Pag Dilawan Ang Mayor Ng City, Tataas Ang Tax Nito

Umaga, gabi hangang sa madaling araw kami ay nagtatrabaho para makahanap ng pera, ngunit ganun pa may hindi kami makabili ng lahat ng pangangailangan namin. Sikap, tyaga at tipid ang kailangan naming gawin para makabayad ng local tax na napakamahal at sa isip namin ay ‘di makatarungan.

Hindi naman kami nanghihingi sa gobyerno pero sana hindi naman kami pagmalupitan. Ang hirap maghanap ng pera sa city na mahirap. Hindi marami ang may trabaho kaya walang gaanong transaction at kung mayroon man kaunti lang ang kikitain kasi walang gaanong pera ang aming target na mga customers.

Kung magbayad kami ng tax daig pa namin ang kurakot na tao sa gobyerno, tinatanong kami; magkano ang puhunan namin, magkano ang kita namin at hindi lang hanggang tanong ‘yan, may paper report pa yan. Hindi pa nakuntento sa sagot namin e imbestiga pa kami na parang kami ay nagnanakaw sa kaban ng bayan. Hindi naman kami nagnanakaw, sa halip kami ay nagsikap para makabayad ng tax at hindi maging pabigat sa gobyerno natin. Marami sa amin ay nais lamang  makakain at makabayad ng dapat naming bayaran at makatulong sa gobyerno sa pamamagitan ng pagbayad sana ng wastong tax na karapat-dapat naman sana sa amin, sang-ayon sa maayos na sistema sana ng pagpataw ng tax (kung meron sana non).

Hindi na lang namin iniinda na meron pa sana kaming kailangan bilhin pero dahil sa gipit hindi namin mabili ang mga ito. Hindi na rin kami nangangarap ng kung ano-ano pa, sapat na lang sa amin makakain, makatulog sana nang maayos (pero ‘yun ay kadalasan ipinagkakait pa sa amin) at kahit papano sana maalagaan naman namin ang aming kalusugan (sa hirap maghanap ng pera para pang sustento sa tax at kinakailangan namin araw-araw hindi na namin maalagaan ang aming mga katawan nang maayos).

Kung mag-penalty pa kayo ang hatol n’yo ay kalupitan. Dapat ang penalty ay para magtanda kami na hindi na namin gawin ‘yun ulit kung ano man ‘yung mali namin, pero ang penalty na hatol n’yo ay hindi para magtanda kami kung hindi para magsara na lang kami. Kung puwede palang sana agad kami aalis sa city na mahirap,  gawin na sana namin ‘yun. Nakabayad nga kami ng penalty pero nakunan naman ang puhunan namin ‘di tatagal marami sa amin, magsara na lang at kung hindi suwertihin na may tutulong sa amin na malapit na kamag-anak (usually ‘yung nag-work sa abroad) mapabilang kami sa walang kinikita at kalaunan maging pabigat sa gobyerno,  saka pa may tulong kaming matanggap sa gobyerno (yun ay kung susuwertihin na may kakilala kami sa gobyerno na tutulong sa amin na maging myembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program or 4Ps pero karamihan sa amin ay hindi naman iresponsable na mamamayan kaya malamang hindi kami mapabilang diyan, pwera na lang kung lakas kami sa gobyerno )

Sakit para sa amin na minsan kung makatanong kayo parang iniimbestiga kami at kulang na lang e i-life style check n’yo kami. Kahit alam naman ninyo talaga kung matumal ba ang kita o hindi. Dapat alam n’yo ang tunay na economic statues  ng city  para kung magpataw kayo ng tax ito ay makatarungan. Dapat alam n’yo kung ilan lang ang may trabaho, magkano ang totoong suweldo ng karamihan. Ang simple ng trabaho na  ‘yan kahit baguhang taga-research fresh from college basta alam paano mag-gather ng facts nang husto, mag-tally at simpleng computer jobs lang,  tapos na. Tas e analyze n’yo nang husto ang report  tapos mag-isip kayo kung ano talaga ang dapat na tax  ang ipapataw sa amin. Madali lang ‘yun, mas madali pa kaysa magpagod nang todo-todo to the point na hindi na matulog nang maayos ng maraming taon (hindi lang isang buwan yun kung hindi maraming taon o pang habangbuhay) para makabayad ng tax  at makakain. Kung makapaaw kayo ng tax parang gusto na rin n’yo kaming mamatay nang padahan-dahan. Hindi makatarungan na patayin kami nang ganun. Ang tax n’yo ay parang parusa sa amin sa araw-araw na buhay namin. Sana maawa naman kayo.

Kung nagpuhunan kami nang  malaki, sapat na ba ‘yun na i-tax kami nang malaki?

Buti sana kung ang puhunan namin na malaki ay malaki din ang kita. Dapat alam n’yo na pag  mahirap ang city kahit malaki pa ang puhunan ng isang negosyante, maliit pa rin ang kita dahil hindi sa puhunan lang nakasalalay ang kita ng negosyo, nakasalalay din ito sa mamimili (at marami pang iba). kung ang mamimili ay kaunti lang at walang gaanong pera, wala rin gaanong kita. Kadalasan ang kita ay nauubos lang sa expenses at kung malaki masyado ang tax mas mahirapan kami.

