siya sa teacher’s room

“Ang galing ni Rodel ano, iyung transferee,” sabi ni Miss Sanches; guro siya sa Filipino.

’Akalain mo, pinasulat ko ng komposisyon, impromptu; parang professional ang gumawa,” patuloy nito

“Sinabi mo pa” kahit sa English, mukhang hindi third year,t alagang magaling,” sagot naman ni Mrs.Cruz, guro sa English.

Pero alam ninyo, na-expel pala ang batang iyan doon sa dati niyang paaralan, editor daw kasi siya ng kanilang school paper, sumulat daw ng pagbatikos sa paaralan kaya ayan, talsik,” sabi naman ni G. Ramos, guro sa P.E.

.Ako, na nakikinig lamang noong mga panahong iyon, ay nakaramdam ng awa para kay Rodel.  Siguro kaya tahimik ito, dinidibdib ang nangyari sa kaniya. Pero kahit ako ay makapagsasabing magaling talaga ito, laging perpekto ang marka nito sa chemistry.

Ewan ko ba, pero simula noon ay pinagtuunan ko ng pansin si Rodel,  Lagi ko siyang tinatawag at tinatanong sa klase, binibigyan ko rin siya ng mga papuri at ginagawang ehemplo.  Unti-unti ay bumalik ang tiwala nito sa sarili, naging masiglahin ito, at parati na ito ngayong nakikipag-usap sa mga kamag-aral niya.

Araw ng Lunes noon; maaga akong pumasok sa aking silid-aralan.  Nang buksan ko ang drawer ko ay isang bulaklak na kulay rosas ang bumulaga sa akin, at may nakalagay na note na –

“I love you”
“Take care”

From your secret admirer,

 Napaisip ako.  Sino kaya ang nagbigay nito, pero parang nakadama ako ng munting kilig.  Halos tuwing Lunes ay may natatangap akong bulaklak, chocolates, at mga thoughtful notes. Kinikilig ako, pero curious ako kung sino ang nagpapadala niyon; hanggang isang araw ng Biyernes, bago mag-uwian ay nag-iwan ako ng note sa aking drawer.

Thank you for all the flowers, chocolates and the thoughtful notes. I appreciate those, hope you will tell me your name”

Halos madaliin ko nang maging Lunes na.  Gustong-gusto ko nang malaman kung sino ang nagpapadala ng mga iyon. Kaya nang Lunes na iyon ay naghanda ako; kay aga kong gumising. Masayang -masaya ako at napakagaan ng aking pakiramdam.

Nagulat ako nang buksan ko ang drawer ko.  Mayroon na namang bulaklak at chocolates at ang nakapangalan dito ay Rodel.  Ewan ko ba, para akong nasa ulap, ang pinakamagaling ko palang estudyante ang humahanga sa akin.  Pero bigla ko ring naisip na hindi ito tama.

Simula noon ay parati na kaming nagkakatinginan, may mga pagkakataon na ngumingiti siya sa akin na ginagantihan ko ng matamis ding ngiti.  Lalong naging mahusay ito sa pag-aaral. Hanggang sa noong minsan ay lumapit ito sa akin.

Ma’am puwede ko po ba kayong ihatid sa bahay ninyo,” nasa tinig nito ang pakiusap.

Hindi na ako bago sa ganyan.  Alam ko ang tunay na ibig sabihin ni Rodel, gusto nitong manligaw.  Ang sarap sa pakiramdam, parang diniligan ang puso ko.  Pero hindi puwede, bawal. 15 taong gulang lamang ito at estudyante ko pa. Ito ay iyong tinatawag na unethical, at kailangang putulin ito hangga’t maaga.  Dapat nga sa simula pa lang ay pinutol ko na.

Malumanay ko itong kinausap, “Rodel teacher ako at estudyante kita.   Kung ano man ang nasa isip mo ay hindi puwede”.

Kitang –kita ko ang lungkot sa mga mata nito. Nagpaalam na itong aalis at mayroon pa raw siyang pupuntahan.  Narinig ko rin na nagsabi ito ng mahinang Sorry po, Ma’am.  Habang papaalis ito ay kitang-kita ko ang paglaylay ng mga balikat at ang bigat ng mga hakbang nito.

Nang nag-iisa na ako ay ako naman ang umiyak.  Ang sakit; sa pangalawang pagkakataon ay lumuha akong muli dahil ang namamagitan sa amin ng aking estudyante ay isang pag-ibig na bawal.

8 Comments

  1. yup thats true,may kilala akong ganyan and its true love,after makagraduate ni student ng higschool naging sila and after makagraduate uli sa college nagpakasal sila,what a happy ending db?

  2. Thank God…malakas ang paglaban sa temptation ni Teacher…at naintindihan din naman ni Student Rodel ang kanilang mga kinalalagyan. Kung ito man ay isang kathang isip lamang or tunay na pangyayari, God is Love…may tamang panahon at lugar sa pangalawang pagkakataon!

Leave a Reply to jennifer Cancel reply

Your email address will not be published.