Kung bakit pa kasi ang pagiging city ng isang lugar ay hindi binabase sa kung progresibo ba to at may airport, seaport at may hindi bababa sa 12 ka  kompanya na may mga empleyadong hindi bababa sa one thousand bawat isa nito, liban noon may mga hindi baba sa 12 na kompanya na may mga empleyadong hindi bababa sa 500 thousand katao. At kung ang mga number ng employed people within the city ay hindi bababa sa 75 percent ng kabuoang bilang.

Kung ganun sana hindi maging city ang mahirap na lugar at hindi sana namin halus ikamatay ang pagbayad ng tax na sobrang mahal. Ang hirap non para sa amin na maliit na negosyante. Paano namin mabayaran ang sobrang singil ng tax na wala ngang gaanong transaction kasi nga walang maraming may trabaho sa lugar  kung saan nakatirik ang mga negosyo namin. Hindi na nga namin alam talaga paano na abot sa ganon kalaki ang tax namin. Basta na lang sa taong ito ang sa akin ay nag-3 times plus siya, ang lupit noon hah! Ewan ko kung sa ibang cityay  ganun ba din (sana hindi naman). Pero sa city kung saan ako nakatira, dami talaga nagreklamo sa bagong tax.

May mga ugong-ugong na lumaki daw ang tax ngayong taon na to 2017 sa city namin kasi dahil daw kay Duterte. Ang sabi naman ng iba tinaasan daw kasi linya daw ng dilawan ang mayor namin  kaya ngaoung si Duterte na ang pangulo ng bansa tinaasan ng mayor namin ang tax, pambawi daw nong mga taon na hindi niya pinataas ang tax nong si Noynoy Aquino pa daw ang pangulo. Kaya ‘yung bago pa lang bukas ang negosyo mas nahirapan kasi taas  na agad ang tax namin. Hindi pa kami nakatapos sa unang actual study sa negosyo namin, taas agad ang tax namin. Alam naman natin pag bago pang bukas ang negosyo talagang marami ang expenses kasi kababago pa nga lang bukas. Mag-study pa kami sa market, sa suppliers at sa kung ano ano pa sa panahon na ginagawa namin ang actual study my mga expenses yan.

Ang pera na ginagastos namin sa araw – araw na buhay namin pinagpaguran yan hindi kami umuupo sa airconned na office at nag usap-usap sa kung ano ano, hindi kami nagisnack ng parang party baga tuwing alas 3 ng hapon. Naghirap kami sa init ng panahon o ginaw man para may kita at kung minsan puro pang bayad lang ng tax at pagkain ang kinikita namin. Dugo at pawis ang puhunan namin upang mabuhay. Hindi ba kami karapatdapat mabuhay nang ayon sa isang taong naghirap naman para mabuhay nang maayos?

Wala ba kaming karapatan na magsaya sa pinaghirapan namin?

Minsan ang tao sa gobyerno di nila naiisip na ang trabaho nila ay simple lang e kumpara sa maliliit lamang na negosyante. Habang ang mga empleyado ng gobyerno sakto ang oras ng pamamahinga. Marami sa amin ang walang tamang oras ng pagpapahinga. Gustuhin man namin hindi kami makapag rest day, ni holidays wala kami non, Kahit man lang tamang break time.

Tuwing Pasko may bonus kayo habang kami mas dadami ang mga trabaho namin at ang lahat para makabayad ng tax sa pag-start ng taon. Pag retire ninyo may matatanggap kayo sa gobyerno kahit ‘di pa kayo nagsipag sa mga trabaho n’yo at minsan wala kayong ganong alam sa trabaho n’yo. Kami kung minsan kahit magsipag pa to the point na wala nang rest day at lagi lang naka-over time, marami sa amin walang maitabing pera para  ipunin ng mapaghandaan naman namin ang mga katapusang taon sa aming buhay.  Sa hirap ng buhay at trabaho namin marami sa amin lagi lang nagkasakit at ito na rin ang isa pa sa dahilan na wala kami maipon. Minsan kahit may sakit pa kami trabaho nang trabaho lang kami.

Dito sa mahirap na city na kung saan kami nakatira at nagnenegosyo na rin, ang hirap ng buhay namin.  Nagnanais kami na sana sa tuwing binabasa ng mga empleyado ng gobyerno ang aming daily sales report at magtatanong sila ng kung ano-ano at sana matanong din nila kung gaano ba kahirap ang trabaho namin sa paghahanap ng pera at kung ang tax na pinapataw nila sa amin ay makatarungan ba. Marami sa amin masakitin dahil na rin sa pagod ng trabaho namin at walang tamang oras ng pagpahinga.

Sana darating ang araw na kung sino man ang nagmalupit sa amin makatikim ng parusa ng Diyos at ang parusa na to aabot sa mga angkan n’yo hanggang sa huling henerasyon. Mamuhay kayong maghirap at maging walang silbi ang buhay n’yo. Sana pakinggan ng Dyios ang aming mga hinaing at sana marinig ng Diyos ang bawat patak ng luha namin dulot ng hihirap na nararanasan namin dahil sa inyong kalupitan.

About Petra

Sana ang opinion ng manunulat ay galangin at wag na kayo mag rason kung alam naman ninyo na ito ay totoo. Malamang hindi lang sya ang naka alam nito marami pang iba nagkataon lang na ilan lang silang may lakas na luob na e siwalat to hanggang cyber